You are on page 1of 10

CRT LEARNING MODULE

Course Code GE111


Course Title Dalumat ng/sa Filipino
Units 3
Module Title Pagsusuri

College for Research & Technology of Cabanatuan

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 1
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

DALUMAT NG/SA FILIPINO

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 2
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code


11 Pagsusuri  Balangkas ng Module
Pagsusuri 11.1

MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Pagdadalumat sa Filipino

MODULE DESCRIPTOR:

Ang modyul na ito ay mahahasa ang kanilang kasanayan sa


pagbuo ng isang pagsusuri tungkol sa makabayaning pelikula.

Number of Hours:
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 3
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
3 hours

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matatamo ang balangkas ng Pagsusuri,
2. Malinang ang mga makrong kasanayan sa pagkatuto sa pamamgitan
ng pagsusuri sa isang pelikula.

Contents:

1. Balangkas ng Pagsusuri
Conditions

Ang mga mag-aaral at gurong tagapangasiwa ay magkaroon ng:

1. Paper
2. Pencil
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 4
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
3. Learning Materials

Assessment Method:

1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon

Gabay sa Pag-aaral
1. Gamit ang VSMART/EDMODO app sa inyong phone o website sa inyong laptop,
iclick ang klase ng DALUMAT NG/SA FILIPINO.
2. Iclick sa FOLDERS section (on menu bar)
3. Iclick ang folder ng MODYUL 11 Pagsusuri . Digitized Modules, Task Sheets and
Job Sheets ay abeylabol sa mga folder.
4. Lahat ng Mungkahing Gawain ay nakalagay sa folder ng MY ACTIVITIES.

Learning Outcome #1 Malinang ang mga makrong kasanayan


sa pagkatuto sa pamamgitan ng pagsusuri sa isang pelikula.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 5
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Learning Activities Special Instructions

1. Basahin ang Modyul No. 11.1 Ang Modyul 11 nay naglalaman ng: Pagsusuri sa
(Balangkas ng Pagsusuri) folder ng VSMART/ EDMODO (Module 10.1)

2.Panuorin at Gawin ang Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa


Mungkahing Gawain 11.1 mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .

MODULE 11.1

Balangkas ng Pagsusuri

Sa Pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin:

1. Nauunawaan ang balangkas ng isang pagsusuri,


2. Makakapagsuri ng isang Pelikulang Makapilipino.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 6
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Balangkas ng Pagsusuri ng Pelikula

I.Panimula
Ito ba ay komersyal o isang art film? Ano ang sinaryo sa isang
bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito? Ano sa iyong
hinuha ang mga layunin ng pelikula? Sa panimula, kinakailangang
banggitin ang pamagat n g pelikula, produksyong gumawa ng pelikula,
ang mga artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production
designer, director ng photogtapiya, producers, executive producers, at
director. Maaring idagdag sa panimula kung ito ay halaw sa isang
nobela, kung saan nakabase ang pelikula.
II.Pamagat
Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe
bang ipinahihiwatig ang pamagat? ang font na ginamit? Ang kulay na
ginamit sa pamagat? Ipaliwanag ang ipnahihiwatig nito.
III. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan- Sino-sino ang mga pangunahing tauhan
sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng pangunahing tauhan. Ano ang
karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula? Sino ang artistang
gumanap sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba niyang nagampanan
ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista
ng kahusayan sa pagganap o kahinaan sa pagganap?
B. Katuwang na Tauhan- Sino-sino ang mga katuwang na tauhan
sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng mga katuwang na tauhan. Ano-
anong mga karakter ng katuwang na tauhan sa pelikula? Sino-sino ang
mga artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba niyang
nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula
nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o kahinaan sa
pagganap?
IV. Uri ng Genre ng Pelikula
Ipaliwanag ang genre ng pelikula.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 7
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
V.Tema o Paksa ng Akda
Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais
iparating ng pelikula sa mga manunood.
VI.Sinematograpiya
Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay
daan ang mga shots na ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng
pangyayari sa pelikula. Ipaliwanag ang mga shots kung anong
ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng kuwento ng pelikula?
Nakatulong ba ang mga shots, ilaw sa pagsasalaysay ng kuwento ng
pelikula?
VII. Paglalapat ng Tunog at Musika
Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi
ng pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari
at maramdaman ng manunood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng
pangyayari sa pelikula. Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat
ng musika sa bahagi ng pelikula? Nagbigay daan ba ito sa damdamin
upang mapadama s amga manunood ang sitwasyon sa pelikula? Ang
mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakapekto ba sa mga
pangyayari, sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula? Ipaliwanag
ang esensya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga bahagi ng
pelikula.

VIII. Editing
Mahusay ba ang pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng
pelikula? May mga bahagi bang tumalon o di magkakaugnay o di
maunawaang pangyayari dahil sa editing?
IX. Production Design
A. Ang lokasyon ang mga props na ginamit sa mga eksena ng pelikula
ay makatotohanan at nagpadama sa mga manunood ng totoong
kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula?

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 8
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na
naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong
kalagayan ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula?
C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma
sa sitwasyong hinihingi sa kuwento ng pelikulas?
X. Direksyon
Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin
upang maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa
pagkakasulat ng iskrip? Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor
ang paglalapat ng lahat ng elemento ng pelikula upang maipakita ang
kagandahan at kahusayan ng kalidad ng isang tunay na pelikula?
Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang direktor sa pelikulang
pinanood.
XI. Buod o Synopsis
Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari
mulsa sa simula, mga mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang
wakas.
XII. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula
Ano ang kaisipan o aral na matatagpuan sa pelikula? Ipaliwanag
ang kaisipang iyong ibinigay.
XIII. Konklusyon at Rekomendasyon
Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o
paglalagom sa mga key points na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri.
Balikan ang mga elemnto ng pelikula na binigyang suri at mula rito ay
maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa
mapagbubuti ang isang pelikula mula sa iyong saring paghuhusga.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 9
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Mungkahing Gawain 11.1
Panuto: Panuorin ang Pelikulang El Presidente, unawain ang bawat
detalye ng pelikula. Gumawa ng isang Pagsusuri gamit ang napag-
aralang balangkas. ( https://youtu.be/e9jUe4qc8w0 )

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 10
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit

You might also like