You are on page 1of 5

Mga Teorya sa Pagsasalin

Introduksyon:
Sa Pagsasalin, dapat na hindi lalabag o lilihis ang ginawang pagsasalin sa “tunay na kahulugan
ng awtor”. Ang hindi pagsunod dito ay itinuturing na isang krimen mas lalo na noong mga
sinaunang panahon.

Etienne Dolet

 Itinuturing na unang “martir ng pagsasalin” o kung isasalin ay mas tanyag sa linyang


“traduttore, traditore” na nangangahulugang “tagasalin, taksil”
 Di umano, siya ay ibinitay dahil sa maling pagsasalin niya sa isa sa mga diyalogo ni Plato
na ang Axiochus.

Introduksyon:
Importante na alamin ang konteksto or kultarang nakapaloob sa isang teksto bago isalin upang
maiwasan ang maling pagkaunawa ng mambabasa at upang tunay na maipahiwatig ang
mensaheng nais iparating ng awtor.
Dito pumapasok ang mga teorya ng pagsasalin na nagsisilbing balangkas at gabay upang
makapagsalin ng mas mainam. Ito ay ang mga sumusunod:

 Formal at Dynamic Equivalence ni Eugene Nida


 Communicative Theory ni Peter Newmark
 Meaning Based Translation ni Mildred Larson
 Skopos Theory ni Vermeer

Formal at Dynamic Equivalence

 Formal equivalence - Tapat na isinasalin ang anyo at nilalaman nang sa gayon ay


mauunawaan ng target na mambabasa ang kamalayan, damdamin at diwa sa konteksto
ng Simulaang Lenggwahe.
 Dynamic equivalence - Ang tagasalin ay naglilipat sa paraang pagbibigay-tuon sa
konteksto ng kanyang sariling kultura. Kung gayon ang ganitong salin ay nakatuon sa
Tunguhang Lenggwahe.

Communicative Theory

 Ang mga dayuhan ay may sariling estrukturang pangwika, sariling kalinangan, may ibang
paraan ng pag-iisip at paraan ng pagpapahayag at ang lahat ng ito ay dapat kilalanin ng
nagsasalin.
 Dapat maging natural ang dating ng salin upang madaling maunawaan at makapag-iwan
ng kakintalan sa mambabasa.
 Tumutukoy sa semantikong kaayusan ng isinasaling teksto batay sa sitwasyon ng
komunikasyon: kasaysayan, kultura, intensyon ng may-akda, pati na rin ang iba’t ibang
uri ng mga kahulugan na nakapaloob sa tahasan at tunay na impormasyon ng teksto
(Newmark, 2002).

Meaning Based Translation

 Nakatutok sa kahulugan ng simulaang lengguwahe tungo sa pagpapahayag ng kahulugan


ng salin sa tunguhang lengguwahe.
 Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng
kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning
gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika (Larson,1984)

Paglalarawan ni Santiago (2009) sa pagsasalin ayon kay Larson sa kanyang Meaning Based
Translation.
Simulaang Lenggwahe (SL) Tunguhang Lenggwahe (TL)

Tekstong Isasalin Salin

Tuklasin ang kahulugan Muling ipahayag ang kahulugan

Kahulugan

Walong Metodo sa Pagsasalin

 Ayon uli kay Newmark, ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng


pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding
mensahe sa ibang wika.
 Dinagdag rin niya na ang tagasalin bago siya pumili ng angkop na metodo sa pagsasalin
ay kailangang alamin muna niya ang mga sumusunod:
1. Intensyon ng tagasalin
2. Ang babasa at kalagayan ng tekstong pagsasalinan
3. Ang kalidad ng pagkasulat at kapangyarihan ng orihinal na isasalin o teksto
Ginamit ni Newmark ang V Diagram para ilarawan ang Walong Metodo sa Pagsasalin na
nahahahti sa dalawang grupo: ang una, ay nagbibigay-diin sa simulaang lenggwahe (SL),
samantalang ang ikalawa ay sa tunguhang lenggwahe (TL).

Simulaang Lenggwahe Tunguhang Lenggwahe


Salita-sa-salita Adaptasyon

Literal Malaya
Matapat Idyomatiko
Semantiko Komunikatibo

Walong Metodo sa Pagsasalin

1. Salita-sa-salita
Ito ang tinatawag sa Ingles na word-for-word translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng
kahulugan ng salita. Malimit na ang ganitong salin ay himig telegrapikong pahayag.
Halimbawa:
John gave me an apple.
Juan nagbigay akin isa mansanas.
“Gloss” din ang tawag sa ganitong paraan dahil pagkatapos ng isa-isang salin ng salita ay
isasaayos na ang pangungusap.
Si Juan ay nagbigay sa akin ng isang mansanas.
2. Literal

Sinusundan ng tagasalin ang estruktura ng SL sa metodong ito at hindi ang natural at madulas
na daloy ng TL, kung minsan nagiging wordy o masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag.

Halimbawa:
“My father was a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in the fall and early
winter, when their fur was prime, he killed them and skinned them…”
Literal na Salin:
Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaki ng mga lobong pilak; at sa
taglagas at maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay pinapatay
sila at binabalatan sila…
3. Adaptasyon.
Kataliwas ng saling salita-bawat-salita, ang saling adaptasyon ay itinuturing na pinakamalayang
anyo ng salin. Madalas gamitin ang adaptasyon sa pagsasalin ng dula at tula, na kung minsan ay
tila malayo sa orihinal. Ito rin ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may
pagkakataon na malayo na ito sa orihinal.
Halimbawa:
Que sera sera! Whatever will be will be
The future’s not ours to see

Que sera sera!


Adaptasyong salin:
Ay sirang-sira!
Ano ang mangyayari
Di makikita ang bukas

Ay sirang-sira!
4. Malaya
Gaya ng taguri nito, malaya ito at walang kontrol at parang hindi isang salin. Ito ay
maipagkakamaling panibagong uri ng akda sapagkat hindi ito nahahawig sa pinagmulang teksto.
Halimbawa:
“For the last twenty years since he burrowed into this one-room apartment near Baclaran
church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which
stretched from a sandy bar into the murky and oil-tinted bay.
Salin:
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng
Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis

You might also like