You are on page 1of 11

CRT LEARNING MODULE

Course Code GE110


Course Title Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
Units 3
Module Title Mga Batayang Kaalaman sa Metodolohiya
sa Pananaliksik-Panlipunan

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 1
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
College for Research & Technology of Cabanatuan
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 2
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 3
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code


12 Mga Batayang - Pamamaraan sa Module
kaalaman sa Pagtitipon ng Datos 12.1
Metodolohiya
sa
Pananaliksik-
Panlipunan

MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Mga Batayang Kaalaman sa


Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 4
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang batayan tungkol
sa mga batayang kaalaman sa metodolohiya sa pananaliksik.

Number of Hours:
3 hours

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Maisapraktika at mapauunlad ang batayang kasanayan sa
pananaliksik,

2. Malilinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan,

3. Maisasaalang-alang ang kultura at iba pang apektong panlipuna sa


pagsasagawa ng pananaliksik,at

4. Maisapraktika at mapaunlad ang batayang kasanayan sa pananaliksik.

Contents:

1. Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 5
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
Conditions
Ang mga mag-aaral at gurong tagapangasiwa ay magkaroon ng:

1. Paper
2. Pencil
3. Learning Materials

Assessment Method:

1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon

MODULE 12.1

Pamamaraan sa Pagtitipon ng Datos


1. Video Documentation
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 6
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
- ito ay isang paraan para makaptyur at maiimbak ang mga
mahahalgang pangyayari sa proseso ng pananaliksik. Maaring gawing
tuluyan o segmental ang video documentation.

- Ang video documentation, katulad ng audio recording ay isang


mainam na teknolohiya upang maitala ang mga mahahalagang
pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan.

- Hindi lamang sa mga interbyu at focus group discussion maaring


gamitin ito. Ginagamit din ang video sa etnograpiya, action research,
eksperimental na pananaliksik at iba pa.

2. Literature Review

- ang pagsusuri sa mga kaugnay na literatura at pag-aaralay


tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat o
nakatalang impormasyon na may kinalaman sa nais gawing pag-
aaral at pagsusuri.

- Sa pagpili mg mga literaturang susuriin, mahalagamg isaalang- alang


ang kalidad kaysa sa kantitad.

- Sa pagsusuri sa mga ito, maaring gawin ang pagsusuri batay sa


tatlong pamamaraan: Historikal, Lokalidad at Tematik.

a. Historikal - Sa paraang ito, inaaral at inilalaad ng mg nabasang


literatura batay sa timeline o panahon ng pagkakagawa ng mga ito.
Ginagamit ito upang ipakita ang debelopment ng paksa.
b. Lokalidad - sa pamamaraang ito sinusuri ang mga sanggunian at
ipinaghihiwalay ito batay sa lokasyon ng pag-aaral.hinahati ito sa
literaturang lokal at literaturang banyaga. Bumubuo ng mga
kategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito tatalakayin ang mga
impormasyong nakuha sa mga sanggunian.
3. Interbyu
- ang pakikipanayam sa isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa
kaniyang impormante upang kumalap ng mga mahahalagang
impormasyon na ipinapalagay ng mananaliksik na pinakamahusay na
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 7
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
maibibigay ng napiling impormante. Sabi nga nina Holstein at Gobrium
(1995) -ito ay isang interaksyong panlilunan sa pagitan ng tagapanayam
( interviewer) at kinakapanayam ( interviewee) na kapwa nagbibigay-
kontribusyon sa proseso ng paglikha ng mga kuwento at kahulugan.

Kapag magsasagawa ng isang interbyu mahalagang isaalang-


alang ang ilang mahahalagang konsiderasyon: relasyonal, kontekstwal,
di ebalwatibo, tuon sa tao, at 'di nyutral (Ravitch & Carl, 2016).

A. Experience and behavior questions - nakataya rin sa mga


nagawa na ginawa o gagawin pa lamang ng kinakapanayam.

b. Opinion and values question- mga katanungang nakapokus sa


pananaw at paniniwala ng kinakapanayam ukol sa isang paksa,
karanasan, penomenon, kaganapan, at kung paano niya
pinapahalagahan ito.

c. Feelings question - tinutuong sa kasalukuyang pakiramdam sa


isang karanasan ng kinakapanayam.

d. Knowledge question - mga katanungang humahango ng mga


impormasyon at kaalamang taglay ng kinakapanayam ukol sa paksang
pinag-aaralan.

e. Background/Demographic questions - mga katanungang


sinasagot ng lokasyong, identidad at iba pa.

