Professional Documents
Culture Documents
Week 7 KP
Week 7 KP
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.
Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto upang
makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin
ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto.
Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa
gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung mayroong
mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.
Nilalaman ng Modyul
Pangalawang
Bahagi
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa
atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga
kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo
to! Handa ka na ba? Simulan mo na.
MODULE DESCRIPTOR:
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang
mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika. Makatutulong ito sa
iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan
1. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring kay kaugnayan sa pagunlad
ng Wikang Pambansa (F11WG – Ih – 86)
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.
2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-
alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.
3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.
5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka
ng hiwalay na sagutang papel o notbuk
A. TUKLASIN
https://www.google.com/search?q=kasaysayan+ng+wikang+pambansa+picture&sxsrf=ALeKk03iyzpYoQghToaqTEs33uVZoUJ
-6w:1591334252698&tbm=isch&source=iu&ictx=1& fir=li_tcl1y3BX7OM%253A%252CjoLzQMW7C3 6
Panuto: Basahin nang tahimik ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Habang nagbabasa, magtala
sa inyong notbuk ng mahahalagang impormasyon na inyong nakuha.
Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika at
wikain sa bansa. Bagama’t may pagkakaiba ang mga wika, malaki ang pagkakahawig nito sa isa’t
isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang wikang Austronesian. Matatagpuan mula
sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand sa timog; mula sa Eastern Island sa silangan
hanggang sa Madagascar sa kanluran , ang wikang Austronesian. Ang Tagalog na siyang batayan
ng wikang pambansa, ayon sa pag- aaral na ginawa noong 1934 ni Otto Dempwolff, ay kabilang sa
Indonesian subgroup ng Austronesian. Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito nang
magkaroon ng Kapulungang Pansaligang – batas sa hanagaring ito nang magkaroon ng
kapulungang Pansaligang- batas noong 1934.
Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang- batas bilang paghahanda sa itatatag
na Malasariling Pamahalaan (Commonwealth). Ang kapulungang ito ang umugit sa Saligang batas
ng 1935. Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang –batas na ito, inatasan ang Pambansang Asamblea
na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa
sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon, ang naging
masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming patunay na nabibilang sa Austronesian ang mga
wika sa Pilipinas. Ilan dito ang paggamit ng panghalip na panao tulad ng tayo at kami;mga
malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito ; sistemang berbal na may pokus at
aspekto ( hal. kumain , kumakain , kakain,kakakain) ; sintaks o palaugnayan ( ng pangungusap ),
kabilang ang paggamit ng pantukoy na ang at si ; pang-angkop na na at ng ( tunay na Pilipino ); (
matalinong pinuno ) sistemang numerikal na batay sa sistemang decimal; at mga leksikal o
palasalitaan.
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang pananakop
sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang
mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang wikang Espanyol, ang
mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng Monroe
2. Batas Komonwelt Blg. 570-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa
(Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.
5. Kautusang Pangkagawaran Blg.7 – ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng nooy kalihim
ng Kagawaran ng Edukasyonna si Jose E. Romero na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa
na Pilipino.
Gawain 1
Panuto: Balikan ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa sa bahaging TUKLASIN
MO at ang kaugnay na teksto sa bahagi namang BASAHIN MO. Batay sa
binasa, itala ang mga sanhi ng pagkakaroon ng wikang pambansa ang
1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa noong 1934 ni Otto
Dempwolff, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian.
2. Walang isang wikang pinaiiral noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring
dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Taglog sa mga pahayagang isinulat nila.
5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934, naging maliwanag ang
landas sa hangaring magkaroon ng wikang pambansa.
6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang naging masugid na
tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano ang batayan ng magiging wikang
pambansa, naging malinaw ang katayuan na magkakaroon nito.
8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano ang pagpapaunlad at patuloy na
paglinang sa iba pang wika sa PIlipinas.
9. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad ng Surian ng Wikang
Pambansa.
10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng pagkakaroon ng
wikang pambansa.
11. Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino.
13. Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o pagkakapangkat-
pangkat ng mga Pilipino.
14. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang
Tagalog bilang wikang pambansa.
15. Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika at wikain sa
bansa.
A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog
.Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. Kritikal na
pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela City:
Mutya Publishing House Inc. 2006.
Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc. 2006.
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng
pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000.
Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961. The personal promise
pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987. De Jesus, Armado F. Institutional research
capability and performance at the
Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga
idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman. 1999
B. Websites