You are on page 1of 81

Epekto ng Diskriminasyon sa Sikolohikal na Aspeto ng mga

Transgender: Isang Pag-aaral

Isang Pananaliksik na Iniharap

sa Departamento ng Senior High School

College of Saint Anthony

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa

Kahingian para sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Ikalawang Semestre,

Taong 2016-2017

nina:

Griffin Garrette S. Bautista

Anne Nicole V. Carig

Franmhel Aaron A. Doringo

Ma. Chris Paula D. Homeres

Abril 2017
iii

Gng. Arminda A. Costuna

Punong Guro, College of Saint Anthony

Pagkilala

Nais ihayag ng mga may-akda ang malugod na pagpapasalamat sa

mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagkakabuo ng pag-aaral na

ito.

Una sa lahat, nais magpasalamat ng mga mananaliksik sa kanilang

Alma Mater, ang College of St. Anthony at sa aming mahusay nilang Punong

Tagapamahala na si Gng. Costuna sa pagpapahintulot niya sa mga ito na

tuklasin ang mundo ng pagsasaliksik.

Sa mga respondanteng transgender, sa kanilang kooperasyon sa

isinigawang pag-aaral. Nang dahil sa kanila, naging posible ang pagkakaroon

ng magandang resulta sa pananaliksik na ito.

Sa mga random na respondanteng masugid at buong loob na sumagot

ng mga sarbey ipinakalat na sarbey, lubos ang pasasalamat ng mga

mananaliksik sa mga ito.

Taos puso ring nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang

pangalawang pamilya, ang klase ng Amorsolo 2016-2017, sa pagdamay at


iv

pagbibigay ng lakas ng loob sa panahong ang mga mananaliksik ay tuliro,

naguguluhan at nahihirapan sa pagsasagawa ng pag-aaral.

Sa lahat ng mga guro na nakibahagi at tumulong sa paghubog ng

produktibo at epektibong papel, maraming salamat po.

Panghuli, lubos ding nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa guro

sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik na si Bb. Louise Ann Valena sa walang hanggang pagsuporta,

paggabay at pamamahagi ng kanyang mga kaalaman tungkol sa epektibong

mga dulog, pamamaraan sa pangangalap ng mga datos sa mga

mananaliksik.
v

Para aming mga pamilya na walang sawang umuunawa,

tumulong at umalalay sa amin

Sa aming mga tunay na kaibigang nagbigay saamin

ng walang hanggang suporta at lakas ng loob.

At sa Poong Maykapal na hindi kailanman sumuko sa amin

hanggang aming mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.


vi

Abstrak

Pamagat : Epekto ng Diskriminasyon sa Sikolohikal na


Aspeto ng mga Transgender: Isang Pag-aaral
Mga Mananaliksik : Griffin Garrette S. Bautista
Anne Nicole V. Carig
Franmhel Aaron A. Doringo
Ma. Chris Paula D. Homeres
Tagapayo : Binibining Louise Ann V. Valea
Paaralan : College of Saint Anthony
Iginawad na titulo : Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Lawak ng Paksa : Filipino; Sosyolohiya
Taon : 2017

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng


diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga transgender mula sa San
Jose del Monte, Bulacan at mga karatig bayan nito.

1. Ano ang pangunahing kaalaman at pananaw ng mga tao sa usaping


transgender?
2. Paano nakakaapekto ang dikriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga
transgender at paano nila ito hinaharap?
3. Gaano nakatutulong ang presensiya ng pamilya sa pagharap ng mga
transgender sa hamon ng buhay?
Metodolohiya
vii

Sa pananaliksik na ito, unang inihanda ng mga mananaliksik ang mga


kakailanganin upang maisagawa ng matagumpay ang pag-aaral. Kabilang sa
mga kakailanganin ay ang mga waiver at liham pahintulot upang magtungo
sa mga pampublikong silid-aklatan at magsagawa ng sarbey. Ang mga
napiling respondente ng sarbey ay binubuo ng apatnapung random na
mamamayan ng San Jose del Monte at sampung mga transgender na
nagmula sa lungsod ng San Jose del Monte at mga karatig-bayan nito.
Maingat na binuo ng mga mananaliksik ang mga talatanungan para sa
sarbey sa patnubay ng gurong tagapayo ng pananaliksik na ito upang
makagawa ng instrumentong makakapagbigay ng sapat na kakailanganing
datos.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng dalawang set ng talatanungan


bilang primary source upang makakalap ng kinakailangang datos at
impormasyon mula sa dalawang grupo ng mga respondente. Ang ginamit na
estadistiko upang analisahin ang mga datos ay ang prekwensi at bahagdan.

