You are on page 1of 12

CRT LEARNING MODULE

Course Code GE110


Course Title Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
Units 3
Module Title Filipino Bilang larangan at Filipino sa Iba’t
ibang larangan

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 1
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
College for Research & Technology of Cabanatuan
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 2
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 3
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code


5 Filipino Bilang - Pagsulat sa Module 5.1
larangan at Larangan ng
Filipino sa Iba’t Agham
ibang larangan Panlipunan :
Pagkikritik

MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Filipino Bilang larangan at Filipino sa


Iba’t ibang larangan

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 4
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang paglalarawan ng
Filipino bilang larangan at sa iba’t ibang larangan.

Number of Hours:
3 hours

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos
atbp.mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’ ibang
larangan

2. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan

Contents:

1. Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan : Pagkikritik

Conditions

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 5
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
Ang mga mag-aaral at gurong tagapangasiwa ay magkaroon ng:

1. Paper
2. Pencil
3. Learning Materials

Assessment Method:

1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon

MODULE 5.1

Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Gaod Kaisipan

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 6
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay


KAPANGYARIHAN na pareho ng esensiya ng ENERHIYA na pundamental
na konsepto ng Pisika.

– Bertrand
Russel

Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng


tao; ang buhay natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-
unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.

– Nicholas A.
Christakis

Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa


sa tao— kalikasan, mga gawain, at pamumuhay, kasama ang mga
implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 7
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
Kaiba ito sa larangan ng Humanidades na tumatalakay sa mga
sinaunang kaugalian at sa katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal.

Humanidades vs. Agham Panlipunan

Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at paksa ng Humanidades


gayundin ng Agham Panlipunan. Ngunit kaiba sa Humanidades, ang
Agham Panlipunan ay itinuturing na isang uri ng siyensiya o agham.

Humanidades

- ispekulatibo, analitikal, kritikal, at deskriptibo

Agham Panlipunan

- Siyentipiko (iba-iba depende sa disiplina)

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

1. Sosyolohiya – Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan,


ang mga pinagmulan, pag-unlad, at pagkabuo ng mga samahan at
institusyong panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tungkol sa
kaayusan at pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng empirikal na
obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo.

2. Sikolohiya – Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao.


Gumagamit din ito ng empirikal na obserbasyon.

3. Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng


kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral
ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika.

4. Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahon ng


pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura.
Ginagamit dito ang participant observation o ekspiryensiyal na
imersiyon sa pananaliksik.
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 8
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
5. Kasaysayan – Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng
isang grupo, komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari dito upang
maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo upang
mailahad ang mga pangyayaring ito.

6. Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang


maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian,
kalikasan, at pagbabago rito, kasama na ang epekto nito sa tao. Mga
metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa mga
pananaliksik dito.

7. Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at


mga patakaran, proseso, at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang
kilos-politikal ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at
empirikal na pag-aaral.

8. Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga


proseso ng produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at
produkto sa ekonomiya ng isang bansa.

9. Area Studies – Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang


bansa, rehiyon, at heograpikong lugar.

10. Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at


monumento kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.

11. Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga


paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay
ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng
isang superyor at superhuman na kaayusan.

Pagsulat sa Agham Panlipunan

*simple

*impersonal

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 9
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
*direkta

*tiyak ang tinutukoy

*argumentatibo

*nanghihikayat

*naglalahad

*di-piksyon ang anyo

*madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit


sapat upang mapangatwiranan ang katuwiran o tesis.

Mga Anyo ng Sulatin

*report

*sanaysay

*papel ng pananaliksik

*abstrak

*artikulo

*rebyu ng libro o artikulo

*biyograpiya

*balita

*editoryal

*talumpati

*adbertisment

*proposal sa pananaliksik

*komersiyal sa telebisyon

*testimonyal
Document No. 001-2020
Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 10
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

1. Proseso:

a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.

b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.

c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.

d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.

e. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa tesis.

f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring


kuwantitatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at
etnograpiko.

g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado


(simula, gitna, at wakas) angkop, sapat, at wastong paraan ng
pagsulat.

h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin


ng ibang may akda.

Gawain 1

Panuto : Gumawa ng isang pagkrikritik ng isang akdang pang-agham


panlipunan.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 11
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina
1. Isang dokumentaryo sa TV tungkol sa ( pumili lamang ng isa )

a. Kahirapan

b. Edukasyon

c. Paggamit ng teknolohiya

d. Korupsiyon

Batayan sa Pagkikritik

1. Ibuod ang ilang mga pangyayari batay sa napiling paksain

2. Huwag kalimutang banggitin ang mga reperensiya o pinagkuhan


ng ilan sa mga artikulo na maaaring kaugnay sa napiling paksain.

3. Sa Pagbubuod ng mga ideya kailangang lohikal at magkakaugnay


ang mga ideya.

4. Gumamit ng mga angkop na salita.

Document No. 001-2020


Kontekswaisadon
g Komunikasyon
sa Filipino Developed by:
Issued by:
Module 4-5 : Filipino Ivy Mae A. Flores
Page 12
bilang larangan at
CRT
Filipino sa Iba’t ibang
Disiplina

You might also like