You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALAN NG DAO-AN

San Miguel, Zamboanga del Sur

FILIPINO 9
2nd Quarter
SUMMATIVE EXAM

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon:_________________Score:________

I.Pagpipili-pilian
Panuto: I. Basahin at unawain ang mga pahayag/Tulang HAIKU. Isulat ang titik ng may
tamang sagot sa patlang bago ang bilang

Ako ay napamahal At nasaktan sa huli


Iniwan ko na siya Pinaglaruan Niya
lang ako

______ 1. Anong damdamin ang namayani sa tula?


malungkot b. masaya c. nainis d. nagalit
______ 2. Ano ang ibig sabihin sa salitang may salungguhit sa tula?
a. nakuha b. nadakip c. dulo d. nagalit
______ 3. Alin ang hindi katangian ng HAIKU?
a. maikli b. may labimpitong pantig c. may tatlong taludtod d. binubuo ng 31 pantig
______ 4. Sa supra segmental na hinto at antala, aling pahayag ang nagpapakilala kay Jacob sa
kanyang mga kaibigang si Vince at Liam?
a. Vince Liam Jacob ang pangalan niya
b. Vince, Liam Jacob ang pangalan niya.
c. Vince Liam, Jacob ang pangalan niya.
d. Vince, Liam, Jacob ang pangalan niya.
BAYAN KONG MAHAL
BUHAY AY IBIBIGAY
IYAN AY TUNAY
______ 5. Ano ang paksa sa tula na hango sa tangka at haiku na nasa itaas?
Mahal b. magulang c. bayan d. kaibigan

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
______ 6. “Ha!ha!ha!” halakhak ng batang palaka. “Ssssshh! Sermon...sermon.hindi ninyo
kailangang mag-alala para sa akin. Ayos lang ako nang ganito. Ano ang damdamin na
ipinapakita ng tauhan sa dayalogo na ito?
a. Nagagalit b. Natatakot c. Natutuwa d. Nagmamakaawa
______ 7. “Pasaway! Sutil kang bata ka! Papatayin mo talaga ako!” Makinig ka sa akin kung
alam mo kung ano ang makabubuti sa iyo. Ano ang damdamin na ipinapakita ng tauhan sa
dayalogo na ito?
a. Natatakot b.Nag-aalinlangan c. Nagagalit d. Nagmamakaawa
_______8. Tama ba ang ginawang paghatol ng kuneho sa pagresolba sa problemang kinakaharap
ni Tigre at ng tao?
a. Hindi, sapagkat nakakaawa ang tigre
b. Oo, sapagkat kaibigan ng kuneho ang tao.
c. Hindi, sapagkat isa lamang syang kuneho
d. Oo, sapagkat inalam nya muna ang boung pangyayari bago sya nagbigay ng hatol.
_______9. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan. Huwag kang mag-alala, pangako
ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ang
nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob”. Pagmamakaawa ng tigre.
Anong ekspresyon ang nahihinuha sa pahayag?
a.galit b.masaya c.nainis d.nainip
______10. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagkakaantas ng mga salita batay
sa tindi ng emosyon/damdamin?
a. sumigaw
b. lungkot
c. galit
d. nanawagan humiyaw hapis poot nagsusumamo suminghal pighati muhi nakikiusap
______11. Sa binasang sanaysay na “Ako si Jia Li, Isang ABC”, ano ang ibig sabihin ng
inisyalismong ABC?
A. American Born Cantonese
B. Australian Born Cantonese
C. American Born Chinese
D. Australian Born Chinese
______12. Mayroong ginagawang pagsunod ang bawat miyembrong babae sa pamilyang
Chinese o Intsik base sa kanilang kultura. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
pagsunod na ito?
A. Kapag siya’y bata pa, kailangan niyang sumunod sa kanilang magulang.
B. Kapag siya’y nabalo na, kailangan niyang sumunod sa kanyang anak lalaki.
C. Kapag siya’y may asawa na, kailangan niyang sumunod sa kanyang asawa.
D. Kapag siya’y nasa tamang edad na, kailangan niyang sumunod sa kanyang nakatatandang
kapatid.
______13. Ito ang wikang ginagamit ni Jia Li at ng kanyang pamilya kapag sila ay nasa kanilang
tahanan.
A.Cantonese B. Chinese C. Ingles D. Mandarin Chinese
______14. Anong uri ng sanaysay ang maanyo kung turingin sa pagkatito’y talagang pinag-
aaralan at maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin?
A.impormal B. pormal C. pamilyar D. personal

