You are on page 1of 36

CRT LEARNING MODULE

Course Code GE111


Course Title Dalumat ng/sa Filipino
Units 3
Module Title Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga
Pangunahing Sanggunian sa
Pagdadalumat/ Pagteteorya sa
Kontekstong Filipino

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 1
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
College for Research & Technology of Cabanatuan
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 2
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

DALUMAT NG/SA FILIPINO

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code


7 Masinsin at  Dalumat ng Wika Module
Mapanuring 7.1
Pagbasa sa Module
 Pilosopiya at
mga 7.2
Teoryang Sa
Pangunahing
Kontekstong
Sanggunian sa
Filipino
Pagdadalumat/
Pagteteorya sa
Kontekstong
Filipino

MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga
Pangunahing Sanggunian Pagdadalumat / Pagteteorya sa
kontekstong Filipino

MODULE DESCRIPTOR:

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 3
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Sa bawat panahon ay nagbabago ang kultura. Dahil sa
pagbabagong ito ay naimpluwensyahan nito ang kultura, paniniwala at
kagawian ng pananalita natin. Pokus nito ang pagtalakay sa mga
pangunahing sanggunian sa pagdadalumat/pagteteorya sa kontekstong
Filipino.

Number of Hours:
3 hours

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at
pagpapalawak ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal na
akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan
ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

Contents:

1. Dalumat Wika
2. Pilosopiya at Teoryang sa Kontekstong Filipino

Conditions

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 4
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Ang mga mag-aaral at gurong tagapangasiwa ay magkaroon ng:

1. Paper
2. Pencil
3. Learning Materials

Assessment Method:

1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon

Gabay sa Pag-aaral
1. Gamit ang VSMART/EDMODO app sa inyong phone o website sa inyong laptop,
iclick ang klase ng DALUMAT NG/SA FILIPINO.
2. Iclick sa FOLDERS section (on menu bar)
3. Iclick ang folder ng MODYUL 7 Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga
Pangunahing Sanggunian Pagdadalumat// Pagteteorya sa Kontekstong
Filipino. Digitized Modules, Task Sheets and Job Sheets ay abeylabol sa mga folder.
4. Lahat ng Mungkahing Gawain ay nakalagay sa folder ng MY ACTIVITIES.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 5
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Learning Outcome #1. Malikhain at mapanuring
makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak
ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal na
akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
Learning Activities Special Instructions

1. Basahin ang Modyul No. 7.1 Ang Modyul 7 nay naglalaman ng: Masinsin at
(Dalumat Wika) Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing
Sanggunian Pagdadalumat sa folder ng VSMART/
EDMODO (Module 7.1)

2.Sagutin ang Mungkahing Gawain Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa


7.1 mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .

MODULE 7.1

Dalumat Wika

Sa Pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin:

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 6
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
1. Malaman ang kahulugan ng Pilipino at paano ito naging isang
teorya ng wika.
2. Makapagsasagawa ng isang discussion panel tungkol sa mga usaping
pangwika

Pagpapahalagang Moral
“Ang Limitasyon ng aking Wika ay siyang Limitasyon ng aking
Mundo”

Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para


ipaliwanag ang kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng Wikang
Filipino? Paano ito makatutlong upang maging masinop at
masinsin ang ating analisis ng wika at ang naturang gamit nito
para sa mga tao at sa lipunan niyang niyang ginagalawan?

Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa


panayam na ito. Ang una ay tumutukoy sa pagkakaroon o
kawalan ng internet na banghay o istruktura ng wika natin na
pundasyon o basehan ng performatibong kakayanan ng mga
Filipino na gamitin ang wikang Filipino. Samantala ang ikalawa
nama’y tumutukoy sa paraktidad ng teorya upang tasahin at
usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna ng
mabilisang pagbabago n gating panahon.

PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang


suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Ang
tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis
at pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle
1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep
structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 7
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na
tatawagin kong lalim ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng
wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika
dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng
ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng
paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon,
ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at
batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga’t di
matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang
paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa
pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng
wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At
aasa lang ba ang lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan
ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang ng WF? Ika
nga’y matira ang matibay!

Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang


Filipino. May tatlong pananaw tungkol dito:

a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa


pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang
hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na
wika sa bansa,

b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain


ng kaalaman at praktika,

c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na


nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit at
pagpilipit sa wikang Filipino.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 8
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
PAIMBABAW NA WIKA

Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak


sa kognitibong kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla
(o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga
polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa
kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil
madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at
istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron,
sa banyagang wika – Ingles.

Bigyang Pansin :

Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon


sa Ingles. May implikasyon ito sa ponetika dahil nabaligtad ang
prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na
phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging
graphicentric (kung ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay).
Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang
mag-aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa
ponetika ng WF. Ang “bahay” ay bibigkasing “bey-hey”. Ang
pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa
sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles.

Halimbawa:
Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang!
Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o
mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng
pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz,
advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang
cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 9
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika
(Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo namang di code-switching
dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap
sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita.
Wala nang switching na nagaganap dahil lantaran na itong
lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic
substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-,
mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng
halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally
flexible sa formang Taglish.

i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, i-solve, pag-solve,


nag-solve, kaka-solve , i-text, pag-text, mag-text, kaka-text,
na-text, i-equate, pag-equate, mag-equate, kaka-equate, um-
attend, um-increase, um-order, um-answer.

Kung kaya’t multiple substitution ang pwedeng gawin dito na


maiaayos o mailalapat din sa pangungusap.

Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-


zerox ko nga lang.” Ang Tagalog/Filipino component (unlapi o
hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit
nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (codependent ang Ingles sa


Filipino):

Re-ayos mo na yan!

Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 10
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad.

Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto


ang isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At kapag sinabi
nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na
magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa pagbasa,
pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-
tingi.

Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa


darating na panahon, gugulang at uunlad din ang WF.
Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na
naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig.

Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at


agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng
panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting
nawawala’t namamatay, unti-unti nauungusan ng malalaking
diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at
postmodernismo. Kung kaya’t sa ating bayan mismo,
nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang
mapanuksong alternatibo – ang gawing wikang ofisyal at
panturo ang Ingles.

Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating


wika sa kasalukuyan:

1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa


midya, paimbabaw at walang malinaw na gramatika (kung
meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 11
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
publiko), ang wikang “maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio
Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa


bansa ayon kay Isagani Cruz

3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng


puristikong gahum o ng Imperial Tagalog; walang pagkakaiba
ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang
ibinigay sa lunsad-aklat ng Galaw ng Asoge, 2005)

4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang


manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang sa akademya,
na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit
nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang anyo ng wika

UBOD NG WIKA

Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan


ng basikong yunit ng kamalayan na taal nang matatagpuan sa
isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari
na – naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos
ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga
ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang
“private language” ni Wittgenstein, “archi-writing” ni Derrida.
Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang
istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng
kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang lahat ng tao na
matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng
wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar.
Ito rin ang nag-uudyok sa imahinatibo’t malikhaing paraan ng
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 12
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika.

LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?

Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan


sa mahabang panahon ng pagbabago at madalas hindi
developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi
retardasyon at tuluyang pagkawala. Alam natin ang magiging
kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na
paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at
kamalayan ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at
nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala
silang masandigang internal na lohika o gramatika ng wikang
naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni
Emerita S. Quito (1989/2010: 23): “Hanggang ngayon, tayo ay
nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang
ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang
bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring
sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at
ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na
hindi Ingles at hindi Filipino.”

Mahalaga ang lalim ng wika dahil:

Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng


wika para maging natural na wika, nagsisilbi itong auditing at
editing facility sa isip ng gumagamit ng wika, ito ang precursor
ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 13
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
niya at ng daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa
pagpapakahulugan nagiging transisyonal at transgenerational
ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa
kung ano ang uso at pinapauso intralinguistic facility ito para sa
transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal na
lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod
ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor.

Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa


kailaliman ng kanyang isip at kung magkagayon malayong-
malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at
wika) sa daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang
ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa
pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may sandamakmak
na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika
at sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay dapat
nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika
(prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng
isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di maglalaon ang
magiging natural na wika (descriptive) na gagamitin ng
mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at istratehikong pagpili
ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang
maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya,
paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang komunikatibong
sitwasyon at pagkilos.
Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng
kamalayan natin at di lamang sa sanga-sangang dila ng
gahum.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 14
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Mungkahing Gawain 7.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Buuin
ang mga sagot 3-5 pangungusap.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 15
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
1. Bilang kabataan, hayaan mo lang ba na mapabayaan at iasa
nalang sa ibang tao ang pag-unlad n gating wika.

2.Ikaw ba na kabataan sa makabagong henerasyon na


naniniwala ka ba na ang Wikang Filipino ay tunay na mayaman
sa kanyang bokabularyo. Magbigay ng iyong patunay.

Gabay sa Pag-aaral
1. Gamit ang VSMART/EDMODO app sa inyong phone o website sa inyong laptop,
iclick ang klase ng DALUMAT NG/SA FILIPINO.
2. Iclick sa FOLDERS section (on menu bar)

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 16
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
3. Iclick ang folder ng MODYUL 7 Pilosopiya at Teoryang sa Kontekstong
Filipino. Digitized Modules, Task Sheets and Job Sheets ay abeylabol sa mga folder.
4. Lahat ng Mungkahing Gawain ay nakalagay sa folder ng MY ACTIVITIES.

Learning Outcome #2.Makapagpahayag ng


mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
Learning Activities Special Instructions

1.Basahin ang Modyul No. 7.2 Ang Modyul 7 nay naglalaman ng: Masinsin at
(Pilosopiya at Teoryang sa Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing
Sanggunian Pagdadalumat sa folder ng VSMART/
Kontekstong Filipino) EDMODO (Module 7.2)

2.Sagutin ang Mungkahing Gawain Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa


7.2 a mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .
2.Sagutin ang Mungkahing Gawain Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa
7.2 b mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .
2.Sagutin ang Mungkahing Gawain Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa
7.3 c mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .

MODULE 7.2

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 17
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Pilosopiya at Teoryang sa Kontekstong Filipino
Sa Pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Layunin:

1. Makapagbahagi ng opinion sa mga iba’t ibang kaisipan ng


mga Pilipino tungo sa kontekstong Filipino sa pamamagitan
ng pagsulat ng sanaysay,
2. Makapagbuod ng mga impormasyon mula sa mga
babasahing kaugnay sa mga pilosopiya at teoryang sa
kontekstong Filipino.
3. Maililinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay, pagsasadula, paglalahad at pagtatalumpati hinggil
sa mga babasahing tekstwal na kaugnay sa kaisipan at
teorya ng mga Pilipino.

Pagpapahalagang Moral :

“Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging


maninili ng hinaharap?” – Dr. Jose Rizal

“Ang hindi marunong tumungin sa kanyang pinagmulan ay


hindi makakarating sa kanyang paroroonan.”

