You are on page 1of 10

EUGENE NIDA

Ipinakilala ni Nida ang dalawang paraan (2) paraan bilang pangunahing direksyon at
gabay sa pagsasalin: Formal Equivalence at Dynamic Equivalence, sinasabi ni Nida
na ang pagkakaiba sa dalawa ay ang gamit ng mga ito sa pagsasalin.

Formal Equivalence: Nangangailangan ito sa pagtuon sa porma at nilalamang


nakapaloob sa mensahe. Nangangahulugan ito na ang mensahe sa patunguhang wika
ay dapat naaayon sa iba‘t ibang bahagi sa orihinal na wika. Layunin nitong maabot ang
pagkakapareho sa pagitan ng orihinal at salin na teksto, na makikita sa aspektong
lingguwistika tulad ng bokabularyo, gramatika, sintaks at estruktura ng orihinal na wika
na may malaking epekto sa kawastuhan.

Dynamic Equivalence: Ang isa sa pinakamahalaga sa pagsasalin ay ang mensaheng


natatanggap ng mambabasa (awdyens). Mensahe na makabuluhan sa porma at
nilalaman na hindi lang dapat maunawaan kundi dapat ring pahalagahan. Kung ang
tagasalin ay maihayag ang mukha ng orihinal, dito ay maaabot nya ang ‗dynamic
equivalence‘, pinagdidiinan rito ang kahalagahan ng paglilipat ng kahulugan, hindi ng
kayariang panggramatika.

Ang kalidad ng pagsasalin kung saan ang mensahe ng orihinal na teksto ay nailipat sa
tagatanggap na wika na ang tugon ng tagatanggap ay mahalang tulad sa orihinal na
tagatanggap. Ang pagsasalin ay binubuo ng paglikha sa patunguhang wika sa
pinakamalapit na likas na katumbas sa mensahe ng orihinal na wika. Una sa lahat ang
kahulugan at sumunod ang istilo. Ang kahulugang ito ay nakatuon sa tatlong termino:
pinakamalapit -magkasamang umuugnay sa batayang may pinakamalapit na
pagkakatulad.

Nangangahulugang ang pagsasalin ay pumili ng salin kung saan pinakamalapit sa likas


na katangian ng orihinal na wika. likas -nakatuon sa patunguhang wika katumbas -
nakatuon sa orihinal na wika ang sinasabing pinakamalapit ay pangunahin tungkol sa
pandama, at ang tagasalin ay nakatuon sa higit sa kahulugan at diwa ng orihinal na teksto
kaysa estruktura at porma.
PETER NEWMARK

Sinasabi ni Newmark sa pagsasalin ay kinakailangan matukoy muna ang pamamaraang


dulog na gagamitin at pangalawa habang nagsasalin ay ang pagpapasailalim sa apat (4)
na antasproseso na kanyang inihain.

Dulog sa Pagsasalin

Ang pagsasalin ay laging nakatali sa pagtalakay at talakayan. Sa gawaing ito ay walang


ganap (tumpak) na resulta, kundi nakadepende ito sa kahingian at masalimuot na
proseso mula sa orihinal ng isang pagsasalin. Pinagdiinan ni Newmark na ang pagsasalin
ay kolaborasyon ng talakayan at kritisismo sa pagitan ng mga kasangkot sa paksa- hindi
lang sa guro nagmumula ang resulta ng pagsasalin kundi dapat makita rin ang
pagtanggap at mungkahi ng mga magaaral.

1. Pangusap sa pangungusap

Sa pagsisimula ay isalin sa pangungusap sa pangusap na paraan, sabihin natin sa


unang pangungusap o kabanata, upang madama at makita ang tono ng teksto,
sadayaing huminto ng sandali at muling balikan upang suriin ang tindig sa gagamiting
pamamaraan at basahin ang kabuoang teksto ng simulating wika.

