You are on page 1of 41

GEED 10113 Pagsasalin sa Kontekstong Filipino

Mga Teorya
at Metodo
sa Pagsasalin
01
02
Dulog sa Kontemporaryong
Teorya sa Pagsasalin

Nilalaman Teorya ng Pagsasalin

03 batay kay Enriquez

Ang Dynamic at Formal


Equivalence ni Nida
04
Anyo ng Pagsasalin

05
batay kay Jakobson

Dulog sa Pagsasalin batay


kay Newmark 06
Pamamaraan ng Pagsasalin
01
Dulog sa Kontemporaryong
Teorya ng Pagsasalin
Mathieu
1 Sosyolingguwistikong Dulog
Batay sa dulog (approach) na ito, ang kontekstong panlipunan ang
nagtatakda kung ano at hindi kasalin-salin, at kung ano at hindi
katanggap-tanggap sa pamamagitan ng pagpili- pagsasala at kahit
sa pagsusuri nito.

2 Komunikatibong Dulog
Tumutukoy ang paniniwalang ito sa pagpapakahulgan. Sa mga
mananaliksik tulad nina D. Seleskovitch at M. Lederer tinatawag
nila itong ―teorya ng pandama, pangunahing nakatuntong sa
karanasan ang usapin sa pagbibigay kahulugan.
3 Hermenutikong Dulog
Pangunahing nakabatay ang dulog na ito sa gawa ni George Steiner, na
naniniwalang ang bawat pakikipag-ugnayan ng tao ay isang pagsasalin.
Sa kanyang aklat na After Babel, ipinaliwanag nya na ang pagsasalin ay
hindi agham kundi ang ―tumpak na sining: ang tunay na tagasalin ay
dapat na may kakayanang maging manunulat upang magagap nya kung
ano ang sinasabi ng may-akda (awtor) sa orihinal na teksto.

4 Lingguwistikong Dulog
Nakakiling ang dulog na ito sa tekstong wika, istrukturalismo at
pragmatiks, at pagtasa sa proseso ng pagsasalin. Sa paniniwalang
ito, anumang pagsasalin (mapamedikal, legal at iba pang larang)
ay tinitiyak na dapat nakatuon sa pangunahing yunit; salita at ayos
ng pangungusap.
5 Pampanitikang Dulog
Sa dulog na ito, ang pagsasalin ay hindi dapat nakatuon sa
lingguwistikong pagsipat kundi sa pampanitikan. Ang wika ay may
enerhiya: lumilitaw ito sa pamamagitan ng mga salita, na bunga ng mga
karanasan ng isang kultura. Kung ano ang nagbibigay kalakasan at higit
sa lahat, kahulugan; ganito dapat ang taglayan ng pagsasalin- ang
manunulat ay dapat nakapagsasalin.

6 Semiotikong Dulog
Ang Semiotika ay agham ng pag-aaral sa mga tanda at katuturan.
Kaya upang magkaroon ng kahulugan ay kinakailangan ng
kolaborasyon sa pagitan ng tanda (senyas), bagay at tagapagbigay
kahulugan (interpreter).
02
Teorya ng Pagsasalin
Virgilio Enriquez
Saling-angkat
Ang mga salita na mula sa ibang wika ay
tahasang hinihiram at hindi na binabago pa
gayundin ang mga kahulugan nito.

Halimbawa:
✓ Neurosis (Ingles)
✓ Gestalt (Aleman)
✓ rendezvous (Pranses)
Saling Paimbabaw
Nagaganap ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang galling sa ibang
wika na hinihiram ngunit binabago ang
tunog at baybay.

Halimbawa:
✓ reinforcement -- reimporsement
✓ schema -- iskima
✓ Psychiatrist -- Saykayatris
✓ nurse -- nars
✓ cake -- keyk
Saling Panggramatika
Binabago ang ponolohiya subalit ang
kahulugan ay tulad din ng pagkahulugang
orihinal.

Halimbawa:
✓ social interaction -- interaksyong sosyal
✓ aggression -- agresyon
✓ reaction -- reaksyon
✓ perception -- persepsyon
Saling-tapat
Pagtugaygay sa orihinal o pinaghiraman na
wika at kultura at/o paghahanap ng saling
“tapat” sa diwang ipinapahiwatig sa orihinal.

Halimbawa:
✓ belief -- paniniwala
✓ value -- halaga
✓ whale shark -- butanding
✓ dimples -- biloy/chidwai
Saling-angkop
Paghahanap ng katumbas sa
pinagsasalinang wika ng mas makabuluhan
kaysa tahasang pagsasalin na tapat sa
orihinal.

Halimbawa:

✓ emotionally immature -- isip-bata


✓ participant observation -- nakikiugaling pagmamasid
Saling-hiram
Madalas hindi kasiya-siya ang unang salin
kaya kailangan maghanap ng iba pang salin,
lumikha o manghiram muna hangga’t wala
pang naiisip na katumbas para rito.

Halimbawa:

✓ brainwashing -- paghuhugas-isip
✓ brainstorming -- bagyuhang-utak
Saling-likha
May mga salitang likha na ginagamit minsan
bagama’t nagiging tapunang biro at
panunukso, dala marahil ng kahulugan ng
salitang nilikha.

Halimbawa:

✓ website -- pook-sapot
✓ browser -- panginain
✓ hyperlink -- kawingan
03
Dynamic at Formal Equivalence
Eugene Nida
Dynamic Equivalence
Ang isa sa pinakamahalaga sa pagsasalin ay ang
mensaheng natatanggap ng mambabasa (awdyens).
Mensahe na makabuluhan sa porma at nilalaman na
hindi lang dapat maunawaan kundi dapat ring
pahalagahan. Kung ang tagasalin ay maihayag ang
mukha ng orihinal, dito ay maaabot nya ang ‗dynamic
equivalence‘, pinagdidiinan rito ang kahalagahan ng
paglilipat ng kahulugan, hindi ng kayariang
panggramatika.
magkasamang umuugnay sa
batayang may pinakamalapit na
pagkakatulad.

Ang pagsasalin ay binubuo ng paglikha sa patunguhang


wika sa pinakamalapit na likas na katumbas sa
mensahe ng orihinal na wika.

nakatuon sa
patunguhang wika nakatuon sa
orihinal na wika
Formal Equivalence
Nangangailangan ito sa pagtuon sa porma at nilalamang
nakapaloob sa mensahe. Nangangahulugan ito na ang
mensahe sa patunguhang wika ay dapat naaayon sa iba‘t
ibang bahagi sa orihinal na wika. Layunin nitong maabot
ang pagkakapareho sa pagitan ng orihinal at salin na
teksto, na makikita sa aspektong lingguwistika tulad ng
bokabularyo, gramatika, sintaks at estruktura ng orihinal na
wika na may malaking epekto sa kawastuhan.
04
Anyo ng Pagsasalin
Roman Jakobson
Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng interpretasyon ng mga
Intralingguwal na pasalitang tanda gamit ang ibang tanda
Pagsasalin ng isang wika.

Pagpapalit-salita Halimbawa:

SL: namatay – pumanaw


SL: pagod – hapo/pagal
SL: ama – tatay/erpat
Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng interpretasyon ng mga
Interlingguwal na pasalitang tanda gamit ang ibang wika.
Pagsasalin

Pagsasalin Halimbawa:

SL: I Love You


TL: Wo ai ni (Intsik)
Ginihugma kita (Bisaya)
Mahal kita (Tagalog)
Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng interpretasyon ng mga
Intersemiyotikong pasalitang tanda gamit ang mga tanda ng
Pagsasalin mga sistema ng di-pasalitang tanda.

