You are on page 1of 12

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP

Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino

No. of hours 80 hours

Module Title Huwag Mo Lang Sabihin, Isulat Mo rin !

College for Research & Technology of Cabanatuan


Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 219
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto
upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga
Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng
bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin
ang mga sagot sa gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing
gawain. Kung mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng modyul.
Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na
kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad . Basahin
ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na
ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o tagapamahala.
Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay
na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang
makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 220
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang iyong
sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na
nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong
pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 221
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

13 Huwag mo lang  Kahalagahan at 13.1


sabihin, Isulat kabuluhan ng
mo rin ! Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino

Panimulang Ideya

Mayaman ang wika at kulturang Pilipino. Naghihintay lamang na tuklasin ng masipag


na mananaliksik ang yamang ito n gating bansa. Matapos hasain ang kakayahang
pangwika, magsagawa ng saliksik, isulat ang saliksik at ibahagi sa iba ito ang patunay na natamo
ang layunin ng kursong ito.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 222
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Huwag mo lang sabihin, Isulat m rin !

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pag-unawa at ilang halimabawa ng kahalagahan at
kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 223
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


kasanayang pampagkatuto:
 Nakapaghihinuha sa kahalagahan na magsaliksik hinggil sa wika at
kulturang Pilipino ;
 Nakapagtataya sa mga kasapatan at kakulangan sa Pananaliksik sa
iba’t ibang paksa;

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng


yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa
paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 224
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa
sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.

2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang
mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.

3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4.Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung


paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit
ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino
Module 13: Huwag mo lang Page 225
sabihin, Isulat mo rin ! CRT
MODULE 13.1

Kahalagahan at kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

GAOD-KAISIPAN

Kahalagahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon, naisasantabi ang


halaga ng sari – sariling yaman ng wika at kultura ng mga bansa at ang pagkakaiba –
iba ng mga ito dahil sa paniniwala na may iisang pamantayang pandaigdig na
nakapadron lamang sa kakayahan at katangian ng mauunlad na bansa. Samantala ,
ang wika at kultura ng mga bansang nasa Ikatlong daigdig , gaya ng Pilipinas , ay lagi’t
lagging ipinalalagay na mababa at di – kapantay ng mga sumusulong na kalakaran sa
daigdig dahil hindi nakaagapay sa pamantayang global na hindi kumikilala sa mga
katangiang panloob ng bawat bansa. Ngunit dapat tandaan na bago makibahagi sa
pandaigdigang integrasyon , kailangan munang makilala ang sariling kahinaan at
kalakasan , kailangang makilala muna ang sarili maging matatag ang pundasyon sa
sariling kaakuhan , upang lamunin lamang o manggaya na lamang sa kultura ng ibang
bansa. Sa ganitong paninindigan , may mahalagang papel ang pananaliksik sa sariling
wika at kultura bilang pagharap sa globalisasyon.

Hinahadlangan ng ganitong oryentasyon ng “ pakikiangkas “ at “ pagnanasa “ sa


global na pamantayan ang kakayahan at kaisipang pambansa. Tuluyang naisasantabi
ang pagpapalakas ng sarili nating potensiyal na makalikha pa ng mas maraming
pambansang iskolar at pantas sa larangan ng sariling wika at kultura. Malinaw na sa
umpisa pa lamang ay may pagkiling na sa mga kanluraning teorista at sunod – sunuran
sa mga panlabas na patakaran ang mga institusyong pang –edukasyon kabilang na
anmga akademya sa bansa na produkto ng kolonyal na karanasan . Halimbawa ,
pinapanginoon ng mga pamantasan ang Sistema ng ISI ( Institute for Scientific
Information ) – indexed journals bilang batayan ng pinakamataas na uri ng

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 13: Ang may Page 226
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
publikasyon , lalo yaong nasa wikang Filipino , na kung tutuusin ay katulad din naman
ng prosesong pinagdaanan at maituturing na mas masalimuot pa nga, sapagkat hindi
hamak na mahirap bumuo ng sariling konsepto at palagay sa sariling konstekto kaysa
simpleng hiramin na lamang at ilapat ang mga tanyag na teorya at kaisipan ng mga
dayuhang iskolar at pantas sa daigdig. Sa ganitong kondisyon , Malaki ang hamon sa
mga mananaliksik ng wika at kulturang Pilipino na igiit ang espasyo para sa maka-
Pilipinong pananaliksik at ituring nakapantay ito ng alinmang iskolarling pamamaraan at
larangan sa akademya man o sa labas nito.