Sa pamamagitan ng mga nabanggit na paraan, nakakalap ang mga


mananaliksik ng ibat ibang impormasyon at datos na nakatulong upang
masagutan ang mga pangunahing katanungan ng pananaliksik na ito na
maghahatid upang makabalangkas ng mga konklusyon at rekomendasyon.

Lagom ng Kinalabasan

Ang sumusunod na mga pahayag ang kabuuran ng pag-aaral na ito


patungkol sa mga diskriminasyon sa transgender:

1. Ang sampung transgender na sinarbey ay nakararanas ng


diskriminasyon patungkol sa kanilang kasarian;
2. Karamihan sa mga tagatugong transgender ang nagsabing sila ay

nadidiskrimina sa verbal na pamamaraan;


viii

3. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pinakasandigan ng mga

transgender laban sa diskriminasyong kanilang natatamo ay ang


kanilang mga pamilya;
4. Mayroong ibat ibang pahayag ang mga transgender paukol sa kung

paano nakaka-apekto ang diskriminasyon sa kanila ngunit ang


nagkamit ng pinakamataas ng numero ng respondente ay ang sagot
na sila ay nasasaktan dahil dito;
5. Mayorya ng mga respondanteng transgender ang naniniwala na ang

pagsasawalang bahala o hindi pagpansin sa mga taong nang-aalipusta


sa kanila ang tanging paraang kanilang ginagawa upang makaiwas sa
gulo;
6. Halos lahat ng mga tagatugong transgender ay nagpahiwatig na wala

silang anumang pinagsisihan sa kanilang desisyon na magpabago ng


kasarian;
7. Maraming napansin ang sampung respondenteng transgender na

pagbabago sa kanilang pagkilos matapos makaranas ng


diskriminasyon ngunit ang nangungunang tugon ay ang tuluyan nilang
pag-iwas sa pakikisalamuha sa iba dulot ng pangambang sila ay
mahusgahan;
8. Lahat ng mga tagatugong transgender ay nagsasabing labis na

nakakatulong ang pamilya at malalapit na kaibigan sa kanila sapagkat


sila ang nagsisilbing sandigan at lakas nila sa mapanghusgang
lipunang kanilang ginagalawan;
9. Karamihan sa mga ordinaryong mamamayan na sumagot sa ipinakalat

na sarbey ang mayroong pangunahing kaalaman na ang mga


transgender ay yaong mga taong nagkaroon ng pisikal na pagbabago,
partikular na sa kanilang bayolohikal na pangkasarian;
10. Ayon sa mga nakalap na datos, mas marami ang porsyong

tumatanggap sa mga transgender kumpara sa mga hindi;


11. Mas marami ang nagsasabing hindi sila ni minsang nangdiskrimina
ng mga taong kabilang sa LGBT community;
ix

12. Mayroong pinakamataas na bilang ang nagsasabing ang nagtutulak


sa kanila na diskriminahin ang mga transgender ay ang ibang
pagkilos nito; at
13. Ang sagot na nagtamo ng dominanteng bilang ng respondente sa
tanong kung ano ang nakikita nilang posibleng solusyon upang
maiwaksi ang diskriminasyon patungkol sa mga transgender ay ang
buong loob na pagtanggap sa mga ito.
x

DAHON NG PAGPAPASYA

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na EPEKTO NG


DISKRIMINASYON SA SIKOHIKAL NA ASPETO NG MGA
TRANSGENDER: ISANG PAG-AARAL na inihanda nina GRIFFIN
GARRETTE S. BAUTISTA, ANNE NICOLE V. CARIG, FRANMHEL AARON
A. DORINGO, at MA. CHRIS PAULA D. HOMERES bilang bahagi ng
pagtupad sa kahingian para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ay itinatagubiling tanggapin
at pagtibayin sa isang PAGSUSULIT NA PASALITA

BB. LOUISE ANN V. VALEA

Tagapayo

-------------------------------------------------------------------------------------

