Professional Documents
Culture Documents
Learning Module (PAGBASA Week 9) Mariz Sotto
Learning Module (PAGBASA Week 9) Mariz Sotto
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.
MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman patungkol sa pagsulat sa iba’t
ibang disiplina.
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang
kaugnay ng Akademikong Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong
kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino kung saan
bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang Filipino.
Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa
na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk
Learning Objective: Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng maka-Pilipinong pananaliksik;
b. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng pananaliksik;
c. Natutukoy nag halaga ng pananaliksik sa tatahaking disiplina;
d. Naipapaliwanag ang halaga ng pananaliksik sa sariling larangan;
e. Nakapagsusuri at naipapaliwanag ang iba’t-ibang halimbawa ng
maka-Pilipinong pananaliksik; at
f. Nakasusulat ng konseptong papel hinggil sa isang paksa ng maka-
Pilipinong pananaliksik.
LUSONG-KAALAMAN
Kasabay nf pangkalahatang implementasyon ng kurikulum na k-12 ay
buong-buo na ring maaaprektuhan ang General Education Curriculum (GEC)
sa kolehiyo. Sa bagong GEC, na nakasaan sa CHED Memorandum Order 20
series 2013 tuluyan nang naalis ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ang
pagbabago ng estruktura ng kurikulum ay lubos na maaapektuhan sa
kabuuang latag at pag-unlad ng Filipino bilang isang disiplina.
Palalimin mo pa ang pagkaunawa sa isyung ito sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan. Kapag naunawaan mo na, matalino mong hulaan kung
ano sa tingin moa ng hinaharap ng pananaliksik sa Filipino sa pagbabago ng
kurikulum. Sampung taon mula ngayon, sa tingin mob a ay uunlad o aatras
ang pananaliksik sa Filipino? Pangatuwiranan ang iyong sagot at isulat sa
kahon ang buong tugon.
3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik.
Sanggunian:
http://www.literacyideas.com/procedural-texts/
RBS Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto