You are on page 1of 20

MGA ISYUNG PANG EKONOMIYA:

Aralin 3 Migrasyon:
Konsepto at Konteksto.
Perspektibo at Pananaw
LEARNING RECAP
1. 9x6/3+4-7=15 mga batas na nagpoprotekta sa mga manggagawa
SAGOT: (DOLE D.O.#10s.1997), (DOLE D.O.#18-02 s. 2002), (DOLE D.O.#18-A s. 2011)
Labor Only Contructing and Sub contructing is prohibited
isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang
2. 8/2x8-24+1= 9 palakihin ang kanilang kinikita o tubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahud at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
SAGOT: (Mura at Flexible Labor)
3. 6x8/2-9+4=19 Pagtatrabaho ng mga manggagawa sa loob lamang ng
takdang panahon na may kalakip na kontrata.
SAGOT: (Kontraktwalisasyon)
PAMAGAT-LARAWAN-KAUGNAYAN

Ang mga larawan ay bibigyan ng


pamagat ayon sa mga isasa ayos na
binigay na titik at iuugnay sa
Paksang-Aralin
WOLF
SAMIGRENT
F I N LO W,
ANTRENCE
FOLOWUT
STICKFOGURES
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naibibigay ang kahulugan at dahilan ng migrasyon


• Nakagagawa ng powerpoint na presentasyon at pag-uulat
na may kinalaman sa konsepto at konteksto ng migrasyon
• Napahahalagahan ang mga perspektibo at pananaw ng
migrasyon bilang bahagi ng pamumuhay ng isang tao
Presentasyon ng Grupong Tagapag
ulat
Konsepto at Konteksto ng
Migrasyon
Perspektibo at Pananaw
ng Migrasyon
Paglalagum ng Paksang Aralin
(Generalization)
• Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente. Ang dahilan ng pag-alis o paglipat ay kalimitang mauugat sa
sumusunod:
• hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay;
• paghahanap ng ligtas na tirahan;
• panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang
naninirahan sa ibang bansa;
• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado.
• Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa
isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas
ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
• Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na
madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows.
• Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang
tinatawag na net migration.
• Samantala, ang stock o stockfigures ay ang bilang ng nandayuhan na
naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa
sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay
makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang
populasyon
• Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng
pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga
lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa
usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging
personal.
• Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo.
Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly
qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro
ng pamilya.
• Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng
mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas
ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng
migrasyon nang sabay-sabay.
• Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary
at permanent migrants.
• Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng
mga ‘pangkalahatang obserbasyon’ tungkol sa usaping ito na
mababasa sa mga sumusunod na ideya.
1. Globalisasyon ng migrasyon
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
a. irregular migrants
b. Temporary migrants
c. permanent migrants
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
5. Paglaganap ng ‘migration transition’
6. Peminisasyon ng migrasyon
Paglalapat at Pagsasabuhay ng Paksang Aralin
(application)
Gawain bilang 16 Suri-Reyalidad

• Ang klase ay ipapangkat sa apat. At sasagutin ang mga tanong ayon sa


sariling mga iksperyensya at pang unawa susog sa ibat ibang aktwal na
kalagayan ng mga pamilya.
• Ilan sa iyong kamag-anak o ng inyong kapangkat o kamag-aaral ay
nangingibang-bansa upang maghanapbuhay. Gamitin ang inyong
karanasan sa pagsagot sa mga sumusunod na mga gabay na tanong.
Kung ikaw naman mismo ay may magulang na nasa ibang bansa,
maaari mo ring sagutan ang mga gabay na tanong. Ibabahagi ang iyong
sagot sa klase. Makinig din sa ibang mga kamag-aral na magbabahagi
ng kanilang kasagutan.
• Mga Tanong:

1. Saang bansa naghahanapbuhay ang iyong mga magulang o kaanak?


2. Kailan sila nagsimulang mangibang-bansa at ano ang nagtulak sa desisyon nilang
ito?
3. Nang sila o isa sa kanila ay umalis, sino na ang nag-alaga at gumabay sa mga
magkakapatid?
4. Mahirap bang mamuhay kung ang mga magulang o isa sa kanila ay nagtatrabaho
sa ibang bansa? Maaaring maglahad ng karanasan na magpapatunay rito.
5. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Nakabuti ba ang pangingibang-bayan ng iyong mga magulang? Ipaliwanag ang
sagot.
Pagtiyak sa mga Layunin ng Pag-aaral (Babalikan ang
mga tiyak na Layunin)

• Naibibigay ang kahulugan at dahilan ng migrasyon


• Nakagagawa ng powerpoint na presentasyon at pag-uulat na may
kinalaman sa konsepto at konteksto ng migrasyon
• Napahahalagahan ang mga perspektibo at pananaw ng migrasyon
bilang bahagi ng pamumuhay ng isang tao
Paglinang sa kabihasaan (Assessment/evaluation)
OUTFLOW, LIGTAS NA TIRAHAN, FLOW, LABOUR MIGRATION, PERMANENT MIGRANTS,
PERMANENTENG MIGRASYON, MALAKING SAHUD O KITA, MIGRASYON , REFUGEES MIGRATION,
IRREGULAR MIGRANTS,

• Panuto. Piliin ang wastong sagot sa kahon sa itaas.


1. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba
pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
2-3. Magbigay ng 2 pangunahing dahilan ng migrasyon
4. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon
5. Bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa
6-7-8. Mga uri ng migrasyon
9. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
10. Mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi
ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
Mga sagot:
1. MIGRASYON 9. IRREGULAR MIGRANTS
2. MALAKING SAHUD O KITA 10. PERMANENT MIGRANTS
3. LIGTAS NA TIRAHAN
4. FLOW
5. OUTFLOW
6. LABOUR MIGRATION
7. REFUGEES MIGRATION
8. PERMANENTENG MIGRASYON
TAKDANG ARALIN:
• Magsaliksik sa internet gamit ang Google
tungkol sa Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon.
Magbigay ng tatlo hanggang apat na isyu.

You might also like