PANEL NA TAGASULIT

Pinagtibay ng Lupon ng Pagsusulit na Pasalita na may promedyong


____________________.

___________________________

___________________
___________________

___________________ ___________________

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng kahingian sa asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Pumasa sa Pagsusulit na Pasulat (Comprehensive Examination) noong


ika-____ ng _________, 2017
xi

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA
Pagkilala ........... iii

Paghahandog . iv

Abstrak . v

Talaan ng Nilalaman .......... x

Kabanata

I. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL .. 1


INTRODUKSYON .. 1
SANLIGAN NG PAG-AARAL . 6
PAGLALAHAD NG SULIRANIN 9
KONSEPTWAL NA BALANGKAS 10
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL .... 12
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL 14
KATUTURAN NG TERMINOLOHIYANG GINAMIT . 15
II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL . 18
BANYAGANG LITERATURA 19
LOKAL NA LITERATURA . 22
III. METODOLOHIYA 25
PAMAMARAANG GINAMIT . 25
POPULASYON . 26
PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK . 26
DESKRIPSYON NG MGA KALAHOK 27
xii

INSTRUMENTONG GAGAMITIN 27
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS 28
ESTADISTIKONG GAGAMITIN .. 28

IV. PRESENTASYON, INTERPRETASYON, AT


PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATIS .. 30
DATOS MULA SA RANDOM NA MGA RESPONDENTE . 30
DATOS MULA SA MGA TRANSGENDER . 37
V. BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON . 46
LAGOM NG KINALABASAN 46
KONKLUSYON . 48
REKOMENDASYON . 49

TALASANGGUNIAN . 51
DAHONG DAGDAG 53
A. LIHAM PAHINTULOT .. 53
B. SARBEY 54
C. MAIKLING TALA NG MANANALIKSIK 56
DOKUMENTASYON .. 60
xiii
1

Kabanata I

Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Introduksyon

Sa takbo ng daigig sa ngayon, marami ang nagugulumihanan sa tunay

na pagkaka-iba ng sex at gender. Ayon sa pag-aaral, ang sex ay ang

bayolohikal na salik ng indibidwal; ito ang pagkakakilanlan ng pisikal na

aspeto gaya ng sariling pangangatawan ng tao. Ang sex ay nakatuon lamang

sa biological features gaya ng chromosomes, hormones, maging sa internal

and external anatomy samantalang ang gender, sa kabilng banda, ay

karaniwang inilalarawan bilang bahagi ng sikolohikal na aspeto ng isang tao.

Ito ay nakabatay sa panuntunang panlipunan na nakasandig sa kultura at

tradisyon. Ang gender ay tumutukoy rin sa mga gampanin at tungkulin ng

indibidwal sa lipunang kinagisnan. Nahahati ito sa dalawang kategorya: ang

masculine at ang feminine. Ang masculine ay tumutukoy sa katangian, anyo,

pag-uugali, at pag-iisip na panlalaki, habang ang feminine ay katulad nito

ngunit pangbabae.

Ang gender identity at sexual orientation ay may distinksiyon rin. Ayon

sa American Psychological Association, and sexual orientation ay tumutuon

sa emosyonal, pisikal at romantikong atraksyon na nararamdaman ng isang


2

tao sa kapwa. Samantala, ang gender identity ay ang personal na

konsepsiyon ng indibidwal sa kanyang sarili bilang babae o lalaki.

Mayroong tinatawag na gender stereotype kung saan ng bawat

mamamayan ay inaasahang kumilos ayon sa likas na katangian at

kakayahan ng kinabibilangan niyang kasarian. Maari ring ilarawan ito bilang

over-generalization ng mga karakter ng pangkalahatang pangkat base sa

kanyang kinabibilangang kasarian. Halimbawa, ang mga mga kababaihan ay

inaasahang manatili sa bahay at gampanan ang kanyang mga tungkulin

bilang ilaw ng tahanan. Sa kabilang banda, ang mga lalaki naman ay ang

siyang dapat na tumayong pundasyon ng pamilya. Ang mga kalalakihan ay

inaasahang kumayod at magtrabaho para masustentuhan ang pangunahing

pangangailangan ng kanyang pamilya. Makikita rito kung paano uriin ang

social roles ng mga babae at lalaki sapagkat ito na ang mga nakasanayan at

nakagawian. Sa patuloy na pagktakbo ng oras at pagbabago henerasyon,

unti-unti nang naglalaho ang ilan sa mga klisey o stereotypes.

Ang ilan naman ay hindi inuuri ang kanilang sarili bilang babae man o

lalaki sapagkat naniniwala sila na walang angkop na kasarian para sa kanila.