_______15. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng personal na sanaysay?


A. Subhektiboito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.
B. Sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita.
C. Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda.
D. Pampanitikan ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap.
_______16. Tungkol saan ang talumpating binigkas ni Pangulong Lee Myung-Bak sa pulong sa
United Nations na ginanap sa Copenhagen, Denmark?
A. polusyon sa kapaligiran
B. pagkakaisa ng bawatbansa
C. pagbabago ng klima
D. makabagongteknolohiya
________17. Ano ang naging pananaw ng pangulo tungkol sa isyung kanilang tinalakay sa
pulong?
A. Dapat lamang na mag-umpisa sa paggawa ng ating bahagi o responsibilidad.
B. Iasa na lamang sa mga organisasyong naglalayong ito ay maiwasan.
C. Maging mapagmatyag tayo sa mga pagbabagong ating nararanasan.
D. Sumangguni sa mga taong mas nakakaalam sa ganitong mga isyu.
________18.Alin sa mga sumusunod ang sa tingin mo ay napapanahong isyu para sa talumpati?
Malawakang trapiko sa lansangan B. nararanasang pandemya C. Giyera kontra druga D.
pagkasasara ng ABS-CBN
_______19. _______________ uunahin mo muna ang mga pangangailan mo kaysa sa mga gusto
mo. Anong pahayag sa pagbibigay ng mungkahi ang mainam na gamitin sa pangungusap?
A. Maaari kang B. Makabubuti kung C. Sikapin mong D. Higit na mainam
_______20. Mas uunlad ang ating bansa __________ tayo ay magtutulungan.Anong salita sa
pagbibigay ng paninindigan ang tamang gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. kung B. upang C. kapag D. nang
_______21. Batay sa akdang binasa, ano ang ugaling Tsino ang makikita sa katauhan ni Li
Huiquan?
A.May kahinaan ang loob ngunit masipag sa pagtitinda.
B.Matiyaga, maparaan at may tiwala sa sarili na magtatagumpay sa pagnenegosyo.
C.Naghahanap ng koneksiyon sa pamahalaan, at naniniwala sa suwerte.
D.Maparaan at naglalagay ng mga pampasuwerte sa pagtitinda.
________22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na nasa kultura ng mga Tsino?
A. Ang pagtitiyaga sa pagnenegosyo kahit kaunti lang ang kinikita basta’t tuloy-tuloy ang kita.
B. Ang paghahanda at pagdiriwang ng bagong taon.
C. Ang pagsisipag at pagpupursige sa pagnenegosyo.
D. Hindi na sila nag-aasawa upang maituon ang atensyon sa pagnenegosyo.

