You are on page 1of 19

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP

Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino

No. of Hours 80 hours

Module Title Gamit ng Wika sa Lipunan


Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 78
Wika sa Lipunan CRT
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto
upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga
Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng
bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin
ang mga sagot sa gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing
gawain. Kung mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng modyul.
Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na
kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad . Basahin
ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na
ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o tagapamahala.
Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay
na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang
makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang iyong
sariling pag-unlad.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 79
Wika sa Lipunan CRT
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na
nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong
pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 80
Wika sa Lipunan CRT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

5 Gamit ng Wika sa  Iba’t ibang Module


Lipunan gamit ng Wika 5.1
sa Lipunan

Module
 Mga gamit ng
Wika sa Lipunan 5.2

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 81
Wika sa Lipunan CRT
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.

Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa
atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.

Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong
mga kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo
to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 82
Wika sa Lipunan CRT
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Gamit ng Wika sa Lipunan

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kahalagahan ng Wika sa lipunan at Gamit ng Wika sa
Lipunan.

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang
mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika. Makatutulong ito sa
iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 83
Wika sa Lipunan CRT
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

a. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay


halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan (F11WG-le-85)
b. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan ( F11EP-le-31 )

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 84
Wika sa Lipunan CRT
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng


yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa
paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman
sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa
sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.

2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang
mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.

3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4.Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung


paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit
ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 85
Wika sa Lipunan CRT
MODULE 5.1

IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwj27ezykavqAhXpxosBHVLvAiIQ2-
cCegQIABAA&oq=gamit+ng+wika+sa+lipunan+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQGDoECAAQHlCwIlj_RWCfV2gAcAB4AIAB4gGIAa8RkgEGMTcuMy4xmAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=xgb8XvbyAemNr7wP0t6LkAI&bih=677&biw=1499&hl=en#imgrc=hNaIcNkzJZLxBM

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 86
Wika sa Lipunan CRT
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference)

Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nagpapatungkol sa mga


salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita.

HALIMBAWA
Para sa lugar/ bagay/hayop:

Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na nakain ko,
matapos ang ilang buwan.
Sa Luneta tayo unang nagkita , dito kita unang nakilala. Para sa tao / hayop: sila, siya,
tayo, kanila, kaniya
Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa
magkakapatid.
Ang pamilya nilang Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila ang
condominium na tinitirahan natin ngayon.

Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa


dalawa na nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:
1. Anapora 2. Katapora

Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang


pangalan sa unahan.
Halimbawa:
 Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
 Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 87
Wika sa Lipunan CRT
 Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay mahusay.

Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangalan sa hulihan.
Halimbawa:
Siya’y hindi karapat – dapat na magtaglay ng aking apelyido , si Pedring ay kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 88
Wika sa Lipunan CRT
Gawain 1

Panuto: Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –halimbawa


sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang pag- uugnayan. Tiyaking ang
cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos na mabuo ang pangungusap.

A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Batay sa nabuong paliwanag hinggil sa
mga gamit ng wika sa lipunan, ano ang nakita mong kahalagahan sa paggamit ng
mga cohesive devices sa pagbubuo ng pahayag?

B. Bakit mahalagang gamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at


pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan. (F11EP-le-31

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 89
Wika sa Lipunan CRT
MODULE 5.1

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga
ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga graphic clip
ang gamit ng wika sa lipunan.

PANG - INSTRUMENTAL NA GAMIT

Katangian ng Pang instrumental:


Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakikiusap,
pagtatanong, at pag-uutos

Paraang Pasalita Paraang Pasulat

Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos Liham pangangalakal

PANG - INTERAKSYUNAL

Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat

Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan


 Pangungumusta, pag-anyayang  Imbitasyon sa isang
kumain, pagtanggap ng bisita sa okasyon(kaarawan,
bahay, pagpapalitan ng biro at iba anibersaryo, programa sa
marami pang iba paaralan)

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 90
Wika sa Lipunan CRT
PAMPERSONAL

Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

Pasalita Pasulat

Pormal o di pormal na talakayan, Editoryal o Pangulong Tudling , Liham sa


debate o pagtatalo Patnugot, Pagsulat ng Suring-basa,
Suring Pelikula o anumang Dulang-
Pantanghalan

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 91
Wika sa Lipunan CRT
PANGHUERISTIKO

Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.

Pasalita Pasulat

Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at


pakikipanayam Disertisyon

REPRESENTASYONAL

Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o


sagisag

Pasalita Pasulat

Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig Mga Anunsyo, Patalastas, at Paalala


sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o
Paligid

PANG-IMAHINASYON

Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa


wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kanyang
damdamin.

Pasalita Pasulat

Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang Pampanitikan


Teatro

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 92
Wika sa Lipunan CRT
PANREGULATORI NA GAMIT

Katangian: Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba

Pasalita Pasulat

Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar,


panuto/direksiyon,Paalaala panuto sa pasusulit at paggawa ng
isang bagay, tuntunin sa batas na
ipinapatupad

- Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 93
Wika sa Lipunan CRT
Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang gamit ng wika batay sa pag-aaral ni
M.A.K. Halliday at Roman Jakobson, tiyak na iba na ang persepsyon mo sa wika. Hindi
lamang ito instrumento sa araw - araw na pakikipag –ugnayan kundi isang daan sa
pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit ng
wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat kung Panregulatori, Pang-
interaksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko, Representasyonal, at Pang-
imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.

1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang


pelikula.-
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
-
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 94
Wika sa Lipunan CRT
Isagawa

Ikaw ba ay kabilang sa maraming kabataang nahuhumaling at minu- minutong


nagba-browse sa internet gamit ang kanilang cellphone? Tanggap na ng marami na ang
cellphone ay kailangan na ngayon sa pamumuhay ng mga tao. Hayag na rin sa marami ang
mabuti at masamang dulot nito. Subukin mong gamitin ang wika sa pamamagitan ng social
media sa pakikipag-ugnayan.

Gawain 3

Panuto: Panoorin ang video sa Youtube na America’s Got Talent

WOW Marcelito Pomoy “The Prayer “.

Isulat ang iyong naramdaman o reaksiyon habang pinapanood ang video. Sa ilalim nito
ay isulat kung bakit ito ang iyong napili. (F11EP-le-31)

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Issued by:
Module 5: Gamit ng Page 95
Wika sa Lipunan CRT

You might also like