Sa isang maksasaysayang legal ruling noong Hunyo 2016, inaprubahan ng

isang hukom sa Oregon ang legal at malayang di-pagpili ng kasarian. Maari

nilang tawagin ang sarili na nonbinary. Marami ang nakararanas ng identity

crisis simula sa pagkabata pa lamang. Mayroong malawak na

pagpapaliwanag ang identity crisis, ito ay isang personal na sikolohikal na


3

problemang kinakaharap ng indibidwal na sumasailalim sa matinding

pagkalito sa kung anong panlipunang tungkulin at identity ang kailangan at

nais niyang gampanan at taglayin. Ayon kay Erik Erikson, ito ay isang

panahon kung kailan masugid na tinatasahan o sinusuri ng isang tao ang

kanyang sarili sa ibat ibang anggulo at paraan upang makamit ang sagot

kung ano ba ang tunay na persepsyon niya sa kanyang sarili.

Ang identity crisis ay karaniwang nangyayari sa adolescent period kung

saan ang mga teenagers ay nakararamdam ng ibat ibang pagbabago sa

kanilang pisikal na pangangatawan. Sa panahon ding ito, mas tumitindi ang

kuryosidad ng mga kabataan at kanila nang kinukuwestiyon ang mga

responsibilidad, estado at gampanin nila sa lipunan. Ayon kay Erikson,

nararapat na pag-isipan ng maigi ng mga teenagers ang mga isyu na maari

nilang kaharapin pati narin ang landas na nais nilang tahakin upang wala

silang pagsisihan sa desisyong kanilang gagawin. Kapag itoy naisakatuparan

at napagtanto na ng isang teenager na ang kanyang kasarian sa lipunan ay

wasto at nararapat para sa kanya, tiyak na nakamit na niya ang

psychological state na kung tatawagin ay identity achievement.

Gayunpaman, kung hindi hahantong sa isang matatag at pirming desisyon

ang indibidwal tungkol sa kanyang personalidad at kasarian, patuloy na

hahadlang ang identity diffusion o isang proseso ng pagtuklas ng sarili kung

saan nakakaranas ng pagkalito ang indibidwal sa kung ano ang pipiliing

social identity.
4

Dulot ng societal pressure, pati na rin ng nakasanayang kultura at

tradisyon, nagiging pagsubok para sa mga taong nakakaranas ng gender

discontentment na ipahayag ang kanilang mga sarili. Ang kadahilanang ito

ay dulot ng nakasanayang gawi ng lipunan na ibase ang kilos o galaw sa

kung ano ang nakagisnan at kung ano ang tama para sa mata ng

nakararami. Sa madaling salita, ito ay tinatawag na gender stereotyping.

Ang pagharap sa hamon ng identity crisis at gender dysphoria ay kalimitang

nauuwi sa pagpapa-sex change na kalaunan ay pagiging isang transgender.

Marami ang nag-aakalang ang transgender at transexual ay iisa lamang

ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ay may pagkakaiba. Ang

transgender ay isang terminolohiyang ginagamit na tumutukoy sa mga

taong may taglay na personaliddad, ekspresyon, layunin, persepsyon, kilos

at malawak na pagkilala sa sarili na taliwas sa kasariang mayroon sila

pamuhat nang sila ay isinilang. Dahil sa psychological urge at kagustuhan ng

indibidwal na mapalitan ang pisikal at bayolohikal niyang katauhan

hanggang sa ito ay umayon at umangkop na sa kanyang ninanais,

sumasailaim ito sa dalawang popular at talamak na operasyon: ang sex-

reassignment therapy at surgery.

Samantala, sakop ng transgender ang ibat ibang uri ng terminolohiyang

pangkasarian kagaya ng transexual, transvestite, drag queens, drag kings at

cross-dressers. Ang transexual ay isang taong nagtataglay ng pambabae at

panlalaking reproductive organs ngunit nagpapakita ng sinyales ng kawalang


5

kasiyahan sa kasariang ipinagkaloob sa kanya. Kalimitan ding

nakakaramdam ang isang transexual na tila sila ay nakakulong sa mali o di-

wastong katawan o katauhan. Ang mga transexual ay naglalayon,

matagumpay man o hindi na ihanay ang kapwa gender at sex nila sa tulong

ng medikal na operasyon. Ayon sa DSM-V, ang mga transexual ay gender

dysphoric. Pinaniniwalaang ang problema ay nasa pisikal na kaanyuan at

hindi sa mental. Gayunpaman, mayroon ding pagkakatulad ang transgender

at transexual. Kapwa nakararanas ng depresyon, panic, pag-abuso sa ilegal

na gamot, at suicidal tendencies ang dalawang partido ngunit ang isang

transexual ay maaring maging biktima rin ng pagiging outcast o isolated sa

lipunan. Higit pa rito, mas tanyag ang transexual sa negatibong

pagkakakilanlan dahil sa stigma. Gayon din, ilan pa sa nakapaloob sa

usaping transgender ay ang mga transvestites, drag queen, at drag king.