2. Pagbasa sa buong Teksto

Ang pamamaraang ito ay paghahanap ng layunin, talaan, tono, markahan ang mga
mahihirap na salita at pahayag, at simulang magsalin kung nakuha mo na ang lakas ng
loob sa pagsabak sa prosesong ito.

Apat na Antas sa Pagsasalin

1. Antas Tekstuwal - nakatuon ang pagsasalin na ito sa paglilipat sa gramatika ng


orihinal na wika tungo sa nakahanda ng panumbas sa patunguhang wika, at naisasalin
ang mga salita kung saan madadaling naaayon sa konteksto ng pangungusap.
Nakabatay ang ang antas na ito sa pagsasalin ng mga salita, literal ang pagsasalin ng
pinagmulang wika patungo sa tunguhing wika.
2. Antas Reperensyal - kung teknikal o pampanitikan man ang teksto ay kinakailangang
matukoy kung ano at para saan ang akda. Ang pagsasalin ba ay isang pahiwatig ng
pagtatagpo sa pagitan ng teksto at katotohanan. Sa bawat pangugusap kung malabo at
abstrakto ay kailangang tanungin ang sarili: ano ang tiyak na nagaganap dito? sa anong
dahilan, sa anong tuntungan, anong pakay? nakikita mo ba ito sa iyong isipan,
mailalarawan mo ba? kung hindi ay kinakailangang ng antas tekstuwal na makatuwang
ang reperensyal na antas, ang makatotohanang antas na may karagdagang
pangangailangang impormasyon. Ang tagasalin ay responsible sa katotohanan ng
larawan ito ng pagsasalin.

3. Kohesibong Antas -inuugnay ng antas na ito ang una at ikalawang antas. Sinusunod
nito ang estruktura at damdamin ng teksto. Nagsisilbing tagapagpanatili ng kaayusan ang
antas na ito, tinitiyak nito ang pagkakaugnay-ugnay, diin at tono ng teksto.

4. Pagiging Likas na Antas - sa antas na ito inaayon ang paggamit ng wika sa panahon
ng patunguhang wika. Walang anumang unibersal na pagiging likas, nakaakma ito sa
ugnayan sa pagitan ng manunulat at mambabasa, at sa paksa at sitwasyon.
ANG PROSESO NG PAGSALIN

Narito ang dayagram ng proseso ng pagsasalin ayon kay Mildred Larson sa kanyang Meaning-
based Translation:

Ipinapakita sa dayagram sa itaas ang mga sumusunod:

(a) magkaiba ng hugis ang tekstong SL at ang tekstong TL sahil dalawang magkaibang
lengguwahe ang sangkot sa pagsasalin; (b) ang tungkulin ng tagasalin at tuklasin ang kahulugan
ng tekstong SL; at (c) muling ipahayag ang kahulugang ito sa tekstong TL. Samakatuwid, ang
mga hugis na parahiba ng tekstong SL, at ang hugis naming tatsulok ng tekstong TL ay mga
grapikong representasyon lamang upang bigyang-diin na magkaiba ang mga katangiang
gramatikal ng mga wika sa mundo. Lalo pang kitang-kita ang pagkakaiba ng anyo ng mga wika
kung kabilang sa magkaibang pamilya ng mga wika ang sangkot sa pagsasalin,
May angkop na metodo upang maisalin ang alinmang uri ng tekstong SL.

Anuman ang layunin at pinag-uukulan ng salin, may metodong mailalapat ang tagasalin.
Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng mga bagong pananaw sa tungkulin at
kahalagahan ng pagsasalin ngunit marami pa ring pagtatalo kung alin ang dapat
pagtuunan ng salin, ang TL o ang SL? liberal, tapat o malaya?

