You are on page 1of 17

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP

Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino

No. of Hours 80 hours

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 24
Konseptong CRT
pangwika
Module Title Mga Konseptong Pangwika

College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral
sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto
upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga
Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos
ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o
kunin ang mga sagot sa gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat
mukhaing gawain. Kung mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa
inyong guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng
modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at
kaalaman na kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad .
Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na
ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay
na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang
makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 25
Konseptong CRT
pangwika
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang
iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na
nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong
pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 26
Konseptong CRT
pangwika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

2 Mga Konseptong • Monolingguwalismo, Module


Pangwika Billinguwalismo,at 2.1
Multilingguwalismo

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 27
Konseptong CRT
pangwika
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.

Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang
sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.

Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong
mga kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya
mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 28
Konseptong CRT
pangwika
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Mga Konseptong Pangwika

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagpapakahulugan sa Monolingguwalismo,
Billingguwalismo, at Multilingguwalismo.

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang
mga kasanayang matutunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika. Makatutulong ito sa
iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 29
Konseptong CRT
pangwika
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio,
State of the Nation, Mareng Winnie,Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Ib – 86;
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan F11PS – Ib – 86.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 30
Konseptong CRT
pangwika
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatutong dapat
malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika.
Makikita sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa
konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung
natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga
kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng
modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag- aaral kung susundin mo
ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat sa iyong


dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksang
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnayang gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang panghuling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at
kung paano mo inunawa ang bawat aralin ?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang hindi
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuK

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino Issued by:
Module 2 : Mga Page 31
Konseptong CRT
pangwika
MODULE 2.1

Monolingguwalismi, Billingguwalismo, at Multilingguwalismo

YUGTO NG PAGKATUTO

“Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang


wika
maaari siyang ituring na isang poliglot”
-Clyne (2014)-

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 32
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Monolingguwalismo, Bilinguwalismo at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa


isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang
wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang
wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at
wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo

Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong pagkakahulugan


ang maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) – isang Amerikanong
lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang
wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika. Pahayag naman ni
John Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan
ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika”. Tulad kay Uriel Weinreich (1953) – isang lingguwistang Polish-American,
sinasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na
bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon


para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at
wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa
kalakalan.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 33
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika
at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga
Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang
wikang katutubo o wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education
(MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika
bilang panturo partikular sa kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang
pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Base sa
pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika
bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika sa
panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay
na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa
unang taon ng MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug, Maguindanaoan,
Meranao at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE pagkalipas ng isang taon may labing
siyam na ang wikang ginagamit ng MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon
,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon. Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang
panturo sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa sekundarya at sa
kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual as a
country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to
our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”
- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.29-33

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 34
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Ang pagiging dalubhasa sa maraming wika ng isang tao ay may malaking tulong
upang mas lalong magkakaintindihan. Ang kakayahan ng isang taong makapagsalita ng
maraming wika ay malaking ambag upang maisulong ang higit na pagkakaunawaan.
Nakatutulong ang isang taong multilingual sa pamamagitan ng mga sumusunod: Una,
kapag hindi naiintindihan ng ibang taong kakilala niya ang lingguwahe ng kanyang
kausap ay maaari niyang ipaliwanag ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito
sa pag-aaral (English, Filipino) at nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang sarili at
maaaring maging daan upang makatulong siya sa pag-unlad ng bansa. Ikatlo,
nagkakaroon ng higit na malawak na oportunidad ang isang multilingguwal sa maraming
larangan kabilang na ang pagtatrabaho.Ikaapat, maaaring marating o makilala ng isang
multilingguwal ang kultura at kinagisnang lugar/ bansa ng natututunang pangalawa o
pangatlong wika.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 35
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Mungkahing Gawain 2.1
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang
ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a.Pareho lang sila
b.Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c.Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d.Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang Filipino
sa usaping ito, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi c. Pareho lang d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a.Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b.Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c.Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d.Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a.Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b.Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c.Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d.Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5.Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng
dalawang wika o dayalekto nang may _?
a. Kaalaman b. kahusayan c. Kasipagan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a.Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b.Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c.Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d.Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 36
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
7. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose
Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a."O kay gara ng iyong kasuotan!"
b."O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c."O kay galing ng iyong kasuotan!"
d."O kay grande ng iyong kasuotan!

9.Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?


a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya c. Filipino at Espanyol d. Ingles at
Filipino

10. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?


a. taluba b. kangkong c. talaba d. taho

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 37
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Gawain 2.2

Panuto: Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang
reaksyon o sasabihin mo sa larawang nakita. Isulat ang iyong ideya hinggil sa konsepto
sa ibaba:

1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:


 Unang wika _
 Ikalawang wika _
 Ikatlong wika _

2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 38
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Gawain2.3

A. Sa pamamagitan ng linguistic profile sagutin ang hinihingi ng salitang


nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

Linguistic Profile

Pangalawang

wikang sinasalita

Unang wikang Ibang wikang

sinasalita AKO sinasalita

B. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo sa iba pang wika


maliban sa iyong unang wika?

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 39
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika
Mungkahing Gawain 2.4
Panuto : Sa panunuod ng Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation at Mareng
Winnie sa telebisyon itala ang mga konseptong pangwika .

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Issued by:
Wika at Kulturang
Page 40
Pilipino
Module 2: Mga CRT
Konseptong Pang wika

You might also like