Sila ay yaong mga nagko-cross dress o pagsuot ng mga kasuotang para sa

kasalungat na sex. Sa karaniwan, bihira sa mga ito ang sumasailalim sa

surgery upang mapalitan ang kanilang kasarian. Kalimitang makikita o

matutunghayan ang mga transvestites at drag queen/kings sa mga comedy

shows o iba pang mga pagtatanghal na may layuning magpasaya. Salungat

sa mga transexual na nagnanais na mabago ang kanilang kasarian sa

panghabang panahon, ang mga transvestites ay nagpapalit lamang ng

kasarian sa pamamagitan ng pagdadamit-lalaki o babae sa maikli at

limitadong panahon.
6

Datapwat maituturing na ang mga tao ay namumuhay na sa

makabagong panahon, talamak parin ang kamangmangan partikular na ng

mga Pilipino sa pagkakaiba ng transgender at intersex. Ang intersex ay

yaong mga indibidwal na ipinanganak na may genital ambiguity, isang

kondisyon kung saan ang eksternal na ari ng sanggol ay hindi malinaw kung

pambabae o panlalaki. Maaring hindi maayos na nadebelop ang genital ng

sanggol o di kaya ay taglay nito ang mga katangian ng dalawang kasarian.

Maaring sumailalim sa operasyon ang mga indibidwal na nakararanas ng

ganitong kondisyon upang iangkop ang kanyang ari sa kanyang sexual

identity. Pagdating sa ibat ibang uri ng diskriminasyon, mas naapektuhan

ng verbal at di-verbal na pang-aabuso ang mga transgender kumpara sa

mga intersex. Mas tinatanggap ang mga intersex sa lipunan sapagkat

pinaniniwalaang sila ay mas may matinding pangangailangan kaysa sa mga

transgender.

Mayroon namang ibat ibang pananaw ang mga relihiyon ukol sa mga

transgender, at hindi lahat ay sang-ayon sa komunidad na ito. Walang

malinaw na distinksiyon ng transgender sa mga relihiyosong teksto, at kahit

karamihan sa mga relihiyon ay tutol sa trans behavior, mayroon pa ring mga

kultura at tradisyon na nagtataguyod o nagpapalaganap ng pagtanggap sa

ilang parte ng mundo kabilang na ang mga relihiyon. Kung kayat ang

pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang magkaroon ng kaalaman at

lubos na maunawaan ang epekto ng dikriminasyon sa sikilohikal na aspeto


7

ng mga trangsender. Nais din ng mga mananaliksik na makakalap ng mga

datos na posibleng makatulong sa mga transgender sa pagharap sa di-

mapipigilang diskriminasyon patungkol sa kanila.

Sanligan ng Pag-aaral

The word transgender refers to

having a gender identity that differs

from ones sex assigned at birth.

Ang pahayag na ito ay mula kay Walter Bockting, isang tanyag na

propesor sa medikal na sikolohiya, ibig sabihin, ang mga transgender ay

yaong mga indibidwal na ang pagkatao ay taliwas sa bayolohikal nitong

kasarian pagkapanganak. Ang pahayag na ito ang nagbigay patunay na mali

ang persepsyon ng nakararami na ang mga bakla at tomboy ay kapareho ng

mga transgender. Ang pagiging bakla at tomboy ay sekswal na oryentasyon

at nakabatay sa kasarian ng mga nagugustuhan nito nang hindi nababago

ang sariling bayolohikal na kasarian. Sa kabilang banda, ang pagiging

transgender ay nakabatay sa pagkakakilanlan ng sarili sa kanyang kasarian

na iba sa kanyang bayolohikal na aspeto.


8

According to Sherer, transgender people are often treated

extremely poorly by their parents, by their schools, by society

at large, and that can lead to problems in school and at work,

as well as poverty and increased risk of substance use.

Sa pahayag na ito ay inilahad ni Sherer, isang direktor sa medikal na

institusyon sa kasarian, na ang mga transgender ay kadalasang paksa ng

diskriminasyon at panghuhusga ng mayoryang populasyon. Ayon pa sa

kanya, ito ay nagdudulot ng pinsala sa mga transgender na nakakaapekto sa

takbo ng buhay nito at pagkilos sa lipunang kinabibilangan. Sa pamamagitan

ng pahayag na ito, mas naging kongkreto ang nasabing pagkakaroon ng

epekto ng diskriminasyon patungo sa minoryang grupo ng mga transgender.

