Professional Documents
Culture Documents
Esp 9 L7
Esp 9 L7
1.Pangunahing Pangangailangan
a.Pisikal – Ito ay binubuo ng pagkain , malinis na tubig ,
malinis na hangin oras upang matulog o magpahinga.
b. Pangkaligtasan - Ito ay binubuo ng damit o kasuotan
upang magbigay proteksyon sa katawan , tahanan kung
saan ang tao ay ligtas sa masamang tao, mababangis na
hayop , kalamidad katulad ng ulan, bagyo, malakas na
hangin at masidhing sikat ng araw. Kailangan din ng
sanggol ang proteksiyon at aruga ng mga matatanda o
magulang.
2. Pangangailangang Sikolohikal
a. Maging Kasapi at mahalin (Belongingness and
Love ) – Ang pagiging kasapi ay pangangailangan
ng tao. Sa Batas Moral/ Natural law ang tao ay
nilikha at nabuhay na may kasama. Kaya
kailangan niya ang kasama at mahalin ng
kaniyang kasama. Ang pag-aaruga at pagkalinga
ay mga tanda ng pagmamahal ng kaniyag kasama.
b. Magkaroon ng Tiwala Sa Sarili (Self- Esteem ) – Ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nagyaayri kung siya ay
nakadarama ng pagmaahal mula sa mga taong nakapaligid sa
kaniya katulad na lamang ng magulang, kapatid , kamagt-
anak, kaibigan, kamag-aral at iba pang tao na
nakakasalamuha niya
Siya ay magkakaroon nito kung siya ay may nagawa sa
buhay niya katulad ng pagtatapos sa pag-aaral, magkaroon
ng gantimpala o may natupad na hangarin katulad ng papuri
sa pangkat na kaniyang kinabibilangan.
3.Pangangailangan ng Kaganapan ng Pagkatao (Self-
Actualization ) – Ang pangangailangang ito ay nakakamit
pagkatapos makamtam ang mga pangunahing
pangangailangan (Pisikal at Kaligtasan ), at pangangailangang
sikolohikal (Belonginess at Self Esteem )
Mapapahalagahan o mabibigyang importansya ang
kaniyang ginawa para sa kapuwa. Ang tao ay naghahanda o
gumagawa ng kaniyang legacy o pamana na maari niyang
ibahagi sa ibang tao upang maging kapaki-pakinabang siya sa
mundo. Ang ginawa dito ay mapaganda at lalo pang
mapalago ang mga likha na nakikita niya sa kaniyang paligid.
Mga Katangian ng Mga Taong Nakaabot sa Kaganapan
ng Kanuyang Pagkatao ( Self Actualization )
1.Nakikita ang katotohanan na mabuti at nakahaharap
sa mga hindi inaasahan
2.Tinatanggap ang sarili at kapuwa kung sino at ano
sila.
3.Maayos ang kaisipan at gawa
4.Nakasentro sa problema at hindi sa sarili lamang. Siya
aynagiisip upang mapaganda ang buhay ng tao.
5.May kakayahang magpasaya sa iba
6.Nakatingin sa layunin ng buhay ng tao.
1.Malikhain
2.May katatagan sa mga makabagong kultura
3.Mayroong malalim na pagpapahalaga sa pundasyon ng karanasan
ng buhay
4.May malasakit sa katayuan ng kalikasan ng tao
5.Myroong malalim na pagpapahalaga sa pundasyon ng karansan sa
buhay.
6.Pinakaganap na karanasan sa buhay
7.Kailangan ng pribadong buhay
8.May demokratikong buhay o mapayapa at marangal na
pamumuhay
9.Matatag sa marangal at matuwid na pamumuhay.