You are on page 1of 25

Kontekstwalisadong

Komunikasyon
sa Filipino
Inihanda ni Ms. Gilda L. Quinones
FLIN01G
ANO ANG
KOMUNIKASYON?
•Ang komunikasyon ay hango
sa salitang Latin na
“communis” na ibig sabihin
ay saklaw lahat na binubuo
ng lipunan. Ito rin ay proseso
ng paghahatid at
pagtanggap ng mensahe.
MAKRONG KASANAYAN
(MANGAHIS, 2011)
PAGSASALITA
•ITO ANG INTERAKTIBONG AT
SISTEMATIKONG PAGBUO NG KAHULUGAN SA
PAMAMAGITAN NG PAGPAPAHAYAG AT
TUMATANGGAP.
PAKIKINIG
•ITO ANG KASANAYANG GINAGAMIT
UPANG MAKAKALAP NG IMPORMASYON MULA
SA TINIG O TUNOG. ITO RIN ANG UNANG
HAKBANG SA PAGKATUTO NG WIKA.
PAGBASA
•ITO ANG KASANANYANG GINAGAMIT
UPANG MAINTINDIHAN ANG TEKSTONG
NAKASULAT.
PAGSULAT
•PINAKAKOMPLIKADONG KASANAYAN
AT PINAKAHULI SAPAGKAT UPANG MATUTUNAN
ITO, KAILANGAN MALAMAN MUNA ANG
IBANG MAKRONG KASANAYAN.
URI NG KOMUNIKASYON
•Komunikasyong Berbal:

Ginagamitan ng wika na maaaring


pasulat o pasalita.
URI NG KOMUNIKASYON
•Komunikasyong Di-Berbal:

Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng


wika bagkus kilos o galaw ng katawan lamang ang
gagamitin sa paghahatid ng mensahe.
INTRAPERSONAL
•Isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na
kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na
higit na maging produktibong indibidwal.
INTERPERSONAL
•Ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng
dalawang tao na umaasa sa mensaheng inihatid
at tugon sa kausap.
PAMPUBLIKO
•Sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na
komunikasyon na ibig sabihin, natatapos ang
komunikasyon kapag naiparating na ng
nagpapadala ng mensahe sa kanyang tagapakinig.
Dalawa o higit pang katao ang kasangkot.
PANGMADLA
•Magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba
lamang sa kagamitan sa paghahatid ng
impormasyon dahil sa komunikasyong ito,
ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng
cellphone, telebisyon at radyo.
PANANALIKSIK AT KOMUNIKASYON
•ANG KOMUNIKASYON AY GINAGAMIT SA
PAKIKIPAGUGNAYAN SA ATING KAPWA UPANG
MAPAGDISKUSYUNAN ANG MGA KAALAMANG ATING
NAKALAP MULA SA PAGOOBSERBA AT PAGSUSURI SA
LIPUNAN.
PANANALIKSIK AT KOMUNIKASYON
• Ayon kay Salazar (2016), ang pananaliksik ay hindi lamang limitado sa tesis,
disertasyon, o terminong papel. Sa bawat pagpapahayag ng impormasyon o
kaalaman, ito dapat ay bunga ng pananaliksik. Ito ay tungkulin ng responsableng
mamamayan upang makabuo ng matino at maunlad na lipunan.

• Katuwiran ni Almario(2016), bata palang, dapat nang pagyamanin ng


paaralan ang karanasan, interes, at kakayahan ng mga Pilipino sa
pagsasaliksik. Isa itong paraan para mamukadkad ang kulturang saliksik
sa bawat tao, paaralan, at komunidad, at sa buong lipunang Pilipino.
Lahat ay mananaliksik sa lipunang may malakas na kultura ng saliksik.
IMPORMASYON
•ITO ANG KAALAMAN NA BINABAHAGI NATIN SA
IBANG TAO. MAHALAGA NA MARUNONG TAYO
MAG PROSESO NG IMPORMASYON DAHIL DITO
NAKASALALAY ANG MAGIGING DESISYON O
AKSYON NG SARILI AT MAARING PATI NA RIN NG
IBANG TAO.
MIDYA
•ISA SA MGA PARAAN UPANG MAKAKUHA NG
IMPORMASYON SA MODERNONG PANAHON.
NGAYON, MADALI NA ANG MAGPAKALAT NG MALING
IMPORMASYON DAHIL SA VIRTUAL COMMUNICATION
KAYA MAHALAGA ANG MAGING MAPANURI. ITO AY
MAARING PANLABAN SA PANG-AAPI, PANG-AABUSO,
AT PANLILINLANG.
MIDYA
•IBA'T IBANG ASPETO NG MIDYO AY HINDI
NEUTRAL SA KADAHILAN NA MAY SINASALAMIN
AT KINAKATAWAN ITONG MGA DISKURSO,
IDEYOLOHIYA AT KAPANGYARIHANG SOSYAL,
KULTURAL AT EKONOMIK. NAKAPALOOB DITO
ANG PAGPAPAHALAGA, INTERES, AT ADYENDA NG
MGA PRODYUSER.
Maxwell McCombs at Donald Shaw
•ANG PANGMADLANG MIDYA ANG NAGTATAKDA KUNG
ANO ANG PAG-UUSAPAN NG PUBLIKO.
George Gerbner
•Ang midya, lalo na ang telebisyon, ang
tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang
mundo’y magulo at nakakatakot.
Marshall McLuhan
•Binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan,
ugali at kilos kung kaya’t masasabing “ang midyum ay ang
mensahe”.
Stuart Hall
•Ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng
mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan.
KONTEKSTO
•SA HARAPANG PAKIKIPAGUSAP, HINDI LAHAT NG
SINASABI NG IBANG TAO AY AWTOMATIKONG
KATOTOHANAN. MAHALAGA ANG PAGTITIMBANG AT
PAGKALAP NG IMPORMASYON NA GALING SA IBA'T
IBANG TAO. DAPAT ISA ALANG ALANG ANG
KONTEKSTO NG IMPORMASYON AT PINAGMULAN
NITO. ANG MALING PAMAMARAAN AY MAARING
HUMANTONG SA DI ANGKOP NA DATOS.
WIKANG FILIPINO
•MAGTIWALA SA FILIPINO BILANG ISANG MABISANG WIKA NG
PAG-UNAWA AT PAGPAPA-UNAWA.
•MAGTIWALA TAYO SA KAANGKUPAN NG MGA KATUTUBONG
METODO SA PAGKALAP AT PAGSUSURI NG IMPORMASYON.
WIKANG FILIPINO
• Mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat nagkakaintindihan ang mga
kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil ang ating wika:

“hindi lamang daluyan kundi tagapagpahiwatig at


imbakan-kuhanan ng kultura” natin bilang mga Pilipino
(Salazar, 1996, p.45). Makakatulong ito sa paglago at pagkabuo
ng kaisahang kultural na Pilipino” (Salazar, 1996, p.45).

You might also like