You are on page 1of 1

Migrasyon

Maraming rason kung bakit nangyayari ito katulad nalang ng paghahanap ng hanapbuhay sa ibang lugar
o ibang bansa na nagbibigay ng malaking sahod na inaasahan nila na maghahatid ng masaganang
pamumuhay, o dahil naghahanap sila ng ligtas na tirahan,o kaya naman ay hinihikayat sila ng mga kamag
anak nila na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.

Irregular Migrants

Sila ay mga mamamayan na nagtatrabaho sa ibang bansa na walang mga permit at dokumento, mga
mamamayan na nagtatrabaho sa ibang bansa nang illegal, mga mamamayan na nagtatrabaho sa ibang
bansa na hindi nakapagpasa ng mga kinakailangang dokumento para makapaglakbay.

Temporary Migrants

Temporary Migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kakulangan permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon. So like,
may due date o kontrata sila kung hanggang kailan sila pwedeng manirahan at magtrabaho doon.

Permanent Migrants

Ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan
sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang m pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

ang mga permanent migrants ay mga tao na nagpasyang lumipat sa ibang bansa nang permanente para
sa iba't ibang rason tulad ng trabaho, edukasyon, o reunification ng pamilya.

Migrasyon Bilang Isyung Politikal

Maituturing na isang isyung politikal ang migrasyon bagamat ito ay nakakaapekto sa ekonomiya at
seguridad ng isang bansa, Ito ay isang isyung politikal bagamat layunin ng pamahalaan na mapanatiling
sapat at kontento ang mga mamamayan sa bansa. Kung maraming mga tao ang patuloy na lilipat o
mandadayuhan ay maaaring bumagsak ang ekonomiya ng isang bansa.

Migration Transition

Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba't ibang
bansa. Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Republic, at Turkey.

Epekto ng Migrasyon

Ang migrasyon ay isang masalimuot na phenomenon na maaaring magkaruon ng malalim at


malawakang epekto sa ekonomiya, lipunan, at kultura ng mga bansa na sangkot, na naglalaman ng mga
positibong aspeto tulad ng remittances at cultural exchange, ngunit kasabay nito ay ang mga potensyal
na hamon tulad ng brain drain at mga isyu sa integrasyon ng lipunan.

You might also like