4. Focus Group discussion (FGD) - ito ay isang pamamaraan ng


elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, partikular ang pananaw at
imbak na karunungan, ng mga piling indibidwal na magkaugnayan sa
pag-aaral. Ginagamit ang FGD upang masuri kung paano nabubuo,
nadedebelob, at umiiral ang isang ideya o kaalaman sa loob ng isang
kontekstong kultural o panlipunan.
Sa pamamagitan ng FGD, nakalilikha ng tinatawag na group think
(nagaganap kung ang isang indibidwal na kalahok ay nagbubukas ng
isang paksa at mula rito pinagtutuunan ng grupo ang paksang ito upang
makabuo ng kolektibong pang-unawa sa nasabing paksa).

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 8
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
5. Obserbasyon at Participant Observation
Ang obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid at pagtatala ng
mananaliksik sa kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang partikular na
lugar, pangyayari, kaganapan, o sitwasyon. Sa obserbasyon, may
nakahanda nang observation sheet na siyang gabay ng mananaliksik sa
mga tiyak na aspektong bibigyang tuon sa kanang pagmamasid. Ang
prosesong ito ay tinatawag na passive, sapagkat limitado lamang ang
interaksyon ng obserber sa kontekstong ping-aaralan.

Participant observation
- Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pagmamasid na nakikisalamuha o
kasali sa mismong pag-aaral ang tagamasid o obserber.

Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat


tandaan ng mananaliksik sa paggawa ng participant observation

Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na:

a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa


sentral na diwa ng paksang pinag-aaralan ngunit dapat nakabase sa
mga umiiral na prinsipyo at teorya;
b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto
kasama na ang mga hindi gaanong pansin na datos kung walang pokus
at intensyonal na obserbasyon; at
c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan
ang ano mang uri ng personal biases at prejudices.

6. Archival Reseach
- Ito ay ang pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para
sa mga isinasagawang pananaliksik. Kasama sa mga arkibyang
sanggunianang mga manuskrito, dokumento, rekord na elektroniko,
materyales na awdyo-biswal at iba pa.
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 9
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
Sa Pagsasagawa ng archival reseach, dapat tandaan ng mananaliksik
ang mga sumusunod:

a. Piliin ang pinakaangkop na sanggunian para makapag- ambag sa pag-


aaral,
b. Tiyakin ang awtensidad at kredibilidad ng sanggunian, at
c. Gamitan ng akmang pagsusuri ang nakuhang sanggunian.
- Maaaring gamitin ang mga teknik sa review of literature, review of
document, content analysis, o discourse analysis sa pagsipat sa mga
sangguniang gagamitin.

7. Pagsasagawa ng Sarbey
Ang sarbey ay isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula
sa inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa pamamagitan ng survey
questionaires, checklist, o iba pang anyo ng survey forms.

Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga


printed forms, ngunit sa kasalukuyana gumagamit na ng e- survey forms
kung online ang paraan ng sarbey.

Sa paglikha ng isang questionaire mahalagang isaalang-alang ang mga


sumusunod:

• Gawing simple at malinaw ang mga tanong,


• Gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng survey form,
• Dapat hindi opensibo ang mga katanungan,
• Gawing lokikal ang pagkakaayos ng mga hinihinging datos, at
• Iwasan ang paghing ng masyadong mahahabang kasagutan mula
sa tagatugon.

8. Transkripsyon

Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na anyo


ng isang audio o audio-visual na sanggunian. Kadalasang ginagawa ang
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 10
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan
pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga pahayag mula sa mga
interbyu,focus group discussion, obserbasyon, at audio o audio-video
documentary o file. Sa transkripsyon, may tinatawag na raw
transcription na tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio file.
Tinatawag namang polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng
raw transcription na siyang ginagamit para sa pag- aanalisa, paglalahad
at paglilimbag.

Sa proseso ng pagtatranskrayb kailangang gawin ang mga sumusunod:

a. Pakinggan ng tatlo hanggang limang beses ang usapan o audio


file. Gagawin ito upang maging pamilyar sa kabuuan ang usapan o
diskurso.
b. Simulan ang pagsulat sa napakinggan. Sikaping isulat ang lahat
nang maririnig. I-pause o ulitin ang audio kung kinakailangan.
c. Kapag naisulat na ang kabuuan ng raw transcription, ayusin na ito
sa pamamagitan ng pagsasaayos ng gramatikang mga pahayag.
Tanging linggwistikong aspekto lamang ang maaring ayusin.
d. Kung kinakailangan, isalin ang transkripsyon sa isang target na
wika.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Module 12: Mga Issued by:
Ivy Mae A. Flores
Batayang Kaalaman sa Page 11
Metodolohiya sa CRT
Pananaliksik-
Panlipunan

You might also like