Binanggit din sa pahayag na ito na ang mga taong gumagawa ng

diskriminasyon ay hindi limitado sa mga taong malayo at hindi lubusang

kilala ang transgender, ito ay maaari ring magmula sa sarili nitong pamilya.

Transgender people are more vulnerable to

symptoms of depression and anxiety, which is

at least in part attributable to the social stress

they experience as members of a gender

minority population.

Ito ay pahayag na mula rin kay Bockting. Isinasaad ng pahayag na ito

na ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa bayolohikal at tunay na kasarian ng

isang transgender ay nagdudulot din ng kumplikasyon sa emosyon nito. Ang


9

mga transgender na siyang kadalasang laman ng mga diskriminatoring

usapan ay madalas na nagiging biktima ng depresyon at pagkabalisa.

Pinatunayan ni Bockting ang pahayag ni Sherer na ang diskriminasyon

patungo sa mga transgender ay posibleng magdulot ng mas malaking

negatibong epekto sa mas malaki pang konteksto. Katulad ng halimbawang

binigay ni Sherer na kung saan ang diskriminasyon ay posible ring maging

isang ugat na nagdudulot sa problemang panlipunan ng isang transgender,

ito rin ay nagdudulot ng problemang emosyonal na kalaunan ay

nakakaapekto sa sikolohikal. Ang mga problemang ito sa pakikipag-

ugnayan ng isang transgender sa lipunang kinabibilangan nito na maaaring

dulot ng depresyon at pagkabalisa ay sumusuporta sa naunang pahayag ni

Sherer.

Human beings live in interdependent

emotional systemsthe basic building block

of any emotional system is the triangle.

Ang mga pahayag na ito ay ang pinakatanyag sa mga iniwan ni M.

Bowen. Ayon sa kanya, ang mga tao ay hindi makakalagpas sa mga

problema kung wala itong katulong at kaagapay. Natural sa ating specie ang

pagdepende sa ibang tao. Bilang transgender, sila rin ay may ganitong

pangangailangan at naghahangad ng kalinga at pagsuporta, lalo na ang

mula sa kanilang pamilya. Sa pahayag na nabanggit, ang halimbawa raw ng

sistemang emosyonal na kung saan nakadepende ang mga tao ay ang


10

tatsulok, at ang tatsulok na ito ay sumisimbolo sa pamilya. Sa tulong at

pagkakaroon ng magandang interaksyon sa loob ng pamilyang

kinabibilangan ng transgender, mas tumataas ang posibilidad na

malagpasan nito ang mga problemang kinahaharap lalo na ang

diskriminasyon na bagamat maaaring hindi manggaling sa pamilya, ay hindi

pa rin maiiwasang mangyari mula sa ibang parte ng lipunan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng

diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga transgender mula sa San

Jose del Monte, Bulacan at mga karatig bayan nito.

1. Ano ang pangunahing kaalaman at pananaw ng mga tao sa usaping

transgender?

2. Paano nakakaapekto ang dikriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga

transgender at paano nila ito hinaharap?

3. Gaano nakatutulong ang presensiya ng pamilya sa pagharap ng mga

transgender sa hamon ng buhay?


11

Konseptwal na Balangkas
12

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga transgender at epekto ng

diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga ito. Naisasagawa ang mga

proseso sa pananaliksik at pag-aaral ayon sa mga nakatala sa ibaba.

Sa unang bahagi ng pananaliksik, aalamin ng mga pangunahing

pananaw at kaalaman ng mga tao sa usaping transgender. Ang mga datos

na makakalap ang magsisilbing basehan ng mga mananaliksik sa

pagdetermina ng mga salik na nagiging rason ng diskriminasyon. Sa

bahaging ito, tutuklasin ng mga mananaliksik kung ano ang mga kaugnay na

batayang teorya ng mga pantas at dalubhasa sa mga pagbabago ng takbo

ng sikolohikal na aspeto ng mga tao.

Sa ikalawang bahagi ng pananaliksik, sunod na tutuklasin ng mga

mananaliksik ang mga dahilan na nagdudulot sa diskriminasyon sa mga

transgender at ang mga epekto nito sa mga nadidiskrimina lalo na sa

sikolohikal nitong aspeto. Ito ay isa rin sa mga magiging basehan at gabay

ng mga mananaliksik sa pag-aaral. Sa bahaging ito, aalamin ng mga

mananaliksik ang mga teoryang magbibigay ng mas malalim na

impormasyon kaugnay sa pag-aaral ng pagbuo at epekto ng diskriminasyon.

