You are on page 1of 13

Kagustuhan at

Pangangailangan
PANIMULA

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t


ibang uri ng pagpapasya.
Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na
maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o
serbisyo na bibilhin.
Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa
Kagustuhan?

Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang • Mga bagay na ginusto


mahalaga upang ang tao ay lamang ng tao at maari
mabuhay itong mabuhay kahit wala
ito.
• Kung ipagkakait ito, • Ang pagnanais na tugunan
magdudulot ito ng sakit o ito ay bunga lamang ng
kamatayan. layaw ng tao.
Pangangailangan Kagustuhan
Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay Abraham Harold


Maslow, ang pangangailangan
ng tao ay mailalagay sa isang
hirarkiya.
Kailangan munang matugunan
ng tao ang mga pangunahing
pangangailangan bago
umusbong ang panibagong
pangangailangan.
Herarkiya ng Pangangailangan

Kaganapan ng
Pagkatao

Pagkamit ng
Respeto sa Sarili at
respeto ng ibang tao

Pangangailangang Panlipunan

Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan

Pangangailangang Pisyolohikal
Pangangailangang Pisyolohikal

Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan


tulad ng pagkain, tubig at hangin.
Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging
sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at
panghihina ng katawan.
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa


kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng
hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad
para sa sarili at pamilya.
Pangangailangang Panlipunan

Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.


Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at
mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya.
Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng
kalungkutan at pagkaligalig.
Pagkamit ng Respeto sa Sarili at respeto ng ibang tao

Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa


pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag
sa lipunan.
Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o
kawalan ng tiwala sa sarili.
Kaganapan ng Pagkatao

Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang


kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t
ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang
katotohanan ng buhay.
Ayon kay A.H.Maslow:

Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang


kanilang batayang pangangailangan (basic needs),
sila ay naghahangad ng mas mataas na
pangangailangan (higher needs) ayon sa
pagkakasunod-sunod ng herarkiya.
Ang paghangad ng mas mataas na antas ay
tinatawag na growth force samantalang ang
paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag
na regressive force.

You might also like