You are on page 1of 8

FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

Pamagat ng Aralin: KALIGIRAN NG ASIGNATURANG Kagamitan: SAS


KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Sanggunian
▪ Torres, Perlin O. Panukalang Modyul sa Komunikasyon sa
Mga Layuning Pampagkatuto:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.
Masuri ang angkop na gamit ng wikang Filipino sa iba’t-ibang Akademikong Filipino
kontekstong ginagalawan ▪ http://www.mediacollege.com/glos sary/p/production-
2. Mailarawan ang naging gampanin ng wikang Filipino sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa komunidad na process.htm ▪ tagaloglang.com
ginagalawan

Paalala: Laging unawain at sundin ang mga paalala at panuto.

INTRODUKSYON
Magandang araw sa iyo! Binabati kita sa pagpapatuloy mo ng pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay ang iyong aralin sa FIL 124 –
Kontextwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Ang kursong ito ay FIL 124: Kontekstualisadong Komunikasyon sa Filipino o
KomFil. Ang KomFil ay isang paglalakbay tungo sa pagpapahusay ng iyong paggamit ng wikang Filipino. Sa klaseng ito,
maraming mga pagsasanay at gawain kung saan tayo ay makikinig, mag-babasa, mag-susulat, at mag-sasalita. Ikaw ay
bibigyan ng mga pagsasanay na pang isahan, dalawahan, at pangkatan. Karamihan sa mga panuto sa mga gawain ay
nakasulat sa isang SAS na tulad nito, ngunit maaring ang iyong guro ay gumawa ng mga pagbabago.

Lagyan ng tsek (🗹 ) ang sagot mo: Gaano ka kahanda magsimula sa aralin ngayon?

◻ Handang-handa!

◻ May alinlangan.

Kasama mo ang iyong mga kaklase pati na rin ang iyong guro para tulungan kang magtagumpay sa klase na ito. Huwag
mag-atubiling magtanong o humingi ng tulong. Magsimula na tayo!
A. GAWAING PAHAPYAW SA ARALIN
Bilang paghanda sa aralin, gawin ang Aktibity A1, A2, at A3.

Aktibiti A1. (Pang-isahang gawain, 2 minuto)


Basahin ang sumusunod na tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.
1. “Ang wika ay kasangkapan ng pagpapalitan ng mensahe ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa
ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at
pangangailangan ng tao. Ang wika ay gamit sa pagbuo ng pangungusap.” - Anong katangian ng wika ang
inilalarawan?
a. Ang wika ay sinasalitang tunog. c. Ang wika ay arbitraryo.
b. Ang wika ay sosyal o pantao. d. Ang wika ay komunikasyon.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 1


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

2. Ano ang tawag sa magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang wikang panturo?
a. Multilinggwal na pagtuturo. c. Monolinggwal na pagtuturo.
b. Bilinggwal na pagtuturo. d. Bernakular na pagtuturo.

3. Ang komunikasyon ay isang dinamikong gawain maging sa sitwasyong ang pasahero at ang drayber ay
nagkakaunawaan. Sa pamamagitan ng pagkaway ng pasahero, humihinto ang drayber at isinasakay ang
pasahero. Anong uri ng komunikasyon ito?
a. berbal c. di-berbal
b. pormal d. impormal

 Ito ay mga simpleng palaisipan bilang paghanda sa ating aralin ngayong araw. Tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa
bandang dulo ng SAS na ito kung tama ang iyong mga piniling sagot. Ilagay ang iyong score dito: ____/3

Aktibiti A2. (Pangisahang Gawain, 1 minuto)


Panuto: Unawin ang caselet at sagutin ang tanong.

Ikaw ay isang studyante sa kolehiyo na may kaklase na kaibigang matalik. Ang kaibigan mo ay masayahing tao,
palatawa, malakas magsalita, madalas parang wala siyang sineseryosong usapan. Kailangan ninyong maghanda
para sa isang pormal na pagtatanghal ng resulta ng inyong pananaliksik para sa isang major subject ninyo. Ano
ang mga ipapayo mo sa kaibigan mo bilang paghahanda sa pagtatanghal, gayong alam mo ang kanyang
pagkatao?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
 Matapos unawain ang caselet at isipin ang sagot sa tanong, tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa bandang dulo ng SAS na
ito kung tama ang iyong mga piniling sagot.