Pilosopiyang Pilipino

Nag-ugat ang pilosopiyang Pilipino sa kasaysayan ng


bansang Pilipinas. Mula sa kolonya ng mga Espanyol sa loob ng
tatlong daang taon, ng Estados Unidos ng kalahating siglo, at
hapon ng kalahating dekada, ang mga Pilipino patungo sa
huling dekada ng ika-19 na siglo ay nagsimulang
makapangalap ng mga kaisipang mula sa Europa. Ang mga
kaisipang ito ay nakatulong sa rebolusyon ng bansa noong
1896 laban sa Espanya.
Pagkamulat ng mga Filipino
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 18
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa
reporma sa espanya ay ang pagkamulat ng kamalayan ng mga
Pilipino sa kanilang lupain. Sa pahayagang La Solidaridad,
kanyang inilahad ang mga solusyon sa problema ng bansa: ito
ay ang Karunungan at Pangangatwiran na kung saan dapat
imulat ang mga Pilipino rito. Dapat mapalaya ang kanilang
kamalayan mula sa panatismo, pagkamakasarili, kababaan, at
kawalan ng pag-asa. Dahil sa kakulangan ng karapatan ng mga
Pilipino sa Edukasyon na kung saan ang mga namumuno ay
ang mga Prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng isang
organisasyon na magpapamulat sa kaisipan ng mga
mamamayan, ang La Liga Filipina. Ang layunin nito ay ang
mapag-isa ang archipelago ng Pilipinas, mapalago ang
pagsasaka at komersyo, magkaroon ng proteksyon mula sa
mga panganib, magkaroon ng pagtanggol laban sa karahasan
at kawalan ng hustisya, at pagpapaunlad ng magandang
edukasyon.
Naniniwala si Rizal na may kakayahan ang isang tao na
mabigyang solusyon ang isang problema. Ang mga potensyal
ng tao ay maaaring maisagawa ng maayos maliban lamang sa
ilang mga pagkakataon dahil sa may mga hadlang. Ang
pinakamalaking hadlang sa bansa ay ang kolonya ng bansang
Espanya. Mahalagang makipagsapalaran sa ganoong
sitwasyong kolonyal na kung saan ay kilala sa
kontemporaryong political na kaisipan bilang pag-unlad ng
sambayanan. Ang sambayanan o o civil society ay nasa pagitan
ng pamilya at ng estado, ito ay nagtatangkang mapunaan ang
pangangailangan ng komunidad, meron o wala mang anong
tulong mula sa estado sa pamamagitan ng solidaridad o
pagkakaisa at subsidiaridad o pakikipagtulungan upang
maisagawa ang mga pangunahing layunin ng komunidad
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 19
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
(Mclean 2001). Sa relihiyon, naniniwala si Rizal sa Agnostic
Deism, ang pananaw na kung saan nilikha ang Dios ang buong
kalawakan kalakip ang kanyang mga kautusan at walang ang
makapaghihimasok rito. Ayon kay Rizal, nakikilala natin ang
Dios sa kanyang kalikasan at sa kanyang budhi, ngunit hindi
natin nalalaman kung ano ang kanyang totoong katangian.
Ang tagumpay na rebolusyon ay kinakailangan ng mga
pinunong military, sapat na pondo, armas, at bala, sapat na
bilang, at may maayos na oryentasyonng pampulitika. Kung
hindi man, ito ay mauuwi sa malagim na kamatayan at ang
mga inosenteng buhay, kababaihan, at ang mga kabataan ay
maghihirap sa kagipitan. Ninananais ni Rizal na maranasan ng
mamayan ang maayos na kalayaan o demokratikong
pamamaraan upang makamit natin ang tunay na kalayaan.
Nang si rizal ay inakusahan ng pamahalaang espanyol na
nakikisapi siya sa malawakang rebolusyong naganap noon ay
senentensyahan ng kamatayan sa Bagumbayan noong
Disyembre 1896. Habang siya nakakulong noon sa Fort
Santiago, nalaman niyang naging matagumpay ang rebolusyon
sa ilang bahagi ng bayan ng Cavite. Sa malubhang sitwasyong
nagaganap na kung saan ang rebolusyon na kanyang hindi
sinang-ayunan ay unti-unting nagtatagumopay sa bawat bahagi
ng bansa, umaasa na lamang si rizal sa pagtatagumpay nito.
Sa kanyang tula na Mi Ultimo Adios, kanyang sinuportahan ng
pahayag na, “I die as I see tints on the sky begin to show and
at last announce the day, after a gloomy night. For orphans,
widows and captives to tortures were shield, and pray that you
may see your own redemption”

Kultura ng Pilipinas

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 20
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay
pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at
mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito
noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa
pamamahala ng Mexico, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay
may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang
Filipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming
hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga
pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano,
Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa,
bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa
ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng
mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa
ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong
tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga
Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay
mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon
at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga


mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at
Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng
Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa
mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang
wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming
hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang
karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga
Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain,
tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 21
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
mangangalakal na Tsino. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang
paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at
pamahalaan.