pagpapalit-anyo Halimbawa:
05
Dulog at Antas sa Pagsasalin
Peter Newmark
Ang pagsasalin ay laging nakatali sa
pagtalakay at talakayan. Sa gawaing ito ay
Dulog sa walang ganap (tumpak) na resulta, kundi
nakadepende ito sa kahingian at
Pagsasalin masalimuot na proseso mula sa orihinal ng
isang pagsasalin. Pinagdiinan ni Newmark
na ang pagsasalin ay kolaborasyon ng
talakayan at kritisismo sa pagitan ng mga
kasangkot sa paksa- hindi lang sa guro
nagmumula ang resulta ng pagsasalin
kundi dapat makita rin ang pagtanggap at
mungkahi ng mga magaaral.
Sa pagsisimula ay isalin sa pangungusap
Pangungusap sa pangusap na paraan, sabihin natin sa
sa unang pangungusap o kabanata, upang
madama at makita ang tono ng teksto,
Pangungusap sadayaing huminto ng sandali at muling
balikan upang suriin ang tindig sa
gagamiting pamamaraan at basahin ang
kabuoang teksto ng simulating wika.
Ang pamamaraang ito ay paghahanap ng
Pagbasa sa layunin, talaan, tono, markahan ang mga
buong teksto mahihirap na salita at pahayag, at
simulang magsalin kung nakuha mo na ang
lakas ng loob sa pagsabak sa prosesong
ito.
Antas sa Sinasabi ni Newmark sa pagsasalin ay
kinakailangan matukoy muna ang
Pagsasalin pamamaraang dulog
na gagamitin at pangalawa habang
nagsasalin ay ang pagpapasailalim sa
apat (4) na antas o proseso na kanyang
inihain.
Antas Tekstuwal
❑ nakatuon ang pagsasalin na ito sa
paglilipat sa gramatika ng orihinal na wika
tungo sa nakahanda ng panumbas sa
patunguhang wika, at naisasalin ang mga
salita kung saan madadaling naaayon sa
konteksto ng pangungusap. Nakabatay
ang ang antas na ito sa pagsasalin ng
mga salita, literal ang pagsasalin ng
pinagmulang wika patungo sa tunguhing
wika.
Antas Reperensyal

❑Ang pagsasalin ba ay isang pahiwatig ng


pagtatagpo sa pagitan ng teksto at
katotohanan. Sa bawat pangugusap kung
malabo at abstrakto ay kailangang tanungin
ang sarili: ano ang tiyak na nagaganap dito?
sa anong dahilan, sa anong tuntungan,
anong pakay? nakikita mo ba ito sa iyong
isipan, mailalarawan mo ba? kung hindi ay
kinakailangang ng antas tekstuwal na
makatuwang ang reperensyal na antas, ang
makatotohanang antas na may karagdagang
pangangailangang impormasyon.
Pagiging Likas
na Antas

❑Sa antas na ito inaayon ang paggamit ng


wika sa panahon ng patunguhang wika.
Walang anumang unibersal na pagiging
likas, nakaakma ito sa ugnayan sa pagitan
ng manunulat at mambabasa, at sa paksa at
sitwasyon.
Kohesibong Antas

❑Inuugnay ng antas na ito ang una at


ikalawang antas. Sinusunod nito ang
estruktura at damdamin ng teksto.
Nagsisilbing tagapagpanatili ng kaayusan
ang antas na ito, tinitiyak nito ang
pagkakaugnay-ugnay, diin at tono ng teksto.
06
Pamamaraan sa Pagsasalin
Kadalasang ipinapakita ang ganitong pamamaraan
bilang interlinear translation (tapatang pagsasalin)

1 na may tunguhing lengguwahe (TL) kaagad sa


ibaba ng simulaang lengguwahe (SL) ng mga salita.
Pinanatili ang ayos ng mga salita sa PW at ang
Salita-sa-salita bawat salitang naisalin ay batay sa
pinakakaraniwang kahulugan, hindi kinakailangang
nakabatay sa konteksto.

Halimbawa:

SL: My friend is beautiful.


TL: Aking kaibigan ay maganda.
Binibigyang halaga sa pamamaraang ito ang
estrukturang panggramatika ng SL na naisasalin sa
pinakamalapit na katumbas ng TL ngunit ang mga

2 salita ay isa-isang isinasalin, kadalasan ding ang


pangunahing katuturan ng salita ang ibinibigay na
panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit
Literal na kahulugan sa orihinal. Bilang proseso ng
paunang pagsasalin, ito ay nagpapahiwatig ng
mga kaakibat na suliraning maaaring
masolusyunan.

Halimbawa:

SL: Be lower than the straw in the street.


