You are on page 1of 4

Phil-IRI Form 1 – Pretest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Nagmamano ka ba sa matatanda? Paano mo tinatawag ang


kapatid mong nakatatanda sa iyo?

Paggalang, Mabuting Katangian

Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga


Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng
isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na
kinahahangaan ng mga dayuhan.

Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng


nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga
bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at
pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamag-
anak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan
man.

Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at


pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin
ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at
manong.

Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon?

Gr. IV
Bilang ng mga Salita: 115

Mga Tanong:

Literal 1. Sino ang kahanga-hanga? ________


Sagot: ang isang taong magalang

2. Sa ating mga Pilipino, ano ang katumbas ng


isang utos na naging kaugalian? ________
Sagot: pagmamano

3. Kailan ginagawa ng mga bata ang pagmamano


o paghalik sa kamay ng nakatatanda? ________
Mga sagot:
 Matapos magdasal.
 Pagkagaling sa simbahan.
SY 2012-2013
 Bago umalis o pagdating sa bahay.
 Kapag may bumisita o binisitang kamag-anak.
 Kapag nakita o nasalubong sila saan man.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Pagpapaka- 4. Bakit sinasabing katumbas ng isang utos na


hulugan naging kaugalian ang pagiging magalang? ________
Maaaring Sagot:
 Dahil natutuhan natin ito sa ating mga magulang.
 Dahil tinuturuan tayo ng magandang asal.
 Dahil itinuturo ito sa mga paaralan.
 Dahil nakikita natin ito sa ating kapwa-Pilipino.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

5. Ano kaya ang nararamdaman ng mga matatanda kapag


sila ay iginagalang ng mga nakababata? ________
Maaaring Sagot:
 Natutuwa/Nasisiyahan/ Naliligayahan
 Nagmamalaki sa paggalang na ibinibigay sa kanila.
 Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili.
 Nagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
6. Bukod sa mga nabanggit, paano mo pa ipinapakita
Paglalapat
ang paggalang sa kapwa? ________
Maaaring sagot:
 Sa pakikinig po habang may nagsasalita.
 Hindi po pag-iingay habang may natutulog.
 Pagtayo po ng tuwid habang inaawit ang Lupang
Hinirang.
 Pananahimik po habang nasa loob ng simbahan.
 Sa maayos na pagtanggap po ng panauhin.
 Paggamit po ng mga salitang “paki” o
“maaari po ba?” kung may iniuutos.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)
7. Nasalubong mo ang iyong guro sa daan, paano mo
ipakikita ang paggalang? ________
Maaaring sagot:
 Magmamano po ako sa kanya.
 Yuyuko po ako at magsasabi ng
magandang umaga/tanghali/hapon po.
 Tutulungan ko po siya kung mayroon
siyang mabigat na dala.

SY 2012-2013
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)
8. Pinangangaralan ka ng iyong ama dahil may nagawa
kang di niya nagustuhan. Paano mo ipakikita ang
paggalang sa kanya habang ikaw ay kanyang
kinakausap? ________
Maaaring sagot:
 Makikinig po ako sa kanyang sinasabi.
 Titingin po ako sa kanya habang ako
ay kanyang kinakausap.
 Hindi po ako sasagot nang pabalang
o di tama kung ako po ay kanyang tatanungin.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 – Pretest

Paggalang, Mabuting Katangian

Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga


Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng
isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na
kinahahangaan ng mga dayuhan.

Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng


nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga
bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at
pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamag-
anak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan
man.

Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at


pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin
ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at
manong.

Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon?

SY 2012-2013

You might also like