You are on page 1of 15

CRT LEARNING MODULE

Course Code KPWKP

Course Title Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino

No. of hours 80 hours

Module Title Ang may Kakayahang Komunikatibo, Panalo

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 152
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang bawat mag-aaral sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa pagkatuto
upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto ay nakasaad sa mga
Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri sa mukhaing gawain pagkatapos ng
bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin
ang mga sagot sa gurong tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing
gawain. Kung mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung paano ayusin ang


pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang bawat isa sa pamamagitan ng modyul.
Nahahati ito sa mga seksyon, na sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na
kailangan upang makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga aktibidad . Basahin
ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain. Ang mga iminungkahing
sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga materyales na ibinigay sa modyul na
ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o tagapamahala.
Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga mahahalagang bagay
na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto mo ang mga gawain at mahalagang
makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 153
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang masubukan ang iyong
sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka online sa
pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga aktibidad na
nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na puna sa iyong
pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat elemento, hilingin sa gurong
tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 154
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

9 Ang may  Kakayahang 9.1


Kakayahang Lingguwistiko
Komunikatibo,
Panalo!

Panimulang Ideya

Makapangyarihan ang wika at may angking natatanging kapangyarihan ang


estudyanteng nakaaalam Kung panno gamitin ang wika upang matamo ang
kaniyang layuning pangkomunikasyon. Kaya’t alamin ang iba’t ibnag kakayahan sa paggamit ng
wika- sosyolingguwistiko, pragmatiko, lingguwistiko, at diskorsal. Hayaang maging gabay ang mga
kakayahang ito tungo sa matagumpay na komunikasyon.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 155
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Ang may kakayahang komunikatibo, Panalo !

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pag-unawa at ilang halimabawa ng kakayang
Lingguwistiko.

Mga Layunin

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 156
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
kasanayang pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko,
 Natutukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at
 Nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng


yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa
paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman
sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang
mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa
sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 157
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.

2.Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang
mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.

3.Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4.Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung


paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5.Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit
ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 158
Kakayahang Komunikatibo,
Panalo! CRT
MODULE 9.1

Kakayahang Lingguwistiko

GAOD-KAISIPAN

Kakayahang Lingguwistiko : Panngunhaing Sangkap sa Pagkatuto ng Wika


Simula sa unang baiting sa paaralan, hinahasa na ang mga mag-aaral sa iba’t
ibang pagsasanay sa gramatika tungo sa pagbubuo ng mahuhusay na pangungusap,
talata, at pahayag. Ang ganitong mga aralin ay bahagi ng paglilinang sa kakayahang
lingguwistiko ng isang tao.

Ano ang kakayahang Lingguwistiko ?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo


at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga
lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na
kakayahang komunikatibo ,na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na
paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes
1972 ).

Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang


lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil
sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng
wika. Pumapaloob dito ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin ang tunog o mga tunog
at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng lingguwistikong pagtatanghal ( linguistic
performance ) o ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.

Hindi maipaghahalintulad ang kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong


pagtatanghal dahil sa dul ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal.
Halimbawa, ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati ay
hindi masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay
dlot ng kaniyang kaba na maituturing na sagabal sa kaniyang lingguwistikong

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 169
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
pagtatanghal. Kinakailangang sanayin ng isang tao ang kaniyang kaakayahang
komunikatibo upang mapaimbabawan ang mga sagabal na ito na nagsisilbing puwang
sa kaniyang pag-unawa at aksiyon.

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin


ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang
balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco ( 2003) ang sampung bahagi ng
pananalitaa sa makabagong gramatika na napapangkat sa sumusunod:

A. Mga Salitang Pangnilalaman :

1. Mga nominal :

a. Pangalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,


katangian, pangyayri, at iba pa.

b. Panghalip - pamalit o panghalilii sa pangngalan.

2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.

3. Mga Panuring :

a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghaalip

b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at


kapuwa pang-abay.

B. Mga Salitang Pangkayarian :

1. Mga Pang-ugnya

a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay


( halimbawa at, pati, ni, subalit, ngunit )

b. Pang-angkop- katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan


(halimbawa na,-ng )
Document No. 001-2020
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 170
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
c. Pang –ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
( halimabwa sa, ng )

2. Mga Pananda

a. Pantukoy – salitang laging nangungunna sa pangngalan o panghalip


(halimbawa si, ang , ang mga )

b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simuno at


panaguri (halimbawa ay )

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang


wastong palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang
gabay sa ortograpiya ( 1976, 1987, 2002, 2009 ), inilathala ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa.

A. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa


tunog –Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol. Ibig
sabihin , isa-isang binibigkas sa maayos na pagkasunod-sunod ang mga titik
na bumbuo sa isang salita, pantig,daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-
agham, at iba pa.

Pasulat Pasalita

it /ay-ti/

Pantig pag /pi-ey-dyi/

kon /key-o-en/

trans /ti-ar-ey-en-es/

Pasulat Pasalita

bansa /bi-ey-en-es-ey/

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 171
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Salita plato /pi-el-ey-ti-o/

Fajilan /kapital ef-ey-dyey-ay-


el-ey-en/

Jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-


di/

Pasulat Pasalita

MWSS /kapital em-kapital


dobolyu-kapital es-
Akronim (Metropolitan Waterworks
kapital-es/
and Sewerage System)

ASEAN ( Association of /kapital ey-kapital-es-


Southeast Asian Nations ) kapital-i-kapital-ey-
kapital-en/

PAG-ASA( Philippine /kapital pi-kapital ey-


atmospheric, Geophysical, kapital dyi-kapital ey-
and Astronomcal Services kapital es-kapital ey /
administration

HIV ( Human /kapital eyts- kapital ay-


Immunodeficiency Virus kapital vi/

Pasulat Pasalita

Bb. /kapital bi-bi tuldok/

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 172
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Daglat G. /kapital dyi tuldok/

Gng. /kapital dyi-en-dyi


tuldok/

Dr. /kapital di-ar tuldok/

Pasulat Pasalita

MLQ ( Manuel L. Quezon /kapital em-kapitalel-


) kapital kyu/
Inisyal
TKO (Technical Knockout /kapital ti-kapital key-
) kapital o/

KKK ( Kataas-taasang /kapital key-kapital key-


Kagalang-galangang kapital key/
katipunan )

MRT ( Metro Rail /kapital em- kapital ar-


Transit ) kapital ti/

Pasulat Pasalita

Fe (iron) /kapital ef-i/

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 173
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Simbolong
Pang-agham/Pangmatema
kg. (kilogram ) /key-dyi tuldok/
tika
H2O /kapital eyts-tu-kapital
o/

V( velocity ) /kapital vi/

B. Pasulat na Pagbaybay

Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikuar sa


paggamit ng walong dagdag na titik ( c,f,j,Ñ,q,v,x,z) sa :

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula


sa mgaa katutubong wika sa Pilipinas.

Halimbawa:

Palavvun (ibanag) bugtong

Kazzing (itawes) kambing

Jambangan (tausog) halaman

Safot (ibaloy) sapot ng gagamba

Masjid (tausug, Meranaw) gusaling sambahan ng mga muslim.

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumalaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi
na saklaw ng panuntunang ito.

Halimbawa:

selfie digital detox

3. Mga pangangalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang


siyentipiko at teknikal , at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 174
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Halimbawa :

Jason zeitgeist cauliflower

Mexico quorum bouquet

Nueva Vizcaya valence flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa 1. Pagpapalit


ng D tungo sa R , 2. Paggamit ng “ng” at “nang”, 3. Wastong gamit ng gitling, na
kadalasang ipinagmamalaki sa pagsulat.

1. Sa Kaso ng din/rin, daw/raw, nag D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan


nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y.

Halimbawa : malaya rin, mababaw raw.

Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita .

Halimabawa aalis din, malalim daw.

2. May limang tiyak na paggamit ng nang :

a. Bilang kasingkahulugan ng noong halimbawa: Nang dumating ang mga


Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.

b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para halimabawa : “ikinulong ni Ana


ang aso nang hindi na ito makakagat pa.

c. Katumbas ng pinagsamang na at ng halimabawa: Malapit nang makauwi


ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.

d. Pagtukoy sa pang-abay sa pamaraan at pang-abay na panggaano


halimbawa : Iniabot nang palihim ni carl ang liham kay Christine. Tumaas
nang sobra ang presyo ng langis.

e. Bilang pang angkop ng inuulit na salita halimabawa” Pabilis nang pabilis ang
ikot ng elisi ng eroplano.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 175
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakaataon ay kailangang gamitin ang ng.

3. Wastong Gamit ng Gitling (-)

a. Sa inuulit na salita, ganap man o hindi. Halimbawa araw-araw, gabi-gabi,


para-paraan

b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya . halimabawa tik-tak, brum-brum

c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig . halimbawa pag-aaral, mag-asawa

d. Sa paghihiwalay sa sinusundnag pangngalang pantangi. Halimbawa pa-


Marikina, maka-Pilipino.

Document No. 001-2020


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Issued by:
Module 9: Ang may Page 176
Kakayahang
Komunikatibo, Panalo! CRT

You might also like