Sa huling bahagi ng pag-aaral ay oobserbahan at kukuha ng

impormasyon ang mga mananaliksik patungkol sa kung paano nakatutulong

ang presensya ng pamilya nga mga transgender sa pagharap nito sa

diskriminasyon at iba pang kumplikasyon at problema dulot ng kanyang


13

kasarian. Tutuklasin sa bahaging ito ang mga teorya na magiging basehan

sa pag-analisa sa mga malapit sa mga transgender.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumutugon sa nararanasang verbal at di-

verbal na diskriminasyon ng mga transgender sa San Jose Del Monte

Bulacan. Masugid na inalam at sinuri ng pananaliksik na ito ang mga epekto

ng diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga transgender. Ang

inaasahang resulta ng pag-aaral na ito ay maaring magsilbing instrumento

upang mapayabong ang kaalaman ng mga mag-aaral, mga guro, mga

transgender, mga susunod na mananaliksik, at ng mga miyembro ng

lipunan tungkol sa mga kinahaharap ng mga transgender at epekto nito sa

kanila.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na

mapalawak ang paunang kabatiran ng mga mag-aaral, partikular na sa

mataas na paaralan, ukol sa usaping transgender. Magpopokus ang mga

mananaliksik sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan sapagkat dito

nagaganap ang transisyon ng isang teen-ager mula sa pagkamusmos

patungo sa pagiging indibidwal na may muwang sa mga pangyayari sa

lipunan. Maaring maging daan ang pananaliksik na ito upang pag-igtingin

ang kamalayan ng mga kabataan. Mas makilala ng mga kabataan ang mga

transgender at inaasahang kalaunan ay maiintindihan din nila kung bakit


14

sumailalim ang mga ito sa operasyon upang magpa-sex change. Nais rin

ng mga mananaliksik na kung hindi masugpo, ay mabawasan ang mga

diskriminasyong natatamo ng mga transgender mula sa mga kabataan at

mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapa-intindi sa kanila kung ano ang mga

sikolohikal na epektong maaring maidulot ng mga negatibong kritisismo sa

mga ito. Maari rin itong maging gabay sa mga mag-aaral na nakararanas ng

gender dysphoria, isang kondisyon kung saan nakararanas ang indibidwal

ng pagkabalisa sa kanyang sariling kasarian. Maigi na malaman ng mga

kabataan sa modernong panahon ang ibat ibang salik, konsepto,

persepsiyon ng mga mananaliksik, at epekto ng diskriminasyon ukol sa

paksang ito.

Ang mga guro ang tumatayong pangalawang magulang ng mga

kabataan sa paaralan kaya naman mayroon silang malaking kontribusyon sa

pagdebelop sa lebel ng maturity ng isang bata. Ang pananaliksik na ito ay

naglalaman ng ibat ibang persepsyon at pagsusuri na maaring

makapagbigay ng malawak na kaalaman upang mas maipaliwang ng maayos

sa mga mag-aaral ang epekto ng diskriminasyon sa mga transgender at

kung paano nakaaapekto ang mga opinyon ng mga ito sa sikolohikal na

aspeto ng isang transgender. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi ring

batayan ng mga guro kung paano nila dapat konsultahin, pakisamahan at

itrato ang mga estudyanteng maaring nakararanas ng gender dysphoria.

May mangilan-ngilang mga guro rin na walang sapat na kaalaman ukol sa


15

paksang ito kayat layunin ng mga mananaliksik na palawakin pa ang

kanilang mga nalalaman at pag-unawa sa usaping transgender upang mas

maging epektibo ang paggabay at pag-alalay nila sa mga kabataang

kanilang hinuhulma upang maging mabuti at wais na indibidwal ng lipunan.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong rin sa mga transgender

upang mas maunawaan nila ang pagpapakahulugan ng salitang

transgender. Maari rin itong magbigay impormasyon sa mga nagbabalak

pa lamang na magpa-sex change kung ano ang posibleng maging epekto

ng diskriminasyon sa sikolohikal nilang aspeto matapos ang isinagawang

pagbabago sa katawan. Mas mapapalawak pa ang kanilang kaalaman

tungkol sa paksang ito dahil may ilang mga terminolohiya ring maaring bago

sa kanilang pandinig na matatagpuan sa pananaliksik na ito. Inaasahang

makatutulong rin ang pag-aaral na ito upang mas maging matibay, kapwa

sa emosyonal at sikolohikal na aspeto ang mga transgender sa kabila ng

mga diskriminasyong natatamo nila.

