You are on page 1of 6

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan
ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao,
kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang
pangangatawan.

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng
pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad
na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay


nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas
na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong
nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain.

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang
panlasa sa istilo ng paggamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga
nakatatanda.

Kita. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng
malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas
madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing
na kagustuhan.

Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa pangangailangan ng tao.


Kung malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay pangingisda,
kaya malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugar
ay maaaring maghangad ang tao ng mga produktong makatutulong upang malabanan ang
matinding lamig, tulad ng heater. Samantala ang electric fan, aircondition unit, at iba pang mga
kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar na may mainit na klima.
Abraham Maslow

Abraham Harold Maslow (April 1, 1908 – June 8, 1970) was an


American psychologist who was best known for creating Maslow's
hierarchy of needs, a theory of psychological health predicated on
fulfilling innate human needs in priority, culminating in self-
actualization.[2] Maslow was a psychology professor at Alliant
International University, Brandeis University, Brooklyn
College, New School for Social Research, and Columbia
University. He stressed the importance of focusing on the positive
qualities in people, as opposed to treating them as a "bag of
symptoms."[3] A Review of General Psychology survey, published
in 2002, ranked Maslow as the tenth most cited psychologist of
the 20th century.[4]

You might also like