Aktibiti A3. (Pangdalawahang Gawain, 3 minuto)


Pag-aralan ang mga ideyang nakapaloob sa graphic organizer sa ibaba. Ano ang iyong masasabi sa ugnayan ng
Wikang Filipino at ang ideya ng Kontekstwalisadong Komunikasyon? Pag-usapan ninyo ito ng iyong kaklase.
Maging handing ibahagi ito sa klase.

KONTEKSTWALISADONG
WIKANG FILIPINO KOMUNIKASYON

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 2


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________


 Matapos ninyong mapag-usapan ang graphic organizer, tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa bandang dulo ng SAS na ito
kung tama ang iyong mga piniling sagot.

B. PANGUNAHING ARALIN Araling Pangnilalaman (10 minuto)

Aktibiti B1: Pagbasa ng Konseptong Arallin


Narito ang konseptong aralin na kailangan mong unawain at pag-aralan. Ito ang magiging gabay mo sa mga susunod
pang aktibiti. Salungguhitan ang mga mahahalagang
konsepto, ideya, at mga salita.

“Pagpapakilala sa FIL 124”


Bakit may usaping hindi na mandatoryo ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Naging kontrobersyal ang mga kursong Filipino at Panitikan sa kolehiyo mula noong nilabas
ng Commission on Higher Education (CHED) ang ng CHED Memorandum Order (CMO)
No.20, Series of 2013 kung saan inalis ang ilang minor subject sa kurikulum sa kolehiyo –
kabilang dito ay ang Filipino. Ilan sa mga dahilan ay ang mapanigurong walang pag-ulit ng asignatura na mayroon na sa
senior high school sa sistemang K-12 ng Department of Education at ang mabigyan ng ibayong pagtuon sa mga major
subject pagdating sa kolehiyo. Nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino noong
2014 bilang tugon sa pag-alis ng Filipino bilang mandatoryong asignatura sa kolehiyo. Naglabas ng Temporary
Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema noong 2015 para ipahinto ang pagpapatupad ng CMO 20.2013, pero
tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019. Ikinatuwa ng CHED ang pagsulong ng CMO 13.2013, pero
malinaw nilang pinahayag na may kalayaan ang bawat Higher Educational Instisutions (HEIs) sa pagturo ng Filipino kahit
na hindi na ito ginawang Core Subject sa kolehiyo.

Paano itinuturo ang Filipino sa Kolehiyo?


Sa bisa ng CMO No. 57, s. 2017 binalangkas ang yunit na ilalaan sa asignatura sa Filipino at Panitikan. Nagkaroon ng
limang (5) asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo: 1) KOMFIL (Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino); 2)
FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina); 3) DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino); 4) SOSLIT (Sosyedad at
Literatura/Panitikang Panlipunan); at 5) SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan).

Ang FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) ay “isang praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyunal at modernong
midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.”

Ang konteksto ng komunikasyon ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon. Isang
halimbawa ng kontekstwalisadong komunikasyon ay ang iyong paggamit ng wikang Filipino sa paglarawan ng ating mga
ipinagmamalaking bagay galing sa bansa. Isa ring halimbawa ay ang pakikipag-usap natin sa ibang tao gamit ang
magagalang na salita. Narito ang iba’t ibang uri ng konteksto (Castillo et. al.):

1 Kontekstong Relesyunal nabibigyang fokus dito ang reaksyon ng isang tao sa ibang tao. Halimbawa:
Pangangamusta sa ating mga ka anak at mga kaibigan.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 3


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________


2 Kontekstong Sikolohikal tumutukoy ito sa kung sino ka at kung ano ang iyong naiambag sa interaksyon
- ang iyong pangangailangan, nais, mga kaugalian,
personalidad, at iba pa. Halimbawa: Nagiging maingat tayo sa
pakikipag-usap sa taong kakagising lamang o sa taong naabala sa
kanyang oag tulog.

3 Kontekstong Sitwasyunal nababanggit dito ang pakikiangkop sa mga pangyayari ng mga taong kabilang sa
pakikipagkomunikasyon. Halimbawa: Ang isang interaksyon
sa loob ng hukuman ay iba sa ugnayan sa palengke.

4 Kontekstong Environmental tumutukoy ito sa pisikal na kapaligiran kung saan nangyayari ang
pakikipagtalastasan. Ang mga halimbawa ng mga salik dito ay
muwebles, lokasyon, antas ng ingay, panahon, oras at iba pa.