Lipunang Filipino
Ang lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang
bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng
lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang
bansa ay nahahati sa pagitan ng mga kristiyano, muslim at iba
pang pangkat: sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga
nayon: mga tagabundok at tagapatag: at pagitan ng mga
mayayaman at ng mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
Bayanihan – nabuo ang abayanihan sa mga samahan ng
mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kalian o saan
ma kailanganin ng tulong.
Matinding Pagkabuklod-buklodng mga anak- ang mga
Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba
pang kamag-anak.
Pakikisama- ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais
magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya - ay isang panlipunang kaugalian. Dahil ang mga
Pilipino ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang
mga tinanggap na kaugalian ng lipunan: ang kung sila at
nakakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na
ginawa nila ya hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan
din ito para sa kanilang mag-anak.
Pelabra de Honor- “may isang salita” isang kaugalian ng
mga Pilipino na kaialangan tuparin ang mga sinabi nitong mga
salita o pananalita.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 22
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Amor Propio - Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang
dignidad.
Delicadeza - isang ugali na kailangan na dapat ang isang
tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.
Utang na loob – ay isang utang ng tao sa taong tumulong
sa kanya sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Mga Pambansang Pagdiriwang


Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay
yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang
bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't
tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang
idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at
paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon.


Masayang sinasalubong ito bago
maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi
ng mag-anak. Nag-sisimba,
nagbabatian, at nag-iingay pa sila
nang buong sigla sa pagsalubong nito.
Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang
pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA

`Makaysaysayan ang araw na ito.


Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 23
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng
mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang
nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero
22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp
Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong
Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong
People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan
at Rebolusyon ng Pebrero. 

Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang


nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong
Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa
bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang
Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril
9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa
mga dayuhan.

Araw ng
Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw


ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang
mga manggagawa dahil sa kanilang mga
paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa
pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila
upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos
na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang
bagay.

Araw ng Kalayaan
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 24
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
 Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at
ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa
España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa
bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang
mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng
Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa,
konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama
ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. 

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing


Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang
mga Pilipino ng mga bulaklak para sa
kanila. May mga palatuntunan pa.
Pinahahalagahan sa araw na ito ang
mga nagawa ng mga bayani para sa
kalayaan at kapakanan ng bansa.

Mga Pansibikong Pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito


ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito
sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga
katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga
pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang
mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang
may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa.
Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok
gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag
nito tuwing Agosto 19.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 25
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito.


Ipinakikita natin sa ating mga mahal
sa buhay kung gaano natin sila
inaalala. Ipinakikita rin natin ang
kahalagahan nila. Marami tayong
ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal.
Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito.
Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa


buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano
tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa
sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung
may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan
tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga
barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa
sunog.

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at


Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang
pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng
Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito
ang kabutihan ng ating ina at ama.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 26
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Linggo ng Wika

Marami paligsahan tuwing sasapit ang


buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa
pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng
sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang
ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito
ang kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang
nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin
ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at
pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa
paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa
talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw


ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito
ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong
mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan
ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na
magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan
ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda
rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at
radyo.

Linggo ng Mag-anak

Ito ang araw na ginugunita ng


mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-
anak at ang pagmamahalan at
pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 27
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Araw ng mga Guro

Iba-iba ang buwan ng


pagdiriwang nito. Dito naman
pinahahalagahan ang kabutihan
ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon

Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o


bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani
o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang
Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng
Lungsod Quezon.

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon

Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas.


Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon.
Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino.

