You are on page 1of 12

CRT LEARNING MODULE

Course Code FILIPINO

Course Title PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T-IBANG


TESKTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Units 3

Module Title Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang


Katuwiran

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 1
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
Document No. 001-2020
Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 2
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 3
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang teksto
tungo sa Pananaliksik
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

1 IBA’T-IBANG URI Aralin 1: Modyul 8.1


NG TEKSTO Tekstong Prosidyural

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 4
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman patungkol sa pagsulat sa iba’t
ibang disiplina.

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang
kaugnay ng Akademikong Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong
kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino kung saan
bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang Filipino.
Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 5
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating


kaalaman.

2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa
na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at


kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 6
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
MODYUL 8.1

TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA HAKBANG

Learning Objective: Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Natatalakay ang proseso sa paghahanda ng tekstong prosidyural;
b. Naipapaliwanag ang mga uri ng tekstong prosidyural;
c. Nakapagkikritik ng isang tekstong prosidyural;
d. Nakapagsasagawa ng mga hakbang na tinalakay sa isang tekstong
prosidyural;
e. Nakapaglilinaw sa mga elemento, proseso, at pormat ng tekstong
prosidyural; at
f. Nakagagawa ng presentasyon o video batay sa isang tekstong
prosidyural.

LUSONG-KAALAMAN
Ano ang paborito mong ulam o pagkain? Nakikita mo ba ang nanay mo
kung paano niya ihanda ito? Kung hindi mo alam kung paano ito iluto,
humanap ng video sa internet na magpapakita sa iyo kung ano ang mga
hakbang sa pagluluto nito. Itala sa ibaba ang mga prosidyur.

1.

2.

3.

4.

5.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 7
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
GAOD-KAISIPAN

TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA HAKBANG

May mga gawain tayong ginagawa na kailangan ng gabay para maisagawa ng


maayos. Kung walang mga hakbang, maaring maging masama ang kalabasan
ng ating mga proyektong gagawin. Dito papasok ang tinatawag nating
“Tekstong Prosidyural”. Halina’t alamin ang gamit ng tekstong prosidyural at
matutong gumawa ng sarili mong prosidyur!

Ano ang Tekstong Prosidyural


Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng
impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito,
pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong
sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay
magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang isang
gawain.

Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural


1. Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong
Prosidyural. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano
magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang
pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng
mga larawan.
2. Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa
kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay.
3. Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga
manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin.
4. Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at
patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may
kuryente tulad ng computers, machines at appliances
5. Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng
bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng
eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa
madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng
magsasagawa ng gawain.
6. Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw
na direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating
ginagabayan.
Document No. 001-2020
Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 8
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano gumawa ng silya
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano maggawa ng DIY explosion box
7. Paano maghanda ng chicken buffet

Halimbawa: Pagluluto ng Egg Souffle.

1. Una, kumuha ng dalwang bowl na pwede pag lagyan ng itlog.


2. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
3. Ika tatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
4. Ang puti ay i lagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
5. Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin
hanggang magging -“whipped cream” like ang mukha nito.
6. Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
7. Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
8. Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
9. I lagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
10. Hintaying maluto.

Ilan lamang iyan sa napakadaming halimbawa ng tekstong prosidyural.


Madami ka pang makikitang halimbawa sa internet, manwal, at mga libro ng
prosidyur.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 9
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito
ay ang mga sumusunod:

Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin


nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging
sumasagot sa tanong na “Paano”.
Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat
gamitin para maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista
ang lahat ng sangkap upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok
sa iluluto.
Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod
ng prosidyur.
Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay
nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.

Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural


1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong
bagay ang gagawin o isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga
ang seksyon upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan
din ng pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga
bagay na mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural


Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng
detalyadong deskriptyon.
Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
Ilista ang lahat ng gagamitin
Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third
person point of view)

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 10
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
MUNGKAHING-GAWAIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin.

Ano-ano ang iba’t-ibang halimbawa ng tekstong prosidyural?

Ano ang mga layunin ng tekstong prosidyural?

Ano-ano ang nilalaman ng tekstong prosidyural? Ipaliwanag ang bawat


isa.

Ano-ano ang katangian ng wikang dapat gamitin sa isang tekstong


prosidyural?

Bakit mahalaga sa pag-aaral at pagtatrabaho ang pag-unawa sa mga


tekstong prosidyural? Ipaliwanag.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 11
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang
Mungkahing-Gawain

Isulat ang T kung wasto ang kaisipan ng sumusunod na pahayag at M kung


hindi. Kung M ang sagot, ipaliwanag sa patlang sa ibaba kung bakit hindi
wasto ang pahayag.

___1. Mahalaga ang mahusay na pagbibigay ng deskripsiyon at narasyon sa


paggawa ng tekstong prosidyural.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

___2. Ang protocol ay naglalaman ng mga bagay kung paanong isasagawa


ang isang bagay at kailangang may pagkakasunod-sunod.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

___3. Ang gamit ng wika ay nakabatay sa kung anong larangan kabilang ang
teksto. Kung sa siyensa at medisina, hindi maiiwasan ang paggamit ng
mabigat na wika.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

___4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa


komprehensiyon ng mga tekstong prosidyural.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

___5. Mahalaga ang mahusay na pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga


bahagi ng tesktong prosidyural.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Sanggunian:
http://www.literacyideas.com/procedural-texts/
RBS Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
Issued by:
sa Pananaliksik Page 12
Modyul 8: Tekstong Developed by:
CRT
Prosidyural: Alamin ang Mariz C. Sotto
mga Hakbang

You might also like