5 Kontekstong Kultural naiuugnay rito ang lahat ng mga natutunang bagay at tuntunin na nakaaapekto sa
interaksyon. May mga tradisyon at gawaing
kinagigiliwan ng isang kultura subalit hindi naman pinahihintulutan sa
iba. May mga lahing pumapayag sa pagsunog sa bangkay o cremation
ngunit ayaw naman ng ibang lahi.

Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (20 minuto)


Aktibiti B2. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Tukuyin ang kawastuhan ng mga sumusunod na pahayag sa ibaba.
Isulat sa patlang kung ito ay TAMA o MALI.

1 Maaring piliin ng mga kolehiyong ituro o hindi ang Filipino at Panitikan.


2
3 Ang kontektwalisadong komunikasyon ay ang paggamit ng wika sa tiyak na larangan o antas. 4
Magkaakibat ang wika at komunikasyon.
5 Magkakaroon ng kontekstwalisadong komunikasyon kahit walang wika.

Aktibiti B2: 1) Tama, 2)

Aktibiti B3. Uriin mo kung anong uri ng konteksto ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang S - Sitwasyunal, R –
Relesyunal, E – Environmental, K - Kultural, at SK – Sikolohikal.
_____________ 1 Paggamit ng mga facebook upang ma-update ang iyong mga kaibigan sa kasalukuyang status.
_____________ 2 Ang pakikipag-ugnayan sa mga ilang kaanak sa ibang bansa gamit ang messenger.
_____________ 3 Ginagamit ng guro sa paglalahad ang tambalang Julia Baretto at Joshua Garcia bilang
analohiya sa buhay nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
_____________ 4 Ang paggamit ng mga salitang pormal sa mga usapang pormal gaya ng forum,
symposium, o seminar.
_____________ 5 Ang papapaskil ng anunsyong Bawal pumitas ng bulalak sa plaza bilang paalaala sa mga bisita.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 4


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________ C. Base sa


iyong napag-alaman mula sa iyong guro, kaklase, at sariling pang-unawa subukan mong sagutan ang sumusunod
na pagsasanay upang malaman mo kung gaano ang iyong natutunan. isulat mo sa patlang ang A kung
kontektwalisadong komunikasyon ang nabanggit, at B naman kung hindi ito kontektwalisadong komunikasyon.

_____________ 1 Ginagamit ng guro sa paglalahad ang tambalang Romeo and Juliet bilang analohiya sa buhay
nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
_____________ 2 Ang paggamit ng mga salitang pormal sa mga usapang pormal gaya ng forum,
symposium o seminar.
_____________ 3 Ang papapaskil ng anunsyong Bawal pumitas ng bulalak sa plaza bilang paalaala sa mga bisita.
_____________ 4 Ang natagpuang karatulang Bawal Ang Maingay sa Basurahan.
_____________ 5 Ang pagsigaw sa loob ng simbahan ng “Balot Kayo Riyan.”

Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)

Panuto: Balikan ang iyong mga sagot sa Aktibiti 3B. Pag-aralan ang mga paliwanag sa bawat aytem: 1 Ginagamit ng
guro sa paglalahad ang tambalang Romeo and Juliet bilang analohiya sa buhay nina Maria Clara at Crisostomo
Ibarra. SAGOT: B Hindi kontekstwalisado, sapagkat hindi naakma sa ating kultura, lokalisasyon, at panitikan ang
Romeo at Juliet.

2 Ang paggamit ng mga salitang pormal sa mga usapang gaya ng forum, symposium o seminar. SAGOT: A
Kontekstwalisado sapagkat akma ang pormal na usapan sa mga symposium, seminar, at iba pa.

3 Ang pagpapaskil ng anunsyong Bawal Pumitas ng Bulalak sa Plaza.” bilang paalala sa mga bisita. SAGOT: A.
Kontekstwalisado, sapagkat naakma ang anunsyo sa tiyak na lugar o kinalalagyan nito.
4 Ang natagpuang karatulang Bawal Ang Maingay sa Basurahan. SAGOT: B. Hindi kontekstwalisado,
sapagkat hindi naayon ang karatula sa lugar o kinalalagyan nito.

5 Ang pagsigaw sa loob ng simbahan ng “Balot Kayo Riyan” SAGOT: B Hindi kontekstwalisado, sapagkat
hindi naakma ang paraan ng pagsasalita gaya ng pagsigaw sa loob ng simbahan.