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid nating


Kristiyano ang pagdiriwang ng
Kapaskuhan tuwing ika-25 ng
Disyembre. Araw ito ng paggunita sa
pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos
ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng
pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 28
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na
simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko.
Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang
dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-
anak dito. Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng
ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin
ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga
kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid
ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa
buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't
dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at
kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-
anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang
mga kasapi ng mag-anak. Isa pang napakagandang
pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw
na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga
turista ang paradang ito. 

Ati-atihan

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo,


Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at
pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng
uling o anumang itim na pangkulay sa
buong katawan ang mga sumasali sa
parada. Nagsusuot pa sila ng
makukulay na kasuotan habang
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 29
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada.
Hawak ang imahen ng Santo Niño ng isang ati habang
sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang
pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang
viva.

Mahal na Araw Isang napakahalaga at natatanging tradisyon


ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa
pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,
kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay
ni Cristo. Penitensiya naman ang
tawag sa ginagawa ng mga
Pilipinong
nagpapasakit o
namamanata tuwing
Mahal na Araw,
Kanilang
pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa
pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa
kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng
mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga
pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo.
Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng
simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o
ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating
Panginoon.

May isa pang gawaing isinasagawa tuwing


Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng
Marinduque. Isang makulay na kaugalian
pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 30
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga
namamanata.

Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng


mga magsasaka na si San Isidro de
Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang
mga taga-Quezon ng mga produktong-
bukid at katutubong pagkain sa pintuan at
mga bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang


pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka
ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang
mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang
kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa
pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na
kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan

Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay


isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito
na nagpapakita at isinasadula ang
paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus.
Maraming naggagandahang kababaihan sa
prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 31
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga
akadang kaugnay nito.

Pista ng PeñafranciaI

sang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa


Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang
prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng
Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa
ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang
lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng
birhen na nasa isang kasko. 

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre.


Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-
anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino
sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng
mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga
mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa
pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan

Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na


Muslim sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at
nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito.
Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian
at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo.
Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga
babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque.
Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 32
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang
Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng
Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa
sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Filipino sa Kilusang Pambansa- Demograpiko


Pilosopiya at Politika sa Pambasang Wika

Ilang depinisyon at paglilinaw


Kilusang pambansang demokrapiko –ang terminong
tumutukoy sa mga rebolusyonaryong pwersa – mga uri, sector,
grupo at mga indibidwal na nasa pamumuno ng partido
Komunista ng pilipinas na muling tinatag noong 26 disyembre
1968.

Ideolohiya – ang terminong tumutukoy saabanteng kaisipan at


kamalayang gumagabay at nagpapakilos sa sulong na
destakramento ng uri ng mangagawa.

Politika- ang terminong tumutukoy sa lahat ng anyo ng


pagkilos ng KDP na may tuwiran o masustansyang layon nitong
umagaw at magpanatili ng kapangyarihang komokontrol at
mamahala sa gobyerno, mula mababa hanggang mataas na
antas.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 33
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Mungkahing Gawain 7.2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pagdiriwang kung ito
ba ay Pambansa, Pansibiko at Panrelihiyon.

1. Linggo ng Wika
2. Araw ng mga Puso
3. Araw ng mga Bayani
4. Pasko
5. Araw ng mga Guro
6. Pista ng Penafrancia
7. Araw ng Maynila
8. Araw ng Manggawa
9. Todos Los Santos
10. Araw ng mga Ina/Ama

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 34
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Mungkahing Gawain 7.2 b
Panuto: Sumalat ng isang Talumpati hinggil sa paniniwala mo
bilang kabataan/mag-aaral sa pamahalaan.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 35
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Mungkahing Gawain 7.3 c
Panuto : Sa pamamagitan ng paunuod, magtala ng 5-10
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal at gawan ito ng
isang maikling powerpoint presentation na bubuuin ng 2-3
minutes. ( https://youtu.be/0ja4xktvtm0 )

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 36
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit

You might also like