You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Nagmamano ka ba sa matatanda? Paano mo tinatawag ang


kapatid mong nakatatanda sa iyo?

Paggalang, Mabuting Katangian

Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga


Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng
isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na
kinahahangaan ng mga dayuhan.

Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng


nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga
bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at
pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamag-
anak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan
man.

Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at


pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin
ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at
manong.

Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon?

Gr. IV
Bilang ng mga Salita: 115

Mga Tanong:

Literal 1. Sino ang kahanga-hanga ayon sa teksto?


Sagot:
A. Magalang

2. Sa ating mga Pilipino, ano ang katumbas ng


isang utos na naging kaugalian?
Sagot:
B..Pagiging magalang sa mga nakatatanda.
3. Ang mga sumusunod ay nagsasabi kung kailan ginagawa ng bata
ang pagmamano sa mga nakatatanda, MALIBAN sa isa.
Sagot:
B. Kapag sinasabihan lamang.

Pagpapaka- 4. Bakit sinasabing katumbas ng isang utos na


hulugan naging kaugalian ang pagiging magalang? Dahil ____

Sagot:
C. Natutuhan natin ito sa ating mga magulang.

5. Ano kaya ang nararamdaman ng mga matatanda kapag


sila ay iginagalang ng mga nakababata?
Sagot:
C. Naliligayahan/Nasisiyahan/Natutuwa

6. Bukod sa mga nabanggit, paano mo pa ipinapakita


Paglalapat
ang paggalang sa kapwa?
Sagot:
B. Paggamit po ng mga salitang “paki” o
“maaari po ba?” kung may iniuutos.
7. Nasalubong mo ang iyong guro sa daan, paano mo
ipakikita ang paggalang?
Sagot:
D. Yuyuko po ako at magsasabi ng
magandang umaga/tanghali/hapon po.

8. Pinangangaralan ka ng iyong ama dahil may nagawa


kang di niya nagustuhan. Paano mo ipakikita ang
paggalang sa kanya habang ikaw ay kanyang
kinakausap?
Sagot:
B. Hindi po ako sasagot nang pabalang
o di tama kung ako po ay kanyang tatanungin.
Phil-IRI Form 1

Paggalang, Mabuting Katangian

Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga


Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng
isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na
kinahahangaan ng mga dayuhan.

Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng


nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga
bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at
pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamag-
anak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan
man.

Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at


pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin
ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at
manong.

Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon?

You might also like