You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
Coliling National High School
Coliling, San Carlos City, Pangasinan

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 9


Quarter 3
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya bilang kabahagi ng pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran,
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):
Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
sa pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:
MELC: Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal (AP9MAK-IIIh-)
a. Natutukoy ang mga konsepto ng patakarang piskal
b. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang
piskal na ipinatutupad nito.
c. Nakagagawa ng sanaysay tungkol sa Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy

II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Sanggunian:
1. Ekonomiks 9
Mga Pahina ng Gabay ng Guro:
Mga Pahina ng Gabay ng Pang Mag-aaral:pahina
2. Quarter 3 ADM Modules :
Mga Kagamitang Pangturo: Laptop, TV
Stratehiya: Malayang Talakayan
Integrasyong Pagpapahalaga: Makabayan at Makatao
III. PAMAMARAAN:
A. Paunang Gawain
- Pagdarasal
- Pagtatala ng Liban

B. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Gawain 1: Ayos mo, sagot mo!
Panuto:Aayusin ng mag aaral ang mga nagulong letra upang makabuo ng salita at ipaliwananag ito
sa klase.

1. NOYSALPMI
2. ECIRP INDEX
3. LLUP- DMEAND
4. PUSH-TSOC
C. Pagganyak:
Gawain 2: Larawan - suri?
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang pamproseng tanong.

D. Pag-uugnay ng mga larawan sa bagong aralin


1. Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan.
2. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng unang larawan patungo sa ikatlong larawan?
3. Paano napapangalagaan ng pamahalaan ang mga buwis na nagmumula sa mga tao?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


1. Ano ang konsepto ng patakarang piskal?
2. Ano ang dalawang uri ng patakarang piskal?
3. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na pamumuhay


Gawain 3: Alin ang Magkasama
Panuto: Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal ang mga patakaran na nasa loob ng kahon.
Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa ibaba ng kahon.
R
•Pagbaba ng singil sa buwis
•Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
•Pagtaas ng kabuuang demand
•Pagbaba ng Kabuuang demand
•Pagtaas ng singil ng buwis
•Pagababa ng gastusin ng pamahalaan
•Pagdaragdag ng suppy ng salapi

EXPANSIONARY
FISCAL POLICY

CONTRACTIONARY
FISCAL POLICY
F. Paglalahat.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang maibuod mo ang iyong mga natutunan sa
araling ito.
1. Ano ang konsepto ng patakarang piskal?
2. Kailan isinasagawa ang expansionary fiscal policy at contractionary fiscal policy?
3. Ano ang kahalagahan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal sa bansa?
4. Sa iyong palagay ano kaya ang magagawa mo upang sa ganun ay makatulong ka sa ating bayan?

IV-Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta._______
at pagbubuwis ng pamahalaan. _________
2.Isinasagawa ito ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. _____
3.Ipinapatupad ito ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo ng
ekonomiya._______
4. Layunin nito ang pagtaas ng produkto at output._______
5. Paghina ng produksiyon at pagbagal ng ekonomiya._______

Mga Kasagutan:
1.Patakarang Piskal
2.Expansionary Fiscal Policy
3.Contractionary Fiscal Policy
4.Expansionary Fiscal Policy
5.Contractionary Fiscal Policy

V. Takdang Aralin:

Gawain 4:Isulat mo ako!


Panuto: Magsulat ng Sanaysay tungkol sa Expansionary at Contractionary Fiscal Policy

RUBRIKS SA SANAYSAY

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon ng Ideya 5
Istilo 5
Tema 5
Kabuoan 25

Inihanda ni:

MYRA M. PAULO

(Practice Teacher)

Iniwasto ni:

GNG. GERALDINE DV. MAGSANGCAY

(SST- III)

You might also like