You are on page 1of 2

Pagtatalakay Noble Savage – tanggap niya kung ano siya, hindi niya ikinahiya kung ano

siya. Halimbawa: Sa kabila ng aking mga imperpeksyon ay tanggap ko ang aking buong
pagkatao maging sa aking pisikal na anyo.

Etnocentrism – paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit sa


ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.

Halimbawa: ang pagpayag sa ibang bansa na maaring ipalaglag ang kanilang anak hanggat
hindi pa umaabot sa 6 na buwan. Sa katoliko at dito sa Pilipinas isang mortal na kasalanan
ang pagpapalaglag ng sanggol.

Cultural Relatively – pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito tinitingnan ang lahat ng kultura
bilang pantay-pantay, walang superior at imperyor.

Halimbawa: para sa akin bilang isa ring masugid na tagahanga ng kultura sa Korea sa
tingin ko ay pantay lamang ito sa sa kultura ng mga Pinoy sapagkat ang 2 bansa ay
mayroong iba’t ibang paniniwala at makulay na kahapon.

Xenocentrism - ang mga banyagang tao, lugar at bagay ay magaganda at ang local o
sariling kanya ay pangit. Pgamamahal ito sa imported na bagay.

Halimbawa: Paminsan-minsan ay mas tinatangkilik ko ang mga padalang gamit ng aking


pinsan kagaya na lamang ng kanilang sabon,lotion,damit kesa sa produkto na makikita sa
Pilipinas.

Espesyalistis – isang taong dedikado sa isang partikular na sangay ng agham, negosyo at


iba pa.

Halimbawa:Ang aking ama maging ang aking mga ante ay dedikado sa Negosyo sapagkat
iyan ang aming ikinabubuhay at yan ang ginagamit ng aming pamilya bilang pantawid sa
pang-araw-araw.

Polychronic – sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang
sabay sabay.

Halimbawa: Paminsan-minsan habang nagluluto at nagpapakulo ako ng uulamin ay


isinasabay ko ang paghugugas ng pinggan para habang hinihintay kung kumulo ay may
magagawa akong ibang bagay.
a Monochronic - ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala
sila na bawat trabaho ay may oras. Halimbawa: hindi muna ako naliligo hanggat hindi ako
natatapos maglinis sa bahay/pagkuha ng mga alikabok sa estante.

Allocentric – Iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang iba.

Halimbawa: Parati kung binabantayan ang aking salita tungo sa ibang tao upang
makaiwas sa sigalot at upang walang masaktan na tao sa pamamagitan ng aking
pananalita.

Kultura –  nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay
mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa
ng pakikipagkapwa.

You might also like