_________23. Bigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolong ginamit sa kuwento.


“Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata,
paaandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.”
A. Nararapat lamang siyang magpalakas ng kanyang pangangatawan upang magkaroon siya ng
lakas sa pagtitinda.
B. Dapat na maging maliksi siya sa pagtitinda upang hindi siya masalisihan.
C. Kinakailangan niyang maging matiyaga at huwag kaagad panghinaan ng loob,magplano sa
mga nararapat gawin at maging masipag sa pagtatrabaho upang makamit ang tagumpay.
D.Kailangang maging prangka sa pagsasalita,hindi patulog-tulog sa pagtrabaho at dapat mag-isip
palagi kong paano kumita.
________24. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas.
Kaya magpapanggap siyang tanga, umiwas sa mga magmamasid at nagmamatyag”?
A.Wala siyang sapat na lakas upang ipangtanggol ang kanyang sarili, kaya magpapanggap na lang siyang
walang alam sa buhay upang hindi siya pag- iinitan ng iba.
B. Ayaw niya ng gulo kaya magpapanggap na lang siyang tanga.
C. Hindi na lang siya lalaban sa mga nang-aapi sa kanya upang maiwasan ang gulo.
D. Iiwas na lang siya sa gulo sapagkat di niya kanyang ipagtanggol ang kanyang sarili
Bago nakapagtinda si Li Huiquan, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng
inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag.
Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting
maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang
oportunidad.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon
_____25. Mula sa binasang teksto, mahihinuhang si Li Huiquan ay __________________.
A. maghahanap ng koneksyon sa pamahalaan upang mapalakas ang pagtitinda
B. kinakilangang magkaroon ng sipag at tiyaga sa pagtitinda
C. mag-aantay ng suwerte habang nagtitinda sa kalye
D. hindi naniniwala sa malas sa pagtitinda
_________26. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan
kakatok ang oportunidad. Sino ang nagbigay kay Li Huiquan ng inspirasyon para magkaroon ng
ganitong pananaw?
A. Mga karpintero B. Tiya Luo C. Mga kasamahang nagtitinda D. Hepeng Li
_________27. Alin sa mga bansa sa Silangang Asya ang higit na pinahahalagahan ang anak na
lalaki kaysa sa babae dahil ang lalaki ang magdadala ng apelyido ng pamilya?
A. Mongolia B. Tsina C. Korea D. Japan
__________28. Isinasagawa ito ng mga Pilipino bilang paggunita at pagbabalik loob ng mga
Kristiyanong Pilipino sa pinaniniwalaan nilang Diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni
Hesukristo. Anong kulturang Pilipino ang inilalarawan ng nabanggit na pahayag?
A. Simbang – gabi B. Piyesta C. Mahal na Araw D. Bayanihan
_________29. Alin sa mga pahayag ang may wastong pagkakasunod – sunod ng pangyayari
batay sa simula, gitna at wakas ng kuwento?
1. Sa huli, nasabi niya na walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay
kaysa umayaw dahil walang nakaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad.
2. Nang bumalik siya para kunin ang mga litrato, mas kabado siya. Sa kabuuan ay maayos ang
kinalabasan nito kaysa inaasahan. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas gwapo kaysa
sa maraming tao.
3. Walang isa man lang na tumingin sa kanyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon. Siya
ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yarding lugar.
4.Sa simula pa lamang ay mababa na ang pagtingin ni Li Huiquan sa kanyang sarili. Ayaw
niyang magpakuha ng larawan dahil pakiramdam niya ay lalo siyang pinapangit ng kamera.
5. Sa ikaapat na araw, wla pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan nakabenta siya ng
apat na kasuotang pang – army.
A. 2,4,1,5, 3 B. 1,2,3,4,,5 C. 3,1,2,5,4 D. 4,2,3,5,1
__________30. Ipinapakita ng pangunahing tauhan sa kuwento na si Li Huiquan ang pagiging
matatag sa gitna ng mga pagsubok na kanyang naranasan. Paano naman ipanakita at hinarap ng
mga Pilipino ang pagiging matatag sa pandemyang kinakaharap natin sa kasalukuyan at sa
hagupit ng bagyong nagdaan? A. Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
B. Sa pagiging positibo na ang lahat ng pagsubok ay kaya nating lampasan.
C. Sa taus-pusong pagsamba at pananampataya na hindi tayo pababayaan ng Panginoon.
D. Lahat ng nabanggit
Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “Ako Muna”, ang pinakamabilis na paraan
upang iligtas ang mundo. Mga pinuno at mga mamamayan ng buong mundo, nararapat na tayo
ay magkasundong bawasan ang produksiyon ng greenhouse gas.
_____31. Anong pangunahing diwa ang namayani sa pahayag sa itaas?
a. Ang mga kabataan lamang ang tanging makakaligtas ng mundo.
b. Nakasalalay lamang ng iisang pinuno ng bansa ang kaligtasan ng mundo.
c. Walang epekto sa ating mga tao kapag mawasak ang ating planeta.
d. Nakasalalay sa ating lahat ang ikatatagumpay at kaligtasan ng ating mundo.
_____32. Ano ang layon ng teksto sa itaas?
a. naghatid ng impormasyon b. naghihikayat c. nagpaalaala d. nangangaral
______33. Ano ang kasingkahulugan sa salitang sinasalungguhitan sa pahayag?
a. tulungan b. sagipin c. iahon d. ialis
______34. Anong damdamin ang namayani sa pahayag?
a. lungkot, dahil nawawasak na ang ating planeta
b. saya, sapagkat mayroon pang kaparaanan upang ating maiiligtas ang mundo
c. inis, dahil ang mga tao ang responsable kung bakit nagkaganito ang mundo
d. galit, dahil dapat paparusahan at ikukulong ang mga taong responsable nito
______35. Anong katangiang taglay ng akda ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
Asyano?
a. Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga Asyano sa pagplano upang sagipin ang ating mundo.
b. Ang mga Asyano ay watak-watak kaya’t hindi masolusyunan ang problemang pangkalikasan.
c. Ang mga Asyano ay kanya-kanyang sagip sa mga problema sa kanilang bansa.
d. Ang mga Asyano ay hawak kamay sa pagsira ng inang kalikasan

II. Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba ayon sa elemento ng dula. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago sa bilang.

a. saglit na kasiglahan b. sulyap sa suliranin c. tagpuan d. tauhan e. yugto

_____36. Don Cristobal: Ispin mo, primo na ang tinawag mong walang-hiya ay tunay mong anak.
Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo nag nasira… Don Arkimedes: (Titindig at
magpapahalata ng kapootan) Primo … iya’y hindi ko na anak, mula sa sandaling iya’y makaisip
na gumawa nag napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa..siya’y hindi ko na anak…
Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay nag aking apelyido… Si Manoling ay kahiyahiya…!
Karima-rimarim…! Oo, walang patawad ang kaniyang ginawa. Don Cristobal: Huwag mong
ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…. Ang nangyari sa inyong mag-ama’y nangyayari sa
lahat…
_____37. Yesugei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temujin ay dapat ka nang
pumili ng iyong mapapangasawa. Temujin: Ita’y ako’y masaydo pang bata para sa bagay na
iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang. Yesugei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin
na kapag nakapili ka na ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng
pamimili lamang nag babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakaksalan. Temujin:
Ganoon po ba iyon?

III. Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba ayon sa elemento ng dula. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago sa bilang.
a. tauhan/aktor b. iskrip c. diyalogo d.tagpuan/tanghalan e. manonood f.
tema g. direktor
________38. “Ang pag-aasawa ay hindi isang laro na maari mong talikuran kapag ika’y nagsawa
na sapagkat ika’y nakatali na habang buhay.”
_______39. “Mapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si
Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak nag pinto ng kanilang kusina na likha nag
aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.”
_______40. “Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing mahalaga
ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon? .” “Ita’y ako’y masyado pang bata para sa
bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang.” “Bakit sa tribong Merit siyang magmula?
Hindi naman iyon angating tribo?

You might also like