Ginamit ni Newmark (1988) ang V diagram sa ibaba para ipakita ang walong metodo sa
pagsasalin na nagsisilbing gabay ng mga tagasalin sa loob ng maraming taon. Ang
walong metodo ay pinangkat ni Newmark sa dalawa: ang unang pangkat ay nagbibigay-
diin sa SL samantalang sa TL naman ang diin ng pangalawang pangkat. May ibang
awtoridad na gumagamit ng salitang “pagsisilbi" sa alinman sa SL o TL: sinasabing kapag
SL ang binibigyangdiin, ito ang "pinagsisilbihan" ng pagsasalin; kapag TL ang
binibigyang-diin, ito naman ang pinagsisilbihan. Dagdag pang paglilinaw: Sinasabi na ang
SL ang diin o ang "pinagsisilbihan" ng salin kung pinapanatili ng tagasalin ang estruktura
ng SL kaya't mahahalata na ang teksto ay salin. Sa kabilang dako, ang salin na may diin
sa TL ay nagsisikap na maging madulas ang daloy na parang orihinal itong sinulat sa TL
ng wika at hindi tunog-salin.

Mga metodo sa pagsasalin ayon kay Newmark (sinipi nina Almario et al):

Simulaang Lengguwahe____________________________Tunguhang Lengguwahe

Salita-sa-salita____________________Adaptasyon

Literal____________________Malaya Matapat

Idyomatiko Semantiko_____Komunikatibo
Gaya ng makikita sa dayagram, ang mga metodong may diin sa SL salita-sa-salita, literal,
matapat, at semantiko. Samantala, ang mga metodong may diin sa TL ay adaptasyon,
malaya, idyomatiko, at komunikatibo. Nasa ibaba ang paliwanag tungkol sa iba't ibang
metodo sa pagsasalin. May talakay rin tungkol sa ibang metodo na wala sa ipinakitang
dayagram.

