You are on page 1of 45

Panuto: Basahin ang bawat

pahayag.
Tukuyin kung tama o Mali
ang bawat pahayag.
1. Ginamit ng mga
namumuhunan ang
iskemang
kontraktuwalisasyon upang
ibaba ang gastos sa
paggawa.
2. Hindi nakasasapat ang
trabahong nalilikha sa
bilang ng mga
mangggawang walang
trabaho o unemployed.
3. Malaki ang kontribusyon
ng mga OFW sa
pagpapanatili ng katatagan
ng ekonomiya sa bansa.
4. Patuloy ang pagdami ng
bilang ng mga uring
manggagawa na hindi
regular.
5. Naglulunsad ang DOLE
ng mga job fair, mga job
hiring at search portal
upang makita ang mga
bakanteng trabaho na
maaaring aplayan.
Panuto: Basahin ang bawat
pahayag. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Tumutukoy sa trabahong
para-paraan o sa sinasabing
vulnerable employment.
Self-employed
Ito ay isang paraan ng mga kapitalista
o mamumuhunan upang palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pasahod at paglilimita sa
panahon ng mga manggagawa.
MURA AT FLEXIBLE LABOR
Ang kalagayan ng
pagkawalang trabaho
ngunit naghahanap ng
trabaho.
Unemployment
Batas na nagtatadhana ng
walong oras na paggawa ng
mga manggagawa.
BATAS REP. BLG 1933
Batas na nagbabawal sa
pagtanggap ng
manggagawang wala pang
18 taon gulang.
BATAS REP. BLG. 1131
LARAWAN- SURI
Panuto: Suriin ang
balita at tangkaing
subukan ang
pamprosesong
tanong:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mapapansin ninyo sa
larawan?
2. Bakit nagaganap ang mga
nasa larawan?
3. Ano ang kinalaman ng larawan
sa ating paksa?
Konsepto at Dahilan ng
Migrasyon
Ano ang Migrasyon?
- tumutukoy sa proseso
ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o
teritoryong politikal
patungo sa iba pa
maging ito man ay
pansamantala o
permanente
Ano ang mga dahilan kung bakit
maraming Pilipino ang
nangingibang pook?
1. HANAPBUHAY NA
MAKAPAGBIBIGAY NG MALAKING
KITA NA INAASAHANG MAGHAHATID
NG MASAGANANG PAMUMUHAY;
2. PAGHAHANAP NG
LIGTAS NA TIRAHAN;
3. PANGHIHIKAYAT NG MGA
KAPAMILYA O KAMAG-ANAK NA
MATAGAL NANG NANINIRAHAN SA
IBANG BANSA;
4. PAG-AARAL O PAGKUHA NG MGA
TEKNIKAL NA KAALAMAN
PARTIKULAR SA MGA BANSANG
INDUSTRIYALISADO
5. PAG-IWAS SA SAKUNANG DULOT NG
HIDWAAN POLITICAL O
PANGKALIKASANG KALAMIDAD.
Mga Terminolohiya sa pag-aaral
ng Migrasyon
⮚ FLOW - ay tumutukoy sa dami o
bilang ng mga nandarayuhang
pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay
kada taon.
⮚ Madalas ditong gamitin ang mga
salitang inflow, entries or
immigration.
⮚ Kapag ibinawas ang bilang ng
umalis sa bilang ng pumasok
nakukuha ang tinatawag na
net migration
⮚ STOCK - ay ang bilang ng
nandayuhan na
naninirahan o nananatili
sa bansang nilipatan.
⮚ Mahalaga ang flow sa
pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat
o mobility ng mga tao habang
ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto
ng migrasyon sa isang populasyon.
GAWAIN: SISID KAALAMAN
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas
na nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho?
2. Ano-anong bansa ang madalas puntahan ng mga
manggagawa? Sa iyong palagay, bakit sa mga
bansang ito sila nagpupunta?
3. Magbigay ng mga salik o dahilang
nakaiimpluwensiya sa mga manggagawa sa pagpili
ng bansang kanilang pupuntahan at pangatuwiranan
ito.
Maikling Pagsuslit:
Panuto: Basahin at unawaan ang bawat
katanungan.
1. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o
paglipat sa isang lugar.
a. Globalisasyon b. Migrasyon
c. Stockfigures d. flow
2. Ang mga Cebuano ang may
pinakamalaking bilang ng migrate
sa Dubai-karamihan sa kanila ay
pinetisyon ng mga naunang
Cebuano na naninirahan doon.
Ano ang dahilan ng migrasyon na
inilalarawan dito?
a. Paglayo sa kalamidad
b. Panghihikayat ng mga kamag-
anak
c. Pagnanais na makaahon mula sa
kahirapan
d. Paghahanap ng payapa at ligtas na
lugar na matitirhan
3. Mababa lamang ang tinapos ni Maria
kaya napilitan siyang mamasukan bilang
isang domestic helper sa Singapore. Ito
ay bunsod ng kadahilanang wala siyang
mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil
sa mababang kwalipikasyon. Alin ang
dahilan ng migrasyon sa kalagayan ni
Maria?
a. Pumunta sa bansa o lugar na
pinapangarap
b. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o
ibang bansa.
c. Panghihikayat ng mga kamag-anak na
matagal na naninirahan
d. Magkaroon ng trabaho dahil walang
mapasukang trabaho sa bansang
pinagmulan.
4. Daan-Daang pamilya ang nasa
gymnasium ng lungsod dahil sa
pinangangambahang pag-land fall ng
Bagyong Domeng sa loob ng 48 hours.
Alin sa sumusunod ang inilalalawang
dahilan ng migrasyon sa ibingay na
sitwasyon?
a. Pumunta sa bansa o lugar na
pinapangarap
b. Lumayo o umiwas sa kalimidad
c. Panghihikayat ng mga kamag-anak na
matagal na naninirahan
d. Magkaroon ng trabaho dahil walang
mapasukang trabaho sa bansang
pinagmulan.
5. Kamakailan ay nagging laman
ng pandaigdigang balita ang
paglusob ng mga makakaliwang
grupo sa lungsod ng Marawi. Ano
ang ugnayan ng paglusob ng mga
grupong ito sa migrasyon?
a. Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad
kaya nangyari ang migrasyon
b. Ang mga tao ay walang mapasukang
trabaho kaya nangyari ang migrasyon
c. Ang mga tao ay nakararanas ng
malnutrisyon kaya nangyari ang
migrasyon
d. Ang mga tao ay naghahanap ng payapang
lugar kaya nangyari ang migrasyon.

You might also like