You are on page 1of 2

ESP 5 WORKSHEET

ALAMIN!
Kapag tayo ay may mga nakikita o nakikilalang ibang tao na bago sa ating mga paningin, iba-iba ang mga
maaari nating maging reaksyon. Puwedeng tayo ay magulat, mamangha, mapa-isip at magtanong kung bakit
ganoon ang anyo nila at mga ginagawa nila.
Ang mga taong bago sa ating mga paningin ay mga tinatawag na dayuhan o kaya ay mga katutubo. Sila ay
mga taong nagmula sa ibang mga lugar o mga bansa.
Bilang isang mabuting mag-aaral, dapat natin silang tanggapin at itrato nang mabuti. Sa papaanong paraan?
Tanggapin natin sila nang maayos, subalit kailangan nating suriin kung tayo ba ay hindi mapapahamak sa
pagtanggap sa kanila. Dapat pa rin tayong humingi ng gabay sa ating mga magulang o kaya sa mga kasama
natin sa bahay para na rin sa ating pansariling kaligtasan. Kapag nasiguro na natin ang ating kaligtasan, maari
na tayong makipagkaibigan sa kanila. Maaari na natin silang alukin ng maiinom o kaya ng makakain. Maaari
na natin silang tanggapin o kaya ay patuluyin sa ating tahanan pero kasama pa rin ang pahintulot ng ating mga
magulang o kasama sa tahanan.
Pagdating naman sa paggalang sa kanilang mga paniniwala at mga kaugalian, ano ang ating dapat gawin?
Kapag naman nakita ninyo silang may mga ginagawang ibang pamamaraan, halimbawa sa kanilang
pananampalataya, pagsayaw, pagkain o anumang mga gawain, hayaan lang natin silang gawin ang kanilang
mga nakagisnan. Huwag natin silang tawanan. Ipakita natin na tayo ay marunong gumalang at rumespeto.
Maaari pa nga natin silang ipagmalaki sa mga talento o mga kaugaliang mga ibinabahagi nila sa atin. Mula sa
kanila, may mga bagay din naman tayong mapupulot na hindi naman makapagpapahamak sa ating kaligtasan.
Tanggapin o itrato natin sila nang maayos, may paggalang at pagrespeto. Palaging tandaan na kung ano man
ang gawin nating mabuti sa ating kapuwa ay tiyak na mabuti rin ang maibabalik na paggalang sa atin.
Kagaya mo, sila rin ay mga nilikha ng Diyos na dapat igalang at irespeto.
A. Panuto: Kumpletuhin ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang.
1. Ang lahat ng mga tao ay nararapat makatanggap nang mabuting pagtrato dahil ____________.

2. Ang maaari kong magawa upang matulungan ang mga dayuhan ay ____________.

3. Ang natatanging kaugalian ng mga katutubo ay ang ___________.

4. Maganda ang kultura ng mga Pilipino tulad ng _____________.

5.Ang pagkakaalam ko sa kultura ng mga dayuhan, halimbawa ay ang _____________.


B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan at katutubo,
MALI kung hindi naman.
___1. Pagtulong sa mga dayuhang turista ng walang hinihinging kapalit.

___2. Pakikilahok sa mga katutubong sayaw.

___3. Pagtanggap ng buong puso sa mga dayuhan at katutubo sa kabila ng pakakaiba ng pamumuhay at
paniniwala.

___4. Pangungutya sa mga dayuhan at katutubong kamag-aaral.

___5. Pagkikipagkaibigan sa iyong dayuhan at katutubong mga kapitbahay.


C. Basahin at umawain ang tula, pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Iba-iba Man, May Pagkakatulad Din


Zenaida R. Ylarde

Siya, ako, at sila


Bansa nami’y iba-iba
Kaniya-kaniya ng kultura.
Iba-iba man ang aming pinanggalingan,
Tunay naman ang aming pagsasamahan
Iba-iba man ang aming katauhan
Lumikha sa amin ay iisa lamang
Ang aming Diyos na kinikilala
Dakila Siya, tayo’y Kaniyang nilikha

Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang pangangailangan ng bawat isa?
3. Bakit iisa tayo sa kabila ng pagkakaiba ng ating katauhan?
4. Paano nagiging dakila ang Diyos batay sa akda?
5. Paano nagkakaiba ang ating katauhan?

D. Basahing mabuti at unawain ang mga sitwasyong nakasaad sa unang column at isulat naman sa ikalawang column
kung ano ang dapat mong gawin kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon.

You might also like