1. Salita-sa-salita.
Word-for-word translation ang tawag dito sa Ingles at katumbas ito ng sinabi ni
Savory (1968) na: A translation must give the words of the original. Ito ang paraang
ginagamit ng mga lingguwista para ipakita ang kahulugan ng mga salita at
estruktura ng mga wikang tinatalakay.
Halimbawa: John gave me an apple. Juan nagbigay akin isa mansanas.
Tinatawag din itong "gloss". Kapag naisagawa na ang ganitong tapatang salin,
ilalagay naman sa ibaba ang pangungusap na may tamang ayos. Si Juan ay
nagbigay sa akin ng isang mansanas. Ang pagsasaling salita-sa-salita ay
maaaring gamitin, lalo na ng isang baguhang tagasalin, sa unang burador upang
makita ang mga posibleng panumbas, lalo na sa mahihirap na salita.
Halimbawa: There is a deep brooding in Arkansas. (Mula sa tulang "My Arkansas"
ni Maya Angelou)
Bilang panimulang hakbang, maaaring maging ganito: There is a deep brooding
May isa malalim/matindi/taos/taimtim pagmumuni-muni kalungkutan depresyon
pagninilay-nilay Kapag nabigyan na ng mga posibleng panumbas ang mahihirap
na salita. saka babalikan ng tagasalin ang itinala niyang mga salita at pipili ng isa
sa mga ito.
2. Literal.
Sa metodong ito, ang estruktura ng SL ang sinusundan ng tagasalin, hindi ang
natural at madulas na daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan
ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na
kahulugan sa orihinal. Ang nagiging bunga ay salin na mas mahaba ngunit asiwa
at hindi kawiliwiling basahin dahil hindi madulas ang daloy at nakabibikig sa
lalamunan para sa mga taal na gumagamit ng TL.
Halimbawa: "My father was a fox farmer. That is, he raised silver foxes. peris; and
in the fall and early winter, when their fur was prime, he killed them and skinned
them..." (Mula sa maikling kuwentong "Boys and Girls" ni Alice Munro)
Literal na salin: Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay
nagpapalaki ne mga lobong pilak; at sa taglagas at maagang taglamig, kung ang
kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay pinapatay sila at binabalatan sila ...
Mapapansin agad ang pagtutumbas sa "farmer" bilang magsasaka, dahil ang
salitang ito ang nakatala sa diksiyonaryo. Ngunit hindi angkop gamitin ang salitang
"magsasaka" dahil iniuugnay ito sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga
halaman. Ang pariralang "that is", ay tinumbasan din ng "iyon", na hindi naman
nagpapahayag ng ibig sabihin ng orihinal. Ang parirala ay ginamit upang simulan
ang paliwanag tungkol sa ibig niyang sabihin ng "fox farmer". Ang "prime" ay
tinapatan ng "pinakamataas" ngunit ang talagang kahulugan nito ay "primera
klase". Pansinin din ang asiwang estruktura: siya ay pinapatay sila at binabalatan
sila...
Mapabubuti ang salin kung ganito: Ang aking ama ay isang tagapag-alaga ng lobo.
(O: Ang aking ama ay nag-aalaga ng silver fox/lobo.) Ibig sabihin, nagpapalahi
siya ng mga lobong kulay pilak sa mga kulungan; at kapag taglagas at simula ng
taglamig, kapag makapal at maganda ang kanilang balahibo (o primera klase ang
kanilang balahibo), kinakatay niya ang mga ito at binabalatan.
3. Adaptasyon.
Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na
malayo na ito sa orihinal. May mga nagsasabi na sa istriktong pagpapakahulugan
ng pagsasalin, hindi na matatawag na salin ang adaptasyon dahil hindi nito
sinusunod ang balangkas ng orihinal at kadalasang malayo na rito. Kadalasang
ginagamit ito sa salin ng awit, tula, at dula. Noon, maraming lumaganap na mga
salin ng mga kantang Ingles na halos tono na lamang at pangkalahatang mensahe
ang nailipat sa salin. Kadalasang lumalayo na sa estruktura ng orihinal at maliliit
na detalye upang maitama sa tono ang salin-awit. Ganito rin ang masasabi sa salin
sa prosa ni W.H.D. Rouse ng mga epikong The Illiad at The Odyssey na
sinasabing obra ng bulag na makatang Griyego na si Homer. Sa halip na gawing
berso ang salin, ginawang prosa o tuluyan kaya't nagmistulang nobela ang epiko,
na isang mahabang tulang pasalaysay.
Maaalala ang isa sa mga prinsipyong inihanay ni Savory (1968): "A translation of
verse should be in prose." May ilang awtoridad sa pagsasalin na naniniwalang
imposibleng maisalin ang tula sa ibang wika kaya sa prosa na lamang ito isalin at
huwag nang tangkaing ilipat ang tunog, tayutay at iba pa. Sapat nang masabi
lamang sa ibang wika ang mensahe ng isang magandang tula, dagdag pa nila.
Sa pagsasalin ng dula, kung minsan ay adaptasyon din ang metodong ginagamit
sa pagsasalin ng diyalogo. Ito ay para maging mas malapit sa target audience ang
pagsasalita ng mga tauhan sa tanghalan. Ito ay mula sa salin ni Bienvenido
Lumbera ng dulang Vragi (Kaaway) ni Maxim Gorky:
Nadya: Por dios, ano ba ang ginagawa ninyo?
Paulina: Tiyong, tama na.
Sa halimbawang ito, masasabing iniangkop ng tagasalin ang diyalogo sa paraan
ng pagasalita ng mga taong likas na gumagamit ng TL-gumamit ng ekspresyong
"Por dios" na parang mga tunay na Pilipino at pantawag na "Tiyang” .
Tingnan natin ang halimbawa sa ibaba:
Que sera sera! Whatever will be will be The future's not ours to see Que sera sera!
(Mula sa kantang "Que Sera Sera")
Adaptasyon: Ay sirang-sira! Ano ang mangyayari Di makikita ang bukas Ay
sirang-sira! Itinama sa tono ng awit ang salin ngunit pansinin na ang pariralang
que sera sera (ano man ang mangyari sa hinaharap) ay tinumbasan ng "sirang-
sira" na kapareho ng tunog ng orihinal ngunit ibang-iba ang kahulugan.
4. Malaya.
Ayon kina Almario et al., ito ay "malaya at walang kontrol. At parang hindi na isang
salin". Ito ang ibinigay nilang halimbawa:28 "For the last twenty years since he
burrowed into this one-room apartment near Baclaran church, Francisco Buda
often strolled to the seawall and down the stone breakwater which stretched from
a sandy bar into the murky and oil-tinted bay." (Mula sa "The Drowning" ni F. Sionil
Jose) Salin: Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment
na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa
breakwater na mabungahin at malangis. (Wilfreda Jorge-Legaspi, mula sa
kanyang masteral tesis, PNU, 1990)

