You are on page 1of 3

Module 4

Komunikasyon - Ang komunikasyon ay hindi natin maiiwasan. Pangunahin ito sa pangangailangan


ng tao habang siya ay nabubuhay. Nagaganap ang anumang transaksiyon dahil sa
komunikasyon, babagsak ang alin mang sector ng lipunan kung walang komunikasyon.

Anyo ng komunikasyon - Berbal, Di-berbal

Mga dalubwika -
❖ Webster- ayon sa kaniya ang komunikasyon ay pagpapahayag o paghahatid ng
mensahe sa pasalita o pasulat na paraan.
❖ Greene at Petty- mula sa kanilang aklat na Developing Language Skills, ang
komunikasyon ay isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog o
anumang uri ng simbolo upang makapagpadal ng katotohanan, ideya,damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
❖ Communir- salitang mula sa Latin, nangangahulugan para sa lahat.

Uri ng komunikasyon
▪ Komunikasyong Intrapersonal - Ito ay komunikasyong pansarili. Ito ay
tumutukoy sa proseso ng komunikasyong nagaganap sa sariling katuunan. Ito
ang pinakabatayan ng komunikasyon.
Halimbawa: pag-aalala,pagdama at pag-iisip.
▪ Komunikasyong Interpersonal - Ito ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng dalawang katao o maliit na pangkat.
▪ Komunikasyong pampubliko- Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
isang tao at malaking pangkat ng tao. Napasailalim din sa uring ito ang mga
midyang pangmasa tulad ng pelikula,radio, telebisyon at mga peryodiko.

Iba’t-ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon:


➢ Chronemics (oras)
➢ Espasyo (Proxemics)
➢ Katawan (Kinesics)
➢ Pandama (Pandama)
➢ Simbulo (Ironics)
➢ Kulay (Colorics)
➢ Paralanguage (pagbigkas sa isang salita)
➢ Oculestics (paggamit ng mata)
➢ Objectics (paggamit ng mga bagay)
➢ Olfactorics (pang-amoy)
➢ Pictics (ekspresyon ng mukha)
➢ Vocalics (paggamit ng tunog)

Module 5

Globalisasyon - ay kaparaanan kung paaano


nagiging global o pangbuong mundo ang mga local o
pampook o pambansang mga gawi o paraan. May
mga epekto ito sa pamumuhay,politika,lipunan at
pang-araw-araw na pamumuhay.

Tatlong (3) konsepto ng globalisasyon


Privatization- pagsasapribado ng mga negosyo
Deregulasyon - kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at
pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng langis,tubig at kuryente.
Liberalisasyon - ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga
produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa.

Ano ang Globalisasyon?


➢ Ayon sa globalization 101 org., ang globalisasyon ay ang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng
mga tao, kompanya at gobyerno ng iba-ibang bansa; isang prosesong hatid ng internasyonal na
kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng impormasyong teknolohiya.
➢ Ang mga prosesong ito ay may mga epekto sa kapaligiran, kultura,sistemang political, kaunlarang
ekonomiko at sa pisikal na kalagayan ng mga lipunan sa libot ng mundo.
➢ Sa maikling salita, ang Globalisasyon ay pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang
malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.

“The Impact of Globalization on Communication Skills Development”, sinabi ni David Ingram na


ang paglinang ng kasanayang pangkomunikasyon ay mahalagang salik sa tagumpay ng Negosyo, ngunit
ang impluwensiya ng Globalisasyon at kros-kultural na interaksyon nitong mga nakalipas na dekada ay
nakaapekto ng lubos sa uri ng kasanayang pang komunikasyong kailangan.

➢ Mga pamamaraan ng komunikasyon sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.


1. Birtwal na Komunikasyon
2. Kamalayang Kultural sa Pananalita
3. Kamalayang Kultural sa Lenggwahe ng katawan
4. Pagkakaiba sa Oras

Ang tatlong mahahalagang impak ng globalisasyon sa global na komunikasyon at pangunahing


problema:
1. Abeylabiliti ng Impormasyon
2. Pagsasagawa ng Bisnes
3. Kamalayang Panlipunan
Ang problema - sa kabila ng mabilis, malawakan at patuloy na pag-unlad hindi pa rin nararating ng
global na komunikasyon ang mayorya ng mga tao sa lahat ng kontinente. Pinupunto lamang nito ang
pangangailangan sa higit na ekstensibong aplikasyon ng teknolohiya sa komunikasyon bilang bahagi ng
globalisasyon.

You might also like