You are on page 1of 22

PANGANGAILANGAN

AT
KAGUSTUHAN
Pangangailangan
Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon
ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kaniyang pang-araw-
araw na gawain Magdudulot ng sakit o kamatayan kung wala
ang mga ito. Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang
pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung
wala ang mga ito.
KAGUSTUHAN
Ito ay mga bagay na ginusto lamang at maaaring
mabuhay ang tao nang kahit wala ang mga ito.
Tinatawag na "luho" kung minsan.
Teorya ng Pangangailangan

ABRAHAM HAROLD MASLOW

• Ayon kay Abraham Harold MAaslow, ang


pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya.

• Kailangan munang matugunan ng tao ang mga


pangunahing pangangailangan bago umusbong ang
panibagong pangangailangan.
Teorya ng Pangangailangan
Abraham Harold Maslow

Kaganapan ng Pagkatao

Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto sa


ibang tao

Pangangailangang Panlipunan

Seguridad at Kaligtasan

Pisyolohikal
Teorya ng
Pangangailangan
Abraham Harold Maslow

• Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing


pangangailangan ng ating katawan upang
manatiling normal ang takbo nito.
• Kabilang ang mga biyolohikal na
pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at
hangin.
• Ang kakulangan ng sa antas na ito ay
maaaring maging sanhi upang siya ay
makaranas ng karamdaman at panghihina ng
Pisyolohikal
katawan.
Teorya ng
Pangangailangan
Abraham Harold Maslow

• Ang pagkakaroon ng kapayapaan, kaayusan,


katahimikan at kalayaan sa takot at pangamba na
ninanais ng tao na makamit sa kanilang pamumuhay.

• Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa


Seguridad at kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng
Kaligtasan hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para
sa sarili at pamilya.
Pisyolohikal
Teorya ng
Pangangailangan Abraham Harold Maslow

• Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.

• Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at


Pangangailangang magmahal,
makisapi at makipagkaibigan mapasama sa iba't-ibang uri ng pangkat at pamilya.

• Ang konsepto ng pakikisalamuha ng tao sa kanyang


kapwa at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Seguridad at Kaligtasan
• Ang kawalan nito ay maaaring magdulot ng
kalungkutan at pagkakilig.
Pisyolohikal
Teorya ng
Pangangailangan Abraham Harold Maslow

Paggpapahalaga mula sa ibang tao


• Ito ay nauukol sa pangangailangan sa pagkamit
ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Pangangailangang magmahal,
makisapi at makipagkaibigan • Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng
ambag sa lipunan.
Seguridad at Kaligtasan
• ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa
o kawalan ng tiwala sa sarili.
Pisyolohikal
Teorya ng
Pangangailangan Abraham Harold Maslow

Kaganapan ng Pagkatao
• Pinakamataas na antas ng pagkatao. Maituturing
na tagumpay ang isang tao kapag ang kanyang
Paggpapahalaga mula sa ibang tao ambisyon at pangarap sa buhay ay makamit.
Kasiyahan at karangalan ng isang tao ang siya ay
iginagalang dahil sa kanyang mga nagawa sa
Pangangailangang magmahal,
lipunan at sa sarili.
makisapi at makipagkaibigan

• Hangad ng tao na mgamit nang husto ang


Seguridad at Kaligtasan kanyang kakayahan upang makamit ang
kahusayan sa iba't-ibang larangan. Tanggap ng
taong ito ang katotohanan ng buhay.
Pisyolohikal
Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay A.H. Maslow:

• Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang kanilang batayang


pangangailangan (basic needs), sila ay naghahangad ng mas
mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod-
sunod ng hirarkiya.

• Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth


force samantalang ang pagahangad ng mas mababang antas ay
tinatawag na regressive force.
ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG
PANGANGAILANGAN

• Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan sa?

2. Sa inyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?


MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

• Edad
• Antas ng edukasyon
• Katayuan sa lipunan
• Panlasa
• Kita
• Kapaligiran at klima
• Edad

Ang pangangailangan at kagustuhan ay


nagbabago ayon sa edad. Ang mga kabataan ay
nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang
panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na
niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang
manatiling malusog ang pangangatawan.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
2. Antas ng Edukasyon

Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba


rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may
mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki
ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
3. Katayuan sa Lipunan

Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at


pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong
nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay
maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang
maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo
sa kaniyang mga obligasyon at gawain.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
4. Panlasa

Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga


pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo
ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay iba
sa istilo ng mga nakatatanda.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
5. Kita

Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa


kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Kapag maliit ang
kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at
pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng
malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking
kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin
ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay
na itinuturing na kagustuhan.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
6. Kapaligiran at Klima

Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa


pangangailangan ng tao. Kung malapit sa dagat ang isang
lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay
pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa mga
produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugar ay
maaaring maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tulad
ng heater.
Your paragraph text Samantala ang electric fan, aircondition unit, at iba
pang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar na
may mainit na klima.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA


PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
PAGPAPAHALAGA
Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng tao upang magkaroon ng
matalinong pagpapasya sa pagtamo ng kanyang pangangailangan at
kagustuhan?
REMEMBER
Monitor how you feel and ask for
help if you need it!
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015

• Chua, Johannes L., Panahon, kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)


Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• Nolasco, Libertty I. et. al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu,


VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

SALAMAT PO!

Inihanda ni:
Crizelle Joy Marie C. vergara

You might also like