You are on page 1of 11

CRT LEARNING MODULE

Course Code GE111


Course Title Dalumat ng/sa Filipino
Units 3
Module Title Pagdadalumat sa Filipino

College for Research & Technology of Cabanatuan

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 1
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

DALUMAT NG/SA FILIPINO

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 2
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code


10 Pagdadalumat  Pagbasa at Module
sa Filipino Pagsulat sa 10.1
Dalumat Filipino

MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Pagdadalumat sa Filipino

MODULE DESCRIPTOR:

Ang modyul na ito ay mahahasa ang kanilang kasanayan sa


pagbuo ng isang dalumat o artikuli na maaaring makapag-ambag sa
pangangailangan ng lipunan.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 3
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Number of Hours:
3 hours

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malinang ang kasanayang pagbasa ng mga reperensya o mga
dalumat at ang kasanayang pagsulat sa pagbuo ng isang output.

Contents:

1. Pagbasa at Pagsulat sa Dalumat Filipino


Conditions

Ang mga mag-aaral at gurong tagapangasiwa ay magkaroon ng:

1. Paper
2. Pencil
3. Learning Materials
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 4
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Assessment Method:

1. Pasulat na Pagsusulit
2. Obserbasyon

Gabay sa Pag-aaral
1. Gamit ang VSMART/EDMODO app sa inyong phone o website sa inyong laptop,
iclick ang klase ng DALUMAT NG/SA FILIPINO.
2. Iclick sa FOLDERS section (on menu bar)
3. Iclick ang folder ng MODYUL 10 Pagdadalumat sa Filipino. Digitized Modules,
Task Sheets and Job Sheets ay abeylabol sa mga folder.
4. Lahat ng Mungkahing Gawain ay nakalagay sa folder ng MY ACTIVITIES.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 5
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Learning Outcome #1 Malinang ang kasanayang pagbasa ng
mga reperensya o mga dalumat at ang kasanayang pagsulat sa
pagbuo ng isang output.
Learning Activities Special Instructions

1. Basahin ang Modyul No. 10.1 Ang Modyul 10 nay naglalaman ng:
(Pagbasa at Pagsulat sa Pagdadalumat sa Filipino sa folder ng VSMART/
Pagdadalumat Filipino) EDMODO (Module 10.1)

2.Sagutin ang Mungkahing Gawain Ang mga mungkahing Gawain ay abeylabol sa


10.1 mga folder ng MUNGKAHING GAWAIN. Lahat
ng resulta ay abeylabol matapos iclick ang
SUBMIT .

MODULE 10.1

Pagbasa at Pagsulat sa Pagdadalumat Filipino

Sa Pagtatapos ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin:
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 6
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
1. Makapagbasa ng mga artikulo o dalumat-Filipino,
2. Makapagbuo ng isang kaisipan o teorya sa paraang pagsulat bg
isang katha o artikulo base sa kanilang nabasang sanggunian o
referensya.

Pagpapahalagang Moral
‘be more, read more ’- Lord Chesterfield
‘kapag tumigil sa pagsulat ang isang tai, tumigil na rin siya sa pag-iisip ’

Basahin ang mga sumusunod na Kontekstong Filipino bilang batayang


pagdadalumat:
 Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo:
Adbokasing Pangwika at Sosyalistang programa sa Nobelang
Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
 Ang Pilosopiya ni Pierre Bourdieu bilang batayang Teoretikal
sa Arling Pilipino( F.P.A Demetrio III and Leslie Anne L.
Liwanag )
Halimbawa ng Babasahin sa Kontekstong Filipino
Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang
Lungsod at Katwirang Lalawigan
Noel L. Clemente
Karamihan, kung hindi man lahat, ng mga lungsod sa kasaysayan
ng mundo ay naitaguyod bilang sentro ng kalakalan. Dahil may labis na
likas-yaman at produktong hindi kailangang gugulin agad-agad,
iniimpok ito, at ikinakalakal, at nagkakaroon ng kita, na kailangang
tipunin sa isang kabisera: ang lungsod. Kaya naman, maraming
sosyologo ang gumuguhit ng pagkakaiba ng lungsod at lalawigan sa
ekonomikong batayan. Subalit maaari rin nating pagtambisin ang
lungsod at lalawigan batay sa epistemolohikong perspektiba. Hindi natin
maikakailang malaki ang pagkakaiba ng uri ng pangangatwiran ng mga

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 7
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
tagalungsod at tagalalawigan. Kung tatanawin natin ang kalagayan ng
mga lungsod ng Filipinas sa ganitong pananaw, matutuklasan nating
edukasyon ang siyang namamamagitan sa dalawang magkaibang
katwiran.

