You are on page 1of 20

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP

Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino

No. Of Hours 80 hours


Module Title Mga Barayti ng Wika

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 41
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto
upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga
Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng
bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin
ang mga sagot sa gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing
gawain. Kung mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng modyul.
Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na
kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad . Basahin
ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na
ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o tagapamahala.
Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay
na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang
makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang iyong
sariling pag-unlad.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 42
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na
nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong
pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 43
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

3 Mga Barayti ng • Heterogenous at Module


Wika Homoenous na 3.1
Wika

Module
 Barayti g wika
3.2

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 44
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.

Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa
atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.

Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong
mga kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo
to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 45
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Mga Barayti ng Wika

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng Barayti ng Wika

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang
mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika. Makatutulong ito sa
iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 46
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
Mga Layunin

Sa modyul na ito, gagabayan ka sa mga barayti ng wikang ginagamit sa lipunan.


Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod na
kasanayang pampagkatuto:
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika F11EP – Ic – 30
b. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M. A. K. Halliday) F11PT – Ic – 86

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 47
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng


yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa
paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman
sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa
sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.

2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang
mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.

3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4.Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung


paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit
ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 48
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
MODULE 3.1

Heterogenous at Homogenous na Wika

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

Sa araling ito, matutunghayan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-


ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Kaya
sa araling ito susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman sa wikang may pagkakaiba sa
orihinal o istandard na pinagmulan nito.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Issued by:
Kulturang Pilipino Page 49
Module 3 : Mga Barayti ng
wika CRT
ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sa
pagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti

Heterogeneous Na Wika

Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at


genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at
grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad,
lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti
ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang
mga idyolek at dayalektong uri ng wika.

Halimbawa: Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar
dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog
Laguna, Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng


pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.

Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling


kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang " gimmick" na nasa
wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon."
Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga
kaibigan."

https://brainly.ph

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 50
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
MODULE 3.2

Barayti ng Wika

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :


1. Nauunawaan ang pagkakaiba at gamit ng ma Barayti ng Wika

Barayti ng Wika

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong


makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang
pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa
pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang mga tao ng
isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang
bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng
lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat
isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.

IDYOLEK

Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong- magkapareho. Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang tao
na makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang
aspektong pangwika. Hal: Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro

SOSYOLEK

Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong


gumagamit ng wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat- pangkat
ang mga tao batay sa ilang katangian. Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek ang
pinakamahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa
Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 51
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutunan ang
sosyolek na ito.Hal: Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

ETNOLEK

Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo .Ang salitang etnolek ay


nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na
ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul = tumutukoy sa gamit ng
mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o saulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng
mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa(dalawa) sadshak
(kaligayahan), pershen (hawak). Hal: Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng
salitang credit card mula sa mga banyaga

PIDGIN

Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native


language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang
taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t
di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino “Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

CREOLE

Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito
hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan. Ito
ngayon ang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang
lugar. Hal: Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.45-51

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 52
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
Mungkahing Gawain 3.1
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titk
o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De


Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi,
Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang


malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo


bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa
wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at
hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a. Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa


mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi
pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
“Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 53
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang
babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,
essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa
harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot


at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang
nag-iba at naging pormal angb paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek
9. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya
sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang
vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit
nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa
kanyang programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 54
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
Gawain 3.2
Panuto : Unawain ang pahayag. Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan, maraming
tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin at babatiin? Isulat sa
patlang ang sasabihin.

Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo? _ .

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla? _.

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano?


_.

https://depositphotos.com/227450448/stock-illustration-girl-friends-have-a-hug.html

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 55
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan
ng iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?

2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo


ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 56
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
Gawain 3.3
Panuto: Bilang mag-aaral, pumili ng tatlong asignatura, at magtala ng mga salitang nasa ilalim ng
bawat isa. Suriin kung anong barayti ng wika ang ginamit? Ipaliwanag ang sagot sa
hiwalay na sagutang papel o notbuk.

Asignatura 1

Asignatura 2

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 57
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
Sanggunian:

A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng
pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. Kritikal
na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa
pananaliksik.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc.
2006.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253


Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining
ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
2000.
Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961. The personal
promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987. De Jesus, Armado F.
Institutional research capability and performance at the
University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in
private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.

Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa


pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP
Diliman. 1999

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 58
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.


http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2
Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.
http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph
http://atin-americanliterature.edu.ph
https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 59
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika
Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Issued by:
Kulturang Page 60
Pilipino CRT
Module 1: Ang Barayti
ng Wika

You might also like