Maliban sa isyu ng wastong paglalagay ng espasyo at pantay na pagkilala sa


mga paksa at pamamaraan nakatuon sa local na pag –aaral ng wika at kultura,
matingkad ding problema kaugnay nito ang namamayaning katiwalian ukol sa
pagbubuo na maling kamalayan at kaisipan ukol sa kulturang katutubo at kaalamang
bayan. Sa papel na “ Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol sa Kaalamang Bayan
“ni Arnold Azurin ( 1991 ), pinuna niyaang kawalang – ingat ng mga mananaliksik at
manunulat sa kanilang mga paksang sinasaliksik na nagreresulta ng katiwalian sa
paglikha ng kahulugan at pagsasawalang bahala sa kapakanan ng pinag – aaralang
paksa.

Nagreresulta rin ang ganitong kakulangan ng panlililinlang sa mga mambabasa sakaling


mailabas bilang aklat o sanggunian ang mga maling impormasyon na magluluwal din ng
maling pag – unawa at kamalayan sa mambabasang Pilipino. Upang malutas ang
ganitong katiwalian, kailangang maging kritikal at ipinanukala niyang pag – aralan ang
paksa ukol sa katutubong kultura at kaalamang bayan , na nangangailangan din ng
praktis ( lampas sa pagteteorya ) at pagpapaloob sa mismong proseso ng pag –unawa
rito. Matibay pa ring pamamaraan ang karanasan at dunong na nagmumula sa kapuwa
at hindi paniniwala sa indibiduwal o sariling pananaw lamang. Matingkad din niyang
iginigiit ang kahalagahanng aktuwalnapagdanas saloob ng pinag –aaralang paksa
upang makabuo ng matibay na pagsusuring nakabatay sa konstekto at hindi bukod
sapinag – aaralan. Sa ganitong punto, nakikita ang halaga ng pananaliksik sa wika at
kulturang Pilipino bilang makabuluhang Gawain ng pag –unawa sa sarili , pagwawasto
sa binaluktot na kamalayan , at ambag sa proyekto ng dekolonisasyon.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 13: Ang may Page 227
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Sa pag –aaral ng wika at kulturang Pilipino , matinding usapin din ang paglilihis
ng landas sa pananaliksik na bunga ng kahinaan sa pagpili ng paksa at tinatanaw na
tunguhin ng pananaliksik. Maraming pananaliksik ang nakabatay sa interes na
mananaliksik at hindi sa interes ng kaniyang paksang sinasaliksik. Nahihikayat din ang
karamihan ng lagi’t laging pag –aaralan ang kulturang dayuhan sa halip na magkaroon
ng motibasyong linangin ang sariling kapakanan. Kadikit ng ganitong pagkahumaling sa
dayuhan sa kalagayan , karanasan, gawi , at diwang Pilipino. Problematiko rin ang
paksa at tunguhing nakakulong sa pamantayan at panlasa ng akademya lamang
habang isinasantabi ang kabuluhan ng pamumuhay at karanasang panlipunan bilang
laboratoryo ng kaalaman at pagpapahalaga. Ang kawalan ng tiyak at malinaw na
konstekto sapag –aaral ng wika at kulturang Pilipino ay nagreresulta ng kawalang
tunguhing maka – Pilipino at nagpapakita ng baluktot na katotohanang nagsisilbing
katiwalian sa kalagayan at karanasan nito. Sa madaling salita hindi kailanman
mapagtatagpo ang magkaibang realidad, kailangang unawain ang mga sariling
palagay at haka – haka na nakatanaw sa layunin at ko ntekstong Pilipino.

