You are on page 1of 3

Pangangailangan at Kagustuhan 3.

Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng maayos


na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang makadama na
Pangangailangan (Needs) – ay tumutukoy sa mga produkto o sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.
serbisyo na kailangan ng tao upang mabuhay.
Uri ng Pangangailangan: Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Pangangailangan at
1. Materyal na pangangailangan Kagustuhan:
2. Di-Materyal na pangangailangan 1. Edad. Ang pangangailangan natin noong tayo ay sanggol pa
ay nagbabago habang tayo ay nagkakaedad. Ang mga
Kagustuhan (Wants) – ay tumutukoy sa mga produkto o produkto at serbisyo ng tao na binibili at ginagamit ay
serbisyo na kinokonsumo ng tao upang makapagbigay sa nagkakaiba ayon sa edad ng tao.
kanya ng kasiyahan at kakuntentuhan. Maaari ito rin ay mga 2. Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may
bagay na nakapagpapadali at nakapagpapagaan ng buhay. pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang mga
taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas
Teorya ng Baitang ng Pangangailangan ni Maslow mataas ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang
Abraham Harold Maslow – isang Amerikanong psychologist pangangailangan at kagustuhan.
na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao. 3. Katayuan sa Lipunan. Ang pagkakaroon ng isang mataas
Ayon sa kanya habang patuloy na napupunan ng tao ang na kita ay bunga ng pagkakaroon ng isang maayos na
kanyang pangangailangan, siya ay naghahanap naman ng mas hanapbuhay. Ito ang nagbibigay ng isang maayos na
mataas na pangangailangan. pamumuhay ng tao. Nagkakaiba ang pangangailangan ng
mga mayayaman sa mahihirap.
Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy Mauuri ang mga tao sa Pilipinas ayon sa mga sumusunod:
of Needs) na ito ay kadalasang inilalarawan sa anyo ng isang  Elitista – mayayaman, may-ari at tagapamahala ng mga
piramide: malaking korporasyon o kalakalan.
1. Pangangailangang pisyolohikal (Physiological needs) –  Gitnang-uri – mga propesyunal na may trabaho, guro,
ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito mga kawani, mangangalakal.
ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain,  Mataas na manggagawa – mga manggagawa sa pabrika,
tubig, hangin, at tulog. pagawaan o tanggapan.
2. Pangangailangang pangkaligtasan (Safety needs) – ito  Mababang manggagawa – mga piyon, katulong o iba
ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at pang mababa ang sweldo.
katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa 4. Panlasa. Ang panlasa sa iba’t ibang mga bagay ay
hanapbuhay at kaligtasan. nakapagpapabago sa pagtugon sa pangunahing
3. Pangangailangang panlipunan (Love/Belonging pangangailangan. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at
needs) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan gupit ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga
tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya nakatatanda.
dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap 5. Kita. Ang pagtugon sa pangangailangan ay nakabatay sa
ng ibang tao. kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng tao.
4. Pangangailangang magkamit ng pagpapahalaga ng Ang isang taong may malaking kita ay higit na makatutugon
iba (Esteem needs)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sa kanyang nais kumpara sa isang taong may sapat o maliit
sarili at respeto ng ibang tao. lamang na kita.
5. Pangangailangang maipatupad ang kaganapang 6. Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay
pagkato (Actualization) – ang pinakamataas na antas sa nakaaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung malapit sa
hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mg tao
kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa rito ay pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa
kabuuang potensyal ng tao. mga parodyuktong pangisda. Kung malamig naman ang
lugar ay maaaring maghandag ang mga tao ng mga
Teorya ng Pangangailangan ni McClelland produktong makatutulong upang malabanan ang matinding
David McClelland – ay isang Amerikanong psychologist, lamig.
ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo 7. Kultura. Malaki ang nagagawa sa pag-iimpluwensya sa
sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan pamimili ng pangangailangan dahil ditto angmula ang
maraming pamantayan o standard sa pamumuhay. Ang
McClelland’s Motivational Needs: kultura ay binubuo ng mga pampamayanang karanasan,
1. Nagawa  (achievement) – inilarawan ni McClelland ang tradisyon, paniniwala at mga hangarin at pangarap.
katangian at saloobinng taong may mataas na
pangangailangan sa nagawa. Batayan ng Kaunlarang Panlipunan – ang batayan na
 Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga maaaring magbigay-kulay sa mga hilig at pangangailangan ng
gantimpalang materyal at salapi. tao ay ang mithiing makamtan ang mga kanais-nais na
 Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na katangian ng isang maunlad na lipunan. Ang mabuting
kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala. katangian ng isang maunlad na lipunan ang nagiging batayan
 Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng kung anong pangangailangan at hilig ng tao ang dapat tugunan
natamong tagumpay. upanga masabing tunay ngang maunlad, progresibo at may
 Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan. kakayahang makapagbigay ng mataas na kagalingang
 Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag- panlipunan ang isang bayan.
unlad na kanilang nakamit.
 Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung Michael Todaro – isang ekonomista, ayon sa kanya may
paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa.   tatlong pangunahing kanais-nais na katangian ang maunlad at
 Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad progresibong bayan. (1) sagana ito sa mga material na bagay,
na nakatutugon sa kanyang pangangailangan. (2) malawak ang kalayaan ng mga mamamayan nito, at (3)
2. Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – mataas ang anatas ng dignidad ng mga tao rito.
personal at institusyonal
 Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa Batayang Empirikal – ayon ito sa pagsusuri ng mga
pagnanais na mag-utos sa iba. mananaliksik tungkol sa mga katangian at palatandaang
 Institusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap maaaring sumukat ng mga kagalingang panlipunan at kalidad
upang maging maayos ang layunin ng samahan. ng pamumuhay. Mula sa mga palatandaang ito, makikita natin
ang mga pangunahing pinagkakaabalahan ng mga tao.
AP9-1Q-Q3A
Araling Panlipunan 9
Ekonomiks

Pangangailangan at Kagustuhan

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: ________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Marka: ______________________

I. Matching Type. Hanapin ang katawagan na nasa Hanay B na tinutukoy sa Hanay A. isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang
bago ang bilang.
HANAY A
_____1. Tumutukoy sa mga produkto o serbisyo na kailangan ng tao upang mabuhay.
_____2. Tumutukoy sa mga produkto o serbisyo na kinokonsumo ng tao upang makapagbigay sa kanya ng kasiyahan at
kakuntentuhan.
_____3. Isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya habang
patuloy na napupunan ng tao ang kanyang pangangailangan, siya ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan.
_____4. Isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at
hinuhubog ng mga karanasan
_____5. Uri ng kapangyarihan na kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na mag-utos sa iba.
_____6. Uri ng kapangyarihan na nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan.
_____7. Ang batayan na maaaring magbigay-kulay sa mga hilig at pangangailangan ng tao ay ang mithiing makamtan ang mga
kanais-nais na katangian ng isang maunlad na lipunan.
_____8. Isang ekonomista, ayon sa kanya may tatlong pangunahing kanais-nais na katangian ang maunlad at progresibong bayan.
_____9. Ayon ito sa pagsusuri ng mga mananaliksik tungkol sa mga katangian at palatandaang maaaring sumukat ng mga kagalingang
panlipunan at kalidad ng pamumuhay
_____10. Ito ay ang pagnanais ng tao ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang makadama na sila rin ay tinatanggap
ng ibang tao.
HANAY B
A. Abraham Harold Maslow E. Batayang Empirikal I. Kakapusan
B. Achievement F. David McClelland J. Michael Todaro
C. Affiliation G. Institusyunal na Kapangyarihan K. Pangangailanga
D. Batayan ng Kaunlarang Panlipunan H. Kagustuhan L. Personal na Kapangyarihan

II. Classification. Tukuyin o uriin ang mga sumusunod batay sa mga pagpipilian na nasa ibaba.
11 – 15: Kagustuhan or Pangangailangan 16 – 20: Pangunahin o Sekundarya 21 – 25: Materyal o Di Materyal
__________________11. Pagkain __________________16. Seguridad __________________21. Pagmamahal
__________________12. Alak __________________17. Edukasyon __________________22. Inumin
__________________13. Laptop __________________18. Kasuotan __________________23. Kasuotan
__________________14. Gamot __________________19. Medikasyon __________________24. Kalusugan
__________________15. Damit __________________20. Tirahan __________________25. Tulog

26 – 35: Actualization, Esteem, Physiological, Safety, o Social


__________________26. Pagtupad sa pangarap __________________31. Pagpapayabong ng talento
__________________27. Pagkakaroon ng pamilya __________________32. Pagmamahal
__________________28. Katiyakan sa hanapbuhay __________________33. Matulog
__________________29. Dignidad __________________34. Respeto ng ibang tao
__________________30. Kumain __________________35. Malayo sa krimen

III. Labeling. Lagyan ng tamang bantas ang hirarkiya ng pangangailangan. IV. Enumeration. Ibigay ang hinihiling

41 – 43: McClelland’s Motivational Needs


41. ______________________________
42. ______________________________
43. ______________________________

44 – 50: Salik na Nakakaimpluwensya sa


Pangangailangan at Kagustuhan:
44. ______________________________
45. ______________________________
46. ______________________________
47. ______________________________
48. ______________________________
49. ______________________________
50. ______________________________

You might also like