You are on page 1of 18

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP


Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino
No. of hours 80 hours
Module Title Pagsulat ng Sanaysay
Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 135
Sanaysay CRT
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto upang
makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin
ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto.
Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa
gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung mayroong
mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.

• Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng modyul.
Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na
kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
• Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad . Basahin
ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na ito.
• Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o tagapamahala.
Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
• Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay na
kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang makinig
ka at kumuha ng mga tala.
• Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
• Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang iyong
sariling pag-unlad.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 136
Sanaysay CRT
• Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na nakabalangkas
sa modyul na ito.
• Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong pag-
unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 137
Sanaysay CRT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic


Code

8 Pagsulat ng Tuntunin ng Module Sanaysay


Sanaysay 8.1

Halimbawa ng Module

Sanaysay 8.2 Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong
pangwika.

Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa
atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.

Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga
kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo
to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 138
Sanaysay CRT
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Pagsulat ng Sanaysay

MODULE DESCRIPTOR:

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pag-unawa at ilang halimbawa sa pagsulat ng sanaysay

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga hakbang sa pagsulat ng sanaysay. Ang mga
kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga
gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang paggawa ng isang sanaysay.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan
sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at
lipunan. Isa rin itong epektibong behikulo upang maipabahagi ang mga kaisipan hinggil sa
mga bagay-bagay sa lipunan.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 139
Sanaysay CRT
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


kasanayang pampagkatuto:

 Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa


aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EPIij-
32)

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 140
Sanaysay CRT
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto


ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa
sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa
bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa
sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.

2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-
alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.

3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4.Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano
mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging
matapat ka sa pagwawasto.

5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka
ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 141
Sanaysay CRT
MODULE 8.1

Tuntunin ng Pagsulat ng Sanaysay

Ano ang Sanaysay ?

Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral ay ang pagsulat. Isang
kasanayang maituturing na pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag. Samakatuwid sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan ay maaaring mapagsalin-salin ito
sa bawat panahon. Kaya kaibigan, nawa’y ang gawaing inihanda ay kawiwilihan mo. Panibagong
kaalaman na naman ang magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa
pangaraw-araw na gawain.

1.Panimula/Introduksyon-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat


ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda. Paraan ng pagsulat ng Panimula

• Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa


mga maliliit na detalye.

• Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin


ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.

• Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa

• Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at
iba pang sanaysay.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 142
Sanaysay CRT
• Nakatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon
ng nagbabasa.

• Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling paliwanag ng

iyong sanaysay

• Salaysay – isang paliwanang ng iyong sanaysay.

2. Katawan- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng
sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman
ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito
nang maigi ng mambabasa.

Paraan ng pagsulat ng Katawan

• Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari

• Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo ng paksa.

• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng

isang paksa

• Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple


hanggang

komplikado at vice versa

3. Konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.
Sa bahaging ito hinahamon ang paraan ng pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay ng sanaysay
Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 143
Sanaysay CRT
Paraan ng pagsulat ng Wakas

• Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay

• Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay

• Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal

na tanong

• Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 144
Sanaysay CRT
MODULE 8.2

Uri ng Sanaysay

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon,


nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.

Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na


nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang
kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal
• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng
kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.

• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat,


magturo o magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi
ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa
pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso
at teknikal.
• Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 145
Sanaysay CRT
Sanaysay na Di-Pormal

• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding


Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-
kuro o saloobin ng sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling
karanasan o opinyon ng may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo,
magpatawa o mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka- malikhain
ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

https://brainly.ph/question/253687#readmore

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 146
Sanaysay CRT
Gawain1

Panuto. Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin kung sa
anong konsepto ng paggawa ng sanaysay napabilang ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng


sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala- ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao

a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula

2. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang
lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at
kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik
a.Pormal b. Di-pormal

c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

3. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-


araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng
isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at
mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a.Pormal b. Di-pormal

c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 147
Sanaysay CRT
4. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang
unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
5. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

6. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

7. Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao na


nabibilang sa isang pangkat.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. sounding-out-friends d. brainstorming

8. Pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad sa


paksang gustong isulat.
a. pagtatanong b. pagsulat ng dyornal
c. sounding-out-friends d. interbyu

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 148
Sanaysay CRT
9. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. obserbasyon b. brainstorming
c. pag-eeksperimento d. pagtatanong
10. Sa paraang ito, sinusubukan muna ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol sa
paksa sa pamamagitan ng eksperimento.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. pag-eeksperimento d. brainstorming

Sanggunian:

A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog
.Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. Kritikal na
pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela City:
Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc. 2006.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio


Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 149
Sanaysay CRT
Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng
pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000.
Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961. The personal promise
pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987. De Jesus, Armado F. Institutional research
capability and performance at the
University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private
HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.

Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga
idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman. 1999

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.


http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2
Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.
http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-americanliterature.edu.ph
https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 150
Sanaysay CRT
Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa wikang ginagamit at kulturang kinagisnan ng


iyong sariling lugar. (Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EP- Iij-32)

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 8: Pagsulat ng Page 151
Sanaysay CRT

You might also like