Bilang tugon sa ganitong mga suliranin at hamon tungo sa makabuluhang


pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, mahalagang ilapat ang modelo ng maka-
Pilipinong pananaliksik. Pangunahing saligan ng modelong ito ang paggamit ng sariling
wika at pamamaraang nakabatay sa sariling karanasan na angkop sa ating
konteksto.Marapat pahalagahan ang tunguhing maka – Pilipino na makapag – ambag
sa karaniwang Pilipino at larangang magpapalakas sa interes ng paksang
sinasakilsik.Kailangang maipakita ang resulta na hindi nakatali lamang sa mga aklat
kundi sa mismong aktuwal na praktikal sa lipunan kabilang ang pang – araw –araw na
gawain , pag – uugali at pananaw ng isang metodo na makapagpapakilala sa
mananaliksik at kalahok ng pananaliksik upang kapuwa nila matamo ang maka –
Pilipinong pagpapahalaga at tunguhin gamit ang iskala ng pagmamasid , pakiramdam,
pagtatanong- tanong , pagsubok, pagdalaw –dalaw o pagmamatyag, pagsubaybay ,
pakikialam , pakikilahok at pakikisangkot. ( Enriquez 1992 )

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 13: Ang may Page 228
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Sa pagninilay ukol sa mga naging kahinaan ng pananaliksiksa wika at kulturang
Pilipino, nabubuksan ang mga posibleng landas sa lalong pagpapabuti ng nasabing
larangan at maging katuwang ng iba pang disiplina sa pagbubuo ng isang tunay at
makabuluhang maka – Pilipinong pananaliksik. Binubuksan ng maka- Pilipinong
pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang magkakaiba ngunit magkakaugnay na
pananaw at lapit – pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may
katangiang interdisiplinaryo, krosidiplinaryo ,at multisidiplinaryo na makapagpapabitiw
sa mabisang talaban at diskuro ng ibat – ibang larangan uoang makabuo ng isang
matatag na araling Filipino na nakasaling sa lakas ng wika at kultura.

Sa interdisiplinaryong pananaw , nilalayong maigpawan ang pagkakaiba tungong


pagkakahawig at pag –uugnay upang pagbigkisin ang dalawang disiplina sa
pamamagitan sa pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at pamamaraan ng
dalawang disiplina. May katangiang krosdisiplinaryo naman ang pagtutuon sa isang
paksa na magsisilbing batayan sa pagpili ng ibang pagtingin ,pananaw at pamamaraan.
Tinatanaw ng mga krosdisiplinal na pag –aaral ang isang disiplina sa panaanw ng iba
pang disiplina. Lalim at lawak naman ng dalawa o higit pang disiplina ang tuonng
katangiang multidisiplinaryo. Pinagtatagpo nito nito ang ibat –ibang disiplina upang
mapalakas ang sariling disiplina. Sa madaling salita , maituturing na isa sa kahalagahan
ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang kakayahang magluwal ng iba pang
kaalaman at kabuluhan lampas sasaklaw ng larangang ito. Maaaring tingnan ang
talaban ng wika at sining bilang interdisiplinaryong pananaw, ang ibat –ibang
pamamaraan at lente sa pag – unawa ng sining na tumatawid sa mga disiplina gaya ng
antropolohiya , politika at ekonomiks ay maituturing na Posible rin naang isang pag –
aaral ay maaating magtaglay ng mga nabanggit na mga pananaw ng pananaliksik batay
sa layunin at pokus ng isinagawang saliksik.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 13: Ang may Page 229
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Sa nga natalakay na isyu at argumento ukol sa kahalagahan ng pananaliksik
sawika at kulturang Pilipino, nabubuksan ang malawak na espasyo para sa palitan ng
ideya , talaban ng bisa at pagtanaw sa isang diwang Filipino na mahalagang sangkap sa
paghawan ng mga balakid at pagharap sa hamon ng patuloy na pagdurog at
pananalanta sa tumitinding ragasa ng globalisasyon. Sa huli , mananatiling matatag at
nakatindig ang anomang wika at kulturang may matibay na pundasyon ng kaniyang
sarili at tumatanaw sa pangmatagalang aspirasyon ng pagiging Malaya at tunay na
nakapagsasarili.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 13: Ang may Page 230
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT

You might also like