You are on page 1of 2

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan. Sa


“Theory of Human Motivation” ni Abraham Harold Maslow (1908-1970),
ipinanukala niya ang teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan.’ Ayon sa
kaniya, habang patuloy na napupunan ng tao ang kaniyang batayang
pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng pangangailangan
(higher needs).

1. Pangangailangang Pisyolohikal.

Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin,


pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga pangangailangan
sa antas na ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay.

2. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan.

Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na ang naunang


pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan
mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at
seguridad sa kalusugan.

3. Pangangailangang Panlipunan.
Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,
kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko.
Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha
sapagkat mayroon siyang pangangailangan na hindi niya kayang tugunan na
mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan at pagkaligalig ang sinumang
hindi makatutugon sa pangangailangang ito.

4. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao.

Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng


pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng
kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na
maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.
5. Kaganapan ng Pagkatao.

Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni


Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas
mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya
natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Ang mga taong nasa
ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili. May
kababaang loob at may respeto sa ibang tao.

You might also like