You are on page 1of 1

Isang kilalang Amerikanong sikologo na nagngangalang Abraham Harold Maslow (1943) ang

nagmungkahi ng herarkiya ng mga pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya, lahat ng tao ay may
matinding pagnanais na maisakatuparan ang kanilang potensyal upang maabot ang pinakamataas na
herarkiya at habang patuloy na natutugunan ng isang tao ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng mga pangangailangan. Ang herarkiya ng mga
pangangailangan ay madalas na kinakatawan sa anyo ng isang piramide.

Ang pinakamababang bahagi ng piramide ay ang Pisyolohikal na pangangailangan. Kabilang dito


ang pangangailangan ng tao para sa pagkain, tubig, hangin, damit, tirahan at pagtulog. Ang sumunod na
pangangailangan ay ang pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Kabilang dito ang kaligtasan sa
trabaho, proteksyon mula sa karahasan, kaligtasang moral at pisyolohikal, kaligtasan ng pamilya at
seguridad sa kalusugan. Kasunod naman ang pangangailangang Panlipunan ( Love and Belonging Needs).
Nakapaloob dito ang pangangailangan ng pagkakaroon ng pamilya, kasintahan, anak , kaibigan at
pakikilahok sa mga aktibidad sa lipunan. Ang ikaapat na bahagi ay ang tinatawag na Esteem Needs.
Nakapaloob dito ang pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao. Ang pagkakaroon ng tiwala sa
sarili at pagtanggap ng respeto ng iba ang nagpapataas ng dignidad ng isang tao. Ang huling baitang sa
pangangailangan ni Maslow ay ang self-actualization. Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan
ng tao. Sinasabi ni Maslow na ang mga umabot sa antas na ito ay may mas mataas na pagtingin sa mga
sagot kaysa sa mga katanungan. Dito ang tao ay nagkakaroon ng kamalayan hindi lamang sa kanyang
sariling potensyal , ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao. Batay sa teorya, nagagawa lamang
matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan ang nasa ibabang antas.

Batay sa pagpapakahulugan at pag isa-isa ng bawat antas sa teorya ng pangangailangan at sa


mga kalimitang nagiging dahilan ng pangungutang, naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ay walang hangganan. Ang patuloy na paghahanap ng paraan
at oportunidad ng mga tao upang matamasa ang kanilang pangangailangan at kagustuhan ang isa sa mga
malaking dahilan na nagtutulak sakanila upang manghiram o mangutang.

You might also like