Makatutulong ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sa

hinaharap na nais gumawa ng kanilang sariling pag-aaral na may

kinalaman sa paksang transgender. Malaki ang magiging kontribusyon nito

upang mapabilis ang pagkuha ng mga susunod na mananaliksik ng

karampatang impormasyon sa kanilang nais malaman sa kanilang pag-aaral.

Maaari rin nilang gamitin ang mga nakalap na impormasyon ng mga

naunang mananaliksik at dagdagan na lamang ito ng mga matibay na


16

ebidensya at panibagong kaalaman na susuporta, magpapatunay, at

magpapalawak sa kanilang isasagawang pananaliksik.

Huli sa lahat, layunin ng pananaliksik na ito na ang maitama ang

maling kaisipan at persepsyon ng mga tao sa lipunan ukol sa paksang

transgender. Marami ang walang wastong kaalaman sa terminolohiyang

tansgender kaya naman nais ng mga mananaliksik na ituwid at

payabungin ang kaalaman ng mga tao patungkol sa mga transgender.

Layunin rin ng pag-aaral na ito na ipakita ang opinyon at paunang kaalaman

ng mga miyembro ng lipunan sa ganitong paksa sa pamamagitan ng mga

sarbey na ipinakalat ng mga mananaliksik. Ang pinaka-inaasang bunga nito

ay ang pagtigil ng diskriminisyon laban sa mga transgender at buhayin ang

kapayapaan at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-pansin sa mga kalalakihan at

kababaihan na nagpapabago ng kasarian. Aalamin ng mga mananaliksik ang

mga epekto ng diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto ng mga transgender.

Saklaw ng pagaaral na ito ang mga transgender na nasa lugar ng San

Jose Del Monte, Bulacan at mga karatig-bayan nito na sumailalim sa

operasyon o ng hormonal therapy at nakararanas ng diskriminasyon. Ang

mga nasabing transgender ang pangunahing pagkukuhanan ng mga


17

impormasyon sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagsagot sa sarbey ukol

sa epekto diskriminasyon at ng papalit ng kasarian sa mga ito.

Kabilang sa pag-aaral na ito ang mga kaalaman patungkol sa mga

nag-uudyok sa mga transgender na magpa-sex change at kung gaano

nakakatulong ang presensiya ng pamilya sa pagharap nila sa mga problema

at isyu, partikular na sa diskriminasyon.

Ang mga napiling respondante ay may kabuuang labinlimang mga

transgender at tatlumput limang mga random na ordinaryong mamamayan.

Pinili rin ng mga mananaliksik na sa isang sakop ng magkakalapit na bayan

lamang magpokus nang sa ganon ay magkaroon ng maayos na

interpretasyon ang anumang datos na maaring makuha sa isasagawang

pag-aaral.

Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang sumusunod na mga salita ay ginamit ng mga mananaliksik sa

pag-aaral na ito at binigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit nito.

Transgender isang tao na ang personal na pagkakalianlan sa kasarian ay

hindi sumasang-ayon sa kaniyang kasarian sa kapanganakan.

Bayolohikal na Kasarian (sex) tumutukoy sa kasarian ng isang tao sa

kaniyang kapanganakan. Mauuri bilang lalaki at babae.


18

Kasarian (gender) tumutukoy sa personal na pagkakakilanlan ng

kasarian na maaaring taliwas sa bayolohikal nitong kasarian. Mauuri bilang

masculine at feminine.

Masculine tumutukoy sa pagkakaroon ng katangian, anyo, at pag-uugali

na panglalaki.

Feminine tumutukoy sa pagkakaroon ng katangian, anyo, at pag-uugali

na pangbabae.

Sex Change isang proseso kung saan ang isang tao ay nagpapabago ng

kasarian sa pamamagitan ng pagpapalit ng babaeng sekswal na katangian

sa lalaking sekswal na katangian, o kabaliktaran.

Diskriminasyon ang pagtrato sa mga indibidwal o isang grupo ng mga

taong naiiba dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, edad, kapansanan, pisikal na

kilos, nasyonalidad, at sekswal na oryentasyon.

Sikoholikal na Aspeto ito ay tumutukoy sa isip, diwa at asal ng

indibidwal.

Chromosome isang organisadong istraktura na naglalaman ng karamihan

ng mga DNA ng isang buhay na organismo.

Hormones ito ay ang kemikal na nililiha ng glandulang sistemang

endokrin. Tungkulin nitong tumulong sa wastong metabolism, paglaki, at

pagbabagong sekswal ng katawan.


19

Societal pressure ito ang