You are on page 1of 4

WIKA: KASANGKAPAN SA KASANGKAPAN SA KOMUNIKASYON

Topic Outline

1 Depinisyon ng wika 3 Pangunahing gamit ng wika

2 Katangian ng wika 4 Kahalagahan ng wika

Intended Learning Outcome

 Nakapagbibigay ng kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang dalubhasa.


 Naipaliliwanag ang katangian, kahalagahan at pangunahing gamit ng wika.

DEPENISYON NG WIKA

Wika

 Ito ay ang instrumento ng tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at
adhikain niya sa buhay.

Ayon sa isang dalubhasa sa wika ni Henry Gleason:

“Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura”.

 Isang sistema (may konsistensi o may sinusunod na pattern)


 Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog (binubuo ng mga tinuhog na tunog na
pamilyar at alam ng gumagamit)

Arbitraryo – ang wika ay pinili at inayos ang mga tunog sa pinagkasunduang sa isang pook o lugar.

Ang wika ay ginagamit para sa komunikasyon ng tao (ginagamit para sa epektibong pagpapahayag ng
iniisip, nadarama, at anumang nakikita sa paligid).

Sa pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang
panahon.

 Pagsulat
 Pasalindila

KATUTURAN NG WIKA ayon sa iba’tibang dalubhasa

Ayon kay Chomsky (1957)

“Isang prosesong mental ang wika -- May universal na gramatika at sa mataas na abstrak na antas, may
magkatulad na katangiang linggwistik ang lahat ng mga wika.”

Ayon kay Edgar Sturtevant

“Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga
tao.”
Ayon kay Caroll (1964)

“Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan resulta ng unti-unting
paglilinang at pagbabago (henerasyon, panahon)”

Ayon kay Hymes (1972)

“Ang wika ay hindi lamang set ng mga tuntunin ng pagbuo ng mga anyong linggwistik kundi set o
kalipunan na rin ng mga tuntunin sa paggamit ng wika.”

KATANGIAN NG WIKA NG WIKA ARALIN 2

Masistemang balangkas.

- may kaayusan o order.


- ang balangkas ng mga tunog at;
- ang balangkas ng mga kahulugan

Sinasalitang Tunog

Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila,
labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa.

Ang wika ay pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.

o napagkasunduan;
o ang mga tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga gumagamit

Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon

o Nagsisilbing tulay upang magkaroon ng ugnayan.


o Walang saysay ang anumang bagay kung hindi ginagamit, nangangahulugan lamang na wala
itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng wika ang pagiging gamitin nito.

Ang tunay na wika ay wikang sinasalita.

- Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.


- Nangangahulugan lamang na repleksiyon lamang ng wikang pasulat ang wikang pasalita.

Ang wika ay nakabatay sa kultura.

- May mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang
wika ang kaisipang iyon ng isang wika.

Ang wika ay nagbabago.

•Dinamiko ang wika.

•Hindi ito maaaring tumangging magbago.

•Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamamatay tulad ng hindi paggamit niyon.
Natatangi

 Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika.


 Walang dalawang wika na magkatulad

May Gramatikal Istraktyur

Ponolohiya - pagsasama-sama ng tunog upang bumuo ng salita.

Sintaks - pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.

Semantiks - ang kahulugan ng mga salita at pangungusap

May Sistemang Oral – Awral

- May dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig (ORAL) at tainga (AWRAL) ang nagbibigay
hugis sa tunog na napakinggan.
- Dahil sa mga organong ito nakapagsasalita ang mga tao.

Pagkawala o ekstinksyon

Maaaring mamatay ang wika kung wala ng gumagamit at hindi na ito ginagamit ng mga tao. Halimbawa:

•Yahi-Indian Language (1853-1870)- wika ng mga taga California

•Eyah Language- Alaska

•Karawsa Isabela (Cagayan)

Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo

Iba-iba ang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, kaya’t ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo

Lahat ng wika ay nanghihiram.

KATANGIAN NG WIKA

Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya ito’y umuunlad.

Ang wika ay pantao.

 Naiiba ang wikang pantao sa tunog na nalilikha ng mga insekto.


 Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura.
 Ang tunog ng mga hayop at insekto ay ginagamit sa sariling lahi

Ang wika ay may dalang kahulugan

Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap.
Ang wika ay malikhain.

Ang wika ay nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon at kung gayo’y
nalilinang ang malikhaing pag-iisip.

Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon.

Halimbawa (operasyon)

- doctor

- sundalo

- negosyant

PANGUNAHING GAMIT GAMIT NG WIKA

Pagpangalan (labeling)

Ginagamit ito sa pagtitiyak o pag aaydentifay sa mga bagay, gawain, kilos o tao sa pamamagitan ng
pagbibigay-pangalan dito.

Interaksyon

Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga naisin o ideya. Nakapokus ito sa pagbabahaginan o


pagpapalitan ng mga saloobin, iniisip, ideya atbp.

Transmisyon

Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon.

KAHALAGAHAN NG WIKA

 Instrumento ng komunikasyon.
 Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman.
 Nagbubuklod ng bansa
 Lumilinang sa malikhaing pag iisip.
 Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.

Kongklusyon

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal at


kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagdala ng mga ideya. Naiimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao,
ang isip at damdamin. Ang wika’y instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag iisip.
Samakatuwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan ng wika, dapat itong mahawakan nang buong
husay, maangkin ng ganap. Ang mahina at di ganap na bunga ng paggamit ng naturang wika

You might also like