5. Matapat.
Tinatawag itong matapat dahil sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng
orihinal habang sinusundan naman ang estrukturang gramatikal ng SL. Kung
paano inihanay ang mga salita sa SL, gayon din ang ginagawang paghahanay ng
mga salita sa TL. Dahil dito ay nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy ng
salin.
Halimbawa: When Miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral:
the men through a sort of respectful affection for a fallen monument, the women
mostly out of curiosity to see the inside of her house, which no one save an old
manservant - a combined gardener and cook - had seen in at least ten years. (Mula
sa maikling kuwentong "A Rose for Emily" ni William Faulkner)
Salin: Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang
libing ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang uri ng magalang na
pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa pag-
uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibang nakakita
kundi isang matandang utusang lalaki - na hardinero-kusinero - sa nakalipas na di
kukulangin sa sampung taon. Pansinin na nasapul ng salin ang mensahe at
servosong tono ng orihinal ngunit mapabubuti pa ito upang maging mas madulas.
Ang pagiging "matapat", kung gayon, ay nangangahulugang tapat sa mensahe ng
orihinal at tapat pa rin sa estruktura ng TL.
6. Idyomatiko.
Idyomatiko ang salin kung ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang
madulas at natural ang daloy ng TL. Ginaga dito ang idyoma ng TL at sadyang
nagiging iba ang 29 porma ng pahayag ngunit ipinapahayag ang mensahe sa
paraang kawili-wiling basahin. Sa idyomatikong salin, hinahanap ng tagasalin ang
idyomatikong katumbas sa TL ng mga pahayag sa SL.
Halimbawa: Orihinal: The boy had running nose, Salin: Tumutulo ang ilong ng
bata. (hindi: tumatakbo) Orihinal: You're a cradle-snatcher, your girlfriend is still
wet behind the ears. Salin: Mananagit ka ng kuna; ang nobya moy may gatas pa
sa mga labi. (hindi: basa ang likod ng tenga) Orihinal: The man carried the basket
on his shoulders. Salin: Pinasan ng lalaki ang basket. (Hindi: dinala sa balikat)
7. Semantiko at komunikatibong salin.
Mahaba at komprehensibo ang talakay ni Newmark sa semantiko at
komunikatibong salin dahil ayon sa kanya, "the concepts of communicative and
semantic translation represent my main contribution to general translation theory".
Idinagdag niya: "The two concepts were formulated in opposition to the monistic
theory that translation is basically a means of communication or a manner of
addressing one or more persons in the speaker's presence; that translation, like
language, is purely a social phenomenon." Sa V diagram ni Newmark, magkalapit
ang semantiko at komunikatibong salin sa dulong ibaba. Tinatangka ng
komunikatibong salin na matamo ng salin ang epektong dulot ng orihinal na teksto
sa mga mambabasa nito.
Ang semantikong salin, sa kabilang dako, ay nagtatangkang ilipat sa salin, ang
eksaktong kahulugang kontekstwal ng orihinal, gamit ang estrukturang
pansemantika at sintaktik ng TL.

Sanggunian:

Albason, C.R.S. (2020) Modyul sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino, PUP

Albason, C.R.S., , Layos E.C., San Diego K.G. & Teodoro A.M. (2020) Modyul sa
Pagsasaling Pampanitikan, PUP

You might also like