Ang Lungsod at Lalawigan bílang Magkaibang Katwiran


Katwiran bilang Balangkas ng Pag-unawa
Karaniwang ginagamit ang salitang “katwiran” bílang paliwanag ng
isang bagay. Halimbawa, hinihingan ng mga guro ng katwiran ang mga
mag-aaral na lumiliban sa klase. Mas halata ang ganitong gamit ng
katwiran sa mga araling pang-akademiko: grabedad, halimbawa, ang
katwiran ng pagkahulog ng anumang bagay sa lupa matapos bitiwan sa
ere. Kadalasan, iniuuwi sa agham at matematika ang mga
“makatwirang” pahayag: makatwiran ang anumang maipapaliwanag ng
pag-eeksperimento at pagbibiláng. Samantala, hindi itinuturing na
makatwiran ang mga pamahiin at mga relihiyon, dahil wala silang
siyentipikong batayan.
Higit na malawak ang saklaw ng “katwiran” na gagamitin ko sa
papel na ito. Ayon kay Agustin Rodriguez, ang katwiran ang siyang
“nagbabalangkas ng ating praktikal at teoretikal na pag-unawa sa
mundo, sa ating pagkilala ng mabuti sa nararapat.”2 Dalawang antas
ang inilawak ng ganitong depinisyon sa palasak na pag-unawa natin sa
“katwiran” na ipinaliwanag ko sa nakaraang talata. Una, hindi lámang
yaong mga siyentipikal at matematikal ang maituturing na makatwiran.
Totoo namang makatwiran ang agham at matematika, ngunit
kailangang igiit na makatwiran lámang ito para sa mga táong
nakauunawa at nag-iisip sa ganitong balangkas. At natural ding ituturing
nilang hindi makatwiran yaong mga hindi sumasang-ayon sa kanilang
katwiran. Ngunit sa teoriya ni Rodriguez, hindi lang agham at
matematika ang makatwiran. Tingnan natin, bilang halimbawa, ang mga
pamahiin ng mga katutubong Filipino. Dahil naniniwala sila sa iba’t ibang
espirito at diyos, ipinapaliwanag nila ang kanilang mga karanasan batay
sa mga diyos na ito. Sa gayon, ang kanilang relihiyon ang kanilang
katwiran. Kung may nagkasakít na bata.
Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 8
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
Halimbawa, naniniwala silang may nagambala o napinsala silang
espiritu, at bilang parusa, isinumpa ng espiritu ang katawan ng bata.
Ganito nila inuunawa ang mga karamdaman. Hindi natin sila masisisi,
dahil wala pa naman silang kaalaman sa mga bacteria at virus, at ang
tanging batayan ng mga hindi nila maipaliwanag ay ang sobrenatural.
Ang ikalawang antas ng paglawak: hindi lamang intelektuwal o
teoretikal ang saklaw ng “katwiran” ayon sa gamit ni Rodriguez;
kabilang dito ang praktikal na dimensiyon. Kaya naman, mahalagang
aspekto ng katwiran ang sistema ng pagpapahalaga ng mga tao.
Ginagabayan ng balangkas ng pagpapaliwanag ng tao sa kaniyang
kapaligiran ang kaniyang
pagpapasiya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Dagdag sa
halimbawa ko sa nakaraang talata, dahil nga ipinapaliwanag nila ang
karamdaman bilang kaparusahan ng espiritung nagambala, nagbibigay
sila ng alay para sa espiritu bílang kabayaran sa kanilang paggambala
rito. Kung tatanggapin ng espiritu ang alay, naniniwala silang babawiin
niya ang sumpa
sa katawan ng bata, na ikagagaling nito. Bago ako tumungo sa
paglalarawan ng katwiran ng mga tagalungsod at ng mga tagalalawigan,
nais kong banggitin ang isa pang mahalagang punto: isinisilang tayo sa
isang katwiran; hindi natin ito pinipili.
Sasabihin ni Martin Heidegger: itinapon tayo sa isang katwiran.
Ipinanganak tayong kabilang sa isang kultura na may nakatatag nang
katwiran, at minamana natin ang ganitong katwiran. At sapagkat
nasanay tayong tanawin ang mundo at ating mga karanasan sa ating
katwiran, hindi natin naiisip na may umiiral na ibang katwiran. Minsan,
masaklap ngang kapag
tiningnan na natin ang ibang katwiran, itinuturing natin silang mali, o
mas mababa kaysa ating katwiran.
Bilang paglalagom, gagamitin ko ang “katwiran” sa papel na ito
bilang balangkas ng teoretikal at praktikal na pag-unawa ng isang tao sa
mundo. Itinatapon ang tao sa kaniyang katwiran, at sapagkat parati
niyang tinitingnan ang katalagahan ayon sa kaniyang katwiran,

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 9
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
nakakaligtaan niyang may umiiral na ibang katwiran, at kung
makatagpo man siya ng ibang katwiran, madalas, itinuturing niya itong
depektibo, kung hindi man mali.

