You are on page 1of 12

CRT LEARNING MODULE

Course Code FILIPINO

Course Title PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T-IBANG


TESKTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Units 3

Module Title Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang


Katuwiran

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 1
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 2
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 3
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang teksto
tungo sa Pananaliksik
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

1 IBA’T-IBANG URI Aralin 1:


NG TEKSTO Tekstong Argumentatibo Modyul 7.1

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 4
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman patungkol sa pagsulat sa iba’t
ibang disiplina.

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang
kaugnay ng Akademikong Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong
kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino kung saan
bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang Filipino.
Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 5
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating


kaalaman.

2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa
na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at


kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 6
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
MODYUL 7.1

TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG KATUWIRAN

Learning Objective: Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong argumentatibo;
b. Natatalakay ang mga estratehiya ng mabisang argumento;
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mabisang argumento mula sa
mga clipping ng artikulo, lathalain, at iba pa.
d. Nakagagawa ng sariling obserbasyon kaugnay ng binasang tekstong
argumentatibo;
e. Nakabubuo ng isang advocacy page sa isang social media site tungkol
sa pinaniniwalaang isyu; at
f. Nakapaglalatag ng mahahalagang argumento tungkol sa isang isyu at
maisaayos ang mga argumento sa lohikal, masinop, at makabuluhang
paraan.

BALIK-TANAW
Alalahanin ang isang pagkakataon kung kailan kinakailangan mong
magbigay ng sariling argumento tungkol sa isang usapin. Ibigay ang nagging
paksa ng usapin. Ibigay ang nagging paksa ng usapin at kung ang nagging
posisyon at argumento mo hinggil dito.

Paksa ng Usapin: _______________________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 7
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
Magbigay ng repleksiyon sa isinaad ni William Faulkner tungkol sa halaga ng
paninindigan sa gitna ng kawalan ng katarungan. Sumang-ayon ka ba sa
sinabi niya?

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para


sa katapatan at katotohanan laban sa kawalan
ng hustisya, kasinungalingan, at kasakiman.
Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa
nito, magbabago ang mundo.”

- William Faulkner

LUSONG-KAALAMAN
Sa patalastas ay isang paraan ng panghihikayat sa mga mamimili upang
tangkilikin ang isang partikular na produkto o serbisyo. May mga pagsulat na
patalastas tulad ng Flyers o posters. Ang iba naman ay napapanon sa
telebisyon o napakikinabangan sa radio.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 8
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
GAOD-KAISIPAN

TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG KATUWIRAN

Lahat ng tao ay gumagamit ng


iba’-ibang porma ng
argumentasyon sa iba’t-ibang
pagkakataon. Madalas, maging
ang mga simpleng setiwasyon ay
nangangailangan ng mahusay na
pangangatuwiran gaya ng
paghingi ng permiso sa mga
magulang, panghihiram ng gamit
sa kapatid, pamimili ng paksa o
konsepto sa mga gawaing
panggrupo sa klase, o kaya ay
paghingi ng pangalawang pagkakataon sa iniibig. Bagama’t hindi pormal ang
estilo ng argumentasyon sa mga nabanggit na pagkakataon, ang mga
estratehiyang ito sa pangangatuwiran ang batayan ng mga tekstong
argumentatibo.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang
ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin
gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literature at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirical na
pananaliksik. Ang empirical na pananaliksik ay tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey, at
ekspermentasyon.
Nangangailangn ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli
ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan o punta de bista at nakapipili
ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensya. Kailangang may
malinaw na tesis at ginagabayan ng lohikal na pangangatuwiran ang tekstong
argumentatibo, kahit pa ang pangunahing layunin nito ay ipahayag ang
opinyon ng manunulat sa isang tiyak na isyu.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 9
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
Mga Elemento ng Pangangatuwiran

Ang dalawang element ng pangangatuwiran ay proposisyon at argumento.


Ayon kay Melanie L. Abad (2004) sa “Linangin: Wika at PAnitikan”, ang
proposisyon ay ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-usapan.
Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng
dalawang panig. Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito
itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang
panig. Narito ang mga halimbawa ng proposisyon.
 Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban
sa kababaihan.
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa.
 Mas epektibo san pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual
education kaysa sa bilingual education.

Ang unang halimbawa ng proposisyon ay tungkol sa pagiging epeketibo ng


pagpapatupad ng isang polisiya. Ang ikalawa naman ay tungkol sa paniniwala
sa isang bagay at epekto nito sa tinutukoy na phenomenon, at ang ikatlo ay
paghahambing kung ano ang mas mabuti o hindi.
Ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran ay argumento. Ito ang
paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang
isang panig. Kinakailangan na ng mas malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 10
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
 Mahalaga at napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t-ibang
napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
Makatutulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit hindi ito sapat.
Kailangan mo ring pag-sisipan kung ano ang makatuwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.
 Maikli ngunit nalalaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa
unang talata ng teksto
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa
sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin
sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit
kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng
teksto
Transisyon ang magpakatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang
lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang
mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo
ang kabuuang teksto sa layunin nito.
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng
mga ebidensya ng argumento
Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisnag pangkalahatang
ideay lamang. Ito ang magbibigay-linaw at direksyon sa buong teksto.
Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng bawat talata upang maging mas
madaling maunawaan ng mambabasa.
 Matibay na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay nangangailan ng detalyado, tumpak at
napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa
kabuuang tesis.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 11
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran
MUNGKAHING-GAWAIN

Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailan ng iyong


pangangatuwiran. Tiyaking malinaw ang proposisyon at ang iyong mga
argumento. Isulat sa ibaba ang iyong karansan sa bawat sitwasyon.

Pamilya -

Barkada -

Paaralan -

Komunidad -

Reference:
RBS Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 6: Tekstong Page 12
Developed by:
Argumentatibo: CRT
Mariz C. Sotto
Ipaglaban ang
Katuwiran

You might also like