C. WRAP-UP SA ARALIN
Pagsusuri tungkol sa Natutunan (5 minuto)

1) Work Tracker
Ngayon, markahan mo ang kinalalagyan ng iyong natutunan sa “work tracker” para mamonitor mo ang iyong
napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano ang mga kailangan mo pang gawin.
Period 1 Period 2

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 5


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

2) Reflection
▪ Kamusta ang parkiramdam mo sa pag-aaral ng paksang aralin ngayon - Naging madali ba para sa iyo o nahirapan
ka sa naging paksang aralin? _______________________________________
▪ Bakit ito ang iyong naramdaman? Ilahad ang iyong sagot. _______________________________________

___________________________________________________________________________________________ ▪
Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin? _______________________________________
___________________________________________________________________________________________

FAQs
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang kaalaman sa paksang araling tinalakay na maaaring makatulong pa sa iyong
pang-unawa. Basahin mo ito nang mabuti.

1. Ano ang wika?


Sagot: Ang wika ay pasalita o pasulat na instrumentong ginagamit sa pakikipagtalastasan.

2. Paano nakatutulong ang wika sa pagkakaroon ng mabisang komunikasyon?


Sagot: Nakatutulong ang wika sa mabisang komunikasyon dahil nagsisilbi itong susi upang maipahayag ng isang
indibidwal ang kanyang kurukuro, opinyon at saloobin tungkol sa isang paksa.

SAGOT SA MGA AKTIBITI:


AKTIBI A1:
1) D; 2) B; 3) C

AKTIBITI A2:
Maaaring iba-iba ang sagot. Halimbawa: Ang ipapayo ko sa kaibigan ko bilang paghanda sa pormal naming pagtatanghal
ay ang gumamit ng mahinahon na pagsasalita, makinig habang nagsasalita ang ibang tao, huwag magpasok ng biruan sa
usapin, at tumayo ng tuwid at nakapirme habang nagsasalita.

AKTIBITI A3:
Maaaring iba-iba ang sagot. Halimbawa: Ang wikang Filipino ay ginagamit sa iba-ibang kontexto. Mahalaga na angkop
ang pagpili ng mga salita at tono ng pagsalita sa kontextong pinaggagalawan. Kailangang pormal ang paggamit ng
Filipino sa mga pormal na kontexto tulad ng talumpati or akademikong presentasyon. Maaring maging kaswal ang
paggamit ng Filipino kung ang kontexto ay pakikipagkamustahan.
AKTIBITI 1 Pagbubuo ng Kasanayang
Aktibiti A
1. D. 2. B. 3. C.
1. TAMA 2. TAMA 3. TAMA 4.
TAMA 5. MALI

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 6


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet #1

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________


Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti B

1. R – ANG PANGUNGUSAP AY NAGPAPAKITA NG RELASYON NG TAGA-HATID NG


MENSAHE AT TAGATANGGAP NG MENSAHE
2. R - ANG PANGUNGUSAP AY NAGPAPAKITA NG RELASYON NG TAGA-HATID NG
MENSAHE AT TAGATANGGAP NG MENSAHE
3. K – GINAGAMIT SA PAG HAHAMBING ANG BUHAY NINA MARIA CLARA AT
CRISOSTOMO IBARRA BILANG PARTE NG ATING KULTURA. 4. S- IPINAPAKITA RITO NA
IBA ANG URI NG SALITA NA ATING GINAGAMIT NA NAKA DEPENDE SA SITWASYUN. 5. E
– SA PAMAMAGITAN NG ANUNSYONG NAKAPASKIL, IPINAPAKITA RITO PISIKAL NA
KAPALIGIRAN.

Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti C


1. B HINDI KONTEKSTWALISADO, sapagkat hindi naaakma sa ating kultura, lokalisasyon at panitikan
ang Romeo at Juliet.
2. A KONTEKSTWALISADO, sapagkat akma ang pormal na usapan sa mga symposium, seminar atbp. 3. A
KONTEKSTWALISADO, sapagkat naaakma ang anunsyo sa tiyak na lugar o kinalalagyan nito. 4. B HINDI
KONTEKSTWALISADO, sapagkat hindi naaayon ang karatula sa lugar o kinalalagyan nito. 5. B HINDI
KONTEKSTWALISADO, sapagkat hindi naaakma ang paraan ng pagsasalita gaya ng pagsigaw sa loob ng
simbahan.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 7

You might also like