EDUKASYON BILANG TAGPUAN


Dalawang Magkaibang Katwiran ng Lungsod at Lalawigan
Mas madaling mauunawaan ang “katwiran” ni Rodriguez sa mga
kongketong halimbawa. Sa kaniyang pagpapaliwanag, nagbigay siya ng
dalawang magkasalungat na katwiran na maaari nating ihalintulad
mamaya sa katwirang lungsod at katwirang lalawigan.Malaki ang
pagpapahalaga ng mga táong relihiyoso sa kabanalan. Naniniwala silang
may (mga) umiiral na higit sa kanila, na mas makapangyarihan at mas
tumatagal kaysa mga mortal. Iginagalang nila ang mga puwersang ito,
kaya naman naniniwala siláng hindi tao ang nagtatakda ng kahulugan at
katalagahan. Samantala, mataas naman ang tingin ng mga taong
sekular sa sangkatauhan. Para sa kanila, tao, at hindi mga diyos, anito,
at espirito, ang siyang nagdidikta ng kahulugan. Naniniwala silang
malaya ang tao na manipulahin ang kalikasan at panahon ayon sa
kaniyang pagpapasiya ng ano ang mahalaga.Siyempre, hindi naman
natin maiuuwi ang katwirang lungsod sa katwirang sekular, at ang
katwirang lalawigan sa katwirang relihiyoso; mas malalim ang
pagkakaiba sa pananaw sa kalawakan. Ngunit maaari nating simulan
ang pagguhit ng dalawang katwiran sa halimbawang ito ni
Rodriguez.Simulan natin sa katwirang lungsod. Bílang mga nakatira sa
sentro ng kalakalan, at sa gayon sa sentro ng paggawa at pananalapi,
may kaya ang karaniwang tagalungsod. Minsan, higit pa sa may káya,
maunlad ang kaniyang katayuan sa búhay. Dahil dito sa kakayahan
niyang kumita ng pera at sa karanasan ng maginhawang buhay, malaki
ang pagpapahalaga niya sa mga materyal na bagay. Kaya naman,
palasak sa lungsod ang kaisipang kumikiling sa kung ano ang
mapagkakakitaan. Ito ang dahilan kung bakit sikát at kaakit-akit sa
lungsod ang pagiging maalam sa pananalapi, sa medisina, o sa
abogasya. Nakatuon sila sa pagkakaroon ng sapat na yaman, hindi lang

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 10
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit
upang mabuhay, kundi para maging “komportable” ang búhay: may
sariling tirahan, kotse, at iba pang ari-arian.
Samakatwid, maiuugnay natin ang katwirang sekular sa mga
tagalalawigan: Sapagkat hahamak sila upang kumita, naniniwala silang
tao-sila-ang may kapangyarihan sa mundo.Kasalungat nito ang
katwirang lalawigan. Malayo sa kasukdulan ng impluwensiya ng ating
mga mananakop, napanatili ng karamihan sa ating mga tagalalawigan
ang kanilang mga katutubong tradisyon. Sa gayon, maipagpapalagay
nating makakalikasan at relihiyoso ang karaniwang tagalalawigan.
Marami sa kanila ang tradisyonal na magsasaka o mangingisda, kaya
malaki ang pagpapahalaga nila sa lupa at karagatan. Payak ang kanilang
materyal na búhay, at hindi sila nakikipagkumpetensiya sa mga ari-
arian. Ginagalang din nila ang kanilang diyos at mga ninuno, at hitik ang
kanilang kultura sa mga pamahiin.
Samakatwid, sa isang simplistikong pananaw, maaari nating
sabihing materyalistiko at indibidwalistiko ang katwirang lungsod,
samantalang relihiyoso at kolektibo ang katwirang lalawigan. Sa
ganitong perspektiba, maaaring may mga naninirahan sa lungsod na
may katwirang lalawigan (e.g., mga iskwater na namumuhay malapít sa
mga pamilya at kamag-anak at kumakapit pa rin sa mga katutubong
paniniwala at tradisyon) o mga tagalalawigang may katwirang lungsod
(e.g., mga hacienderong nagpapasiya batay sa materyal na
pagsasaalang-alang). Sa gayon, napagtatambis natin, hindi kung sino
ang tagalungsod at tagalalawigan, kundi sino ang isip-lungsod at isip-
lalawigan.Hindi ko hahamaking magbigay ng komprehensibong
paglalarawan ng katwirang lungsod at katwirang lalawigan sa papel na
ito. Sapat nang makita nating may umiiral na dalawang magkaibang
katwiran na humahati sa kinikilala nating lungsod at lalawigan.
Mungkahing Gawain 10.1
Panuto : Bumuo ng isang Artikulo na naglalahad ng inyong sariling
kaisipan at pag-unawa base sa napili mong babasahin. Maaring salungat
o kampi ang iyong kaisipan at gumamit ng mga dagdag na refeensya
upang mas mapatibay pa ang iyong isasagawang pagsulat ng artikulo.

Date Developed:
Document No. 001-2020
July 1, 2020
Educational
Date Revised:
Technology 2 Issued by:
July 16, 2020
Module 1: ICT Policies Page 11
Developed by:
and Education CRT
Rainier Dale V. Sulit

You might also like