TL: Maging mas mababa sa dayami sa
kalye.
Sa pamamaraang ito pinagsusumikapan na
maisalin ang tiyak na kahulugang pangnilalaman
(kontekstuwal) ng wikang isinasalin na kahit

3 papaano ay inaangkop sa estrukturang


panggramatika ng SL. Isinasalin din nito ang mga
salitang kultural at pinananatili ang pagiging tapat
Matapat sa layon at konteksto ng akda.

Halimbawa:
SL: Earth provides enough to satisfy every
man's needs, but not every man's greed.

TL: Ang daigdig ay nagbibigay nang sapat


para matugunan ang pangangailangan ng
tao, ngunit hindi sa pagkaganid ng bawat
tao.
Nangangahulugan na ang pangunahing pag-aalala
ng pagsasalin ay upang ihatid ang kahulugan ng
parirala at pangungusap (maaaring ito ay

4 paraphrase o literal na nakasalalay sa kung ano


ang balanse na nilalayon ng tagasalin) naiiba ito sa
matapat na pagsasalin dahil dito binibigyan diin
Semantik ang estetiko, ng tunog pagiging natural; ang mga
kulturang salita ay hindi gaanong binibigyan diin.
Halimbawa:
SL: Earth provides enough to satisfy every
man's needs, but not every man's greed.

TL: Kayang tugunan ni Inang kalikasan ang


ating pangangailangan, ngunit hindi ng
ating pagkagahaman.
Ito ang pinakamalayang anyo ng pagsasalin. Ito ay
pangunahing ginagamit sa mga dula, awit at tula.
May mga pagkakataong malayo na ito sa orihinal,

5 minsan ang nanatili na lamang ay ang


pangkalahatang kahulugan at tono ng orhinal.

Adaptasyon
Halimbawa:
SL: Romeo and Juliet

TL: Sintang Dalisay


*mahigpit na minumungkahi na basahin/ bisitahin ang ilang tala sa produksyon ng Tanghalang
Ateneo na Sintang Dalisay bilang Adaptasyon ng Romeo and Juliet sa konteksto ng Kulturang Muslim.

https://www.ateneo.edu/ls/news/features/sintang-dalisay-
triumphtaiwan#:~:text=Sintang%20Dalisay%20is%20a%20Philippine,Roke.&text=While%20the%20gen
eral%20plot%20follows,on%20the%20narrat
ive%20are%20kept.
Karaniwang malayo ang saling pangnilalaman o
porma mula sa orihinal. Ito rin ay kadalasang mas
mahaba kaysa orihinal at maaaring sabihing hindi

6 nasalin. Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o


pagbabawas ng mga salita na mas
makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.
Malaya Halimbawa:

SL: “Few people realize this, but cutting down the trees
is one of the things that keeps us Malawians poor.-
William Kamkwamba, The Boy Who Harnessed the Wind: Creating Currents of Electricity
and Hope

TL: Kailanman hindi magiging bunga ang isang teoryang


hindi lumalapat sa pangangailangan ng isang bayang
nagpupunyaging maging maunlad kung ang pag-
unlad ay pakikiapid sa pulitika nang pananamantala at
pakikipapagtalik sa pusod nang pakikibakang hindi
para sa masa.
Layon nito na makita sa TL ang sinasabi ng SL sa
paraang magiging madulas at natural ang daloy ng

7 TL. Mas binibigyang diin ang pagsunod sa estruktura


at gramatika ng TL upang maipahayag ang mensahe
ng SL na hindi nadadala ang porma ng orihinal sa
Idyomatiko salin.

Halimbawa:

SL: as ye sow, so shall ye reap.

TL: kung ano ang iyong itinanim, s‘ya ring


aanihin.
Pinagsisikapan sa paraang ito na maisalin ang
nilalaman sa paraang katanggap- tangap at
nauunawaan ng mambabasa. Hindi lamang nagiging

8 tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin, ngunit


maging sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito
sa paraang madaling tanggapin ng bagong
Komunikatibo mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong
karaniwan at payak.

Halimbawa:

SL: No jaywalking.

TL: Bawal tumawid.


Salamat!

You might also like