You are on page 1of 13

ARALIN: TEORYA NG

PANGANGAILANGAN
NI MASLOW
By: Mam Lourdes B. Kaligayahan
Pamprosesong Tanong:
•Ano ang nakikita nyo sa larawan?
•Ilarawan ang pyramid na nakikita Ninyo?
•Bakit kaya ang hugis ng pyramid ay patusok at
habang tumataas ay numinipis ang tuktok nito?
•Ano ang kaugnayan nito sa pangangailangan ng
mga tao?
Suriin ang mga sumusunod kung ang mga ito ay
pangangailangan o Kagustuhan.
1. Pagkain

2. Kompyuter

3. Damit

4. Alahas gaya ng kwintas

5. Cellphone
Isulat sa Pyramid ang iyong pangangailangan mula sa pinakaibaba hanggang Pataas.
Teorya ng Pangangailangan Ni Maslow
1. Pangangailangang Pisyolohikal-
Nakapaloob dito ang pangangailangan ng
tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog,
kasuotan at tirahan. Kapag nagkulang
ang mga pangangailangan sa antas na ito
ay maaaring magdulot ng sakit o
humantong sa pagkamatay.
2. Pangangailan sa Seguridad at
Kaligtasan. Magkakaroon ng
pangangailangang ito kapag natugunan
na ang naunang pangangailangan.
Kabilang dito ang kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa
karahasan, katiyakang moral at
pisyolohikal, seguridad sa pamilya at
seguridad sa kaligtasan.
3. Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito
ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,
kasintahan, pamilya at ng anak at pakikilahok sa
mga gawaing sibiko.
•Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang
kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya kayang tugunan na
mag-isa.
•Maaaring magdulot ngkalungkutan at pagkaligalig
ang sinumang hindi makatutugon sa
pangangailangang ito.
4. Pagkamit ng respeto sa Sarili at Respeto ng
Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman
ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon.
Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay
nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao.
•Ang kakulangan sa antas na ito ay maaaring
magdulot sa kanya ng mababang moralidad at
tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa
pagkapahiya, pagkabigo at pagkatalo.
5. Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas
na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni
Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay
nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan.
•Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama
ang ibang tao. Ang mga taong nasa ganitong
kalagayan ay hindi mapagkunari at totoo sa
kanyang sarili. May kababaang loob at may
respeto sa ibang tao.
Ang teorya ng Pangangailangan ayon kay
Maslow.
Pagsagot sa Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga
pangangailangan ng tao ayon kay Abraham
Maslow?
2. Puwede bang makarating
ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang
baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?
3.
Paano mo mararating ang pinakamataas na
Thank you for Listening!

You might also like