You are on page 1of 5

WIKA: KASANGKAPAN SA KOMUNIKASYON

Bb. Joanna Carla A. Endoy


Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipuan Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino
Topic Outline Depinisyon ng wika Katangian ng wika
Pangunahing gamit ng wika
Kahalagahan ng wika
Intended Learning Outcome
Nakapagbibigay ng kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang dalubhasa. Naipaliliwanag ang
katangian, kahalagahan at pangunahing gamit ng wika.

ARALIN 1: Depinisyon ng Wika


WIKA
Ito ay ang instrumento ng tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at
adhikain niya sa buhay.
Ayon sa isang dalubhasa sa wika na si Henry Gleason:
Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.”

Isang sistema (may konsistensi o may sinusunod na pattern)


Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog (binubuo ng mga tinuhog na tunog na
pamilyar at alam ng gumagamit)
*Arbitraryo – ang wika ay pinili at inayos ang mga tunog sa pinagkasunduang sa isang pook o
lugar.
Ang wika ay ginagamit para sa komunikasyon ng tao ginagamit para sa epektibong
pagpapahayag ng iniisip, nadarama, at anumang nakikita sa paligid).
Sa pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at
Kasaysayan ng sinaunang panahon.
Pasulat pasalindila
Pasulat

KATUTURAN NG WIKA
Ayon sa iba’t ibang dalubhasa
Ayon kay Chomsky (1957),
"isang prosesong mental ang wika -- May universal na gramatika at sa mataas na abstrak na
antas, may magkatulad na katangiangg linggwistik ang lahat ng mgga wika."
Ayon kay Edgar Sturtevant,
“ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga funog para sa komunikasyon
ng mga tao.”
Ayon
Kay Caroll (1964),
“ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at finatanggap ng lipunan – resulta
Ng unti-unting paglilinang at pagbabago (henerasyon, panahon)”
Ayon kay Hymes (1972),
Ang wilka ay hindi lamang set ng mga tuntunin ng pagbuo ng mga anyong linggwistik kundi set
o kalipunan na rin ng mga
Tuntunin sa paggamit ng wika.”

Masistemang balangkas.
May kaayusan o order. – ang balangkas ng mga
Tunog dat;
- Ang balangkas ng mga kahulugan.
Sinasalitang Tunog
Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng
Pagsasalita tulad ng dila,
Labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa.
Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.
- Napagkasunduan;
Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng
Mga gumagamit.
Ang wika ay ginagamit Sa komunikasyon
Nagsisilbing tulay upang magkaroon ng ugnayan
Walang saysay ang anumang bagay
Kung hindi ginagamit, nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit
mahalagang katangian ng wika aing pagiging gamitin nito.
Ang tunay na wika ay Wikang sinasalita.
Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang wikang
Sinasalita.
Nangangahulugan lamang na repleksiyon lamang ng wikang pasulat ang wikang pasalita.,
Ang
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
May mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura
ng ibang wika ang
Kaisipang iyon ng isang wika.
Ang wika ay nagbabago.
Dinamiko ang wika.
Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant ay
Maaari ring mamamatay tulad ng hindi paggamit niyon.

Natatangi. Iiti
Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na
Naiiba sa ibang wika.
- Walang dalawang wika na magkatulad.
May Gramatikal Istraktyur
Ponolohiya pagsasama-sama ng funog upang bumuo ng salita.
Sintaks – pagsasama ng mga salita
Upang bumuo ng pangungusap.
Semantiks – ang kahulugan ng mga salita at pangungusap.
May Sistemang Oral – Awral
May dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig (ORAL) at tainga (AWRAL) ang
nagbibigay
Hugis sa tunog na napakinggan.
Dahil sa mga organong ito
Nakapagsasalita ang mga tao.
Pagkawala o ekstinksyon. Maaaring mamatay ang wika kungg wala ng gumagamit at hindi na ito
ginagamit ng mga tao.
Halimbawa:
Yahi-Indian Language (1853-1870)- wika ng mga taga California
Eyah Language- Alaska Karaw sa Isabela (Cagayan)
Varayti ng Ayta
Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo
- Iba-iba ang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, kaya’t ang wika ay iba-iba sa lahat ng
panig ng mundo.

Lahat ng wika ay nanghihiram. – humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang
wika kaya ito’y
Umuunlad.
Ang wika ay pantao.
- Naiiba ang wikang pantao sa tunog na nalilikha ng mga insekto.
-Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-vugnay ng kultura.
- Ang tunog ng mga hayop at insekto ay ginagamit sa sariling lahi.
Ang wika ay may dalang kahulugan.
Bawat salita ay may taglay na
Kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap.
Ang wika ay malikhain.
Ang wika ay nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon at kung
gayo’y
Nalilinang ang malikhaing pag-
Iisip
Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon.
Halimbawa (operasyon) –
 doktor
 Sundalo
 Negosyante
Pangunahing gamit ng wika
Pagpapangalan (labeling).
Ginagamit ito sa pagtitiyak o pag- aaydentifay sa mga bagay, gawain, kilos o tao sa
pamamagitan ng
Pagbibigay-pangalan dito.
Interaksyon.
- Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga naisin o ideya. Nakapokus ito sa pagbabahaginan
o pagpapalitan ng mga saloobin, iniisip, ideya atbp.
Transmisyon.
- Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon.

Kahalagahan ng Wika
 Instrumento ng komunikasyon.
 Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman.
 Nagbubuklod ng bansa.
 Lumilinang sa malikhaing pag-iisip.
 Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.

Kongklusyon
Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal
at kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagdala ng mga ideya. Naiimpluwensiyahan nito ang
ugali ng tao, ang isip at damdamin. Ang wika’y instrumento ng paglikha ng makabuluhan at
malikhaing pag-iisip. Samakatuwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan ng wika, dapat
itong mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap. Ang
Mahina at di garnap na bunga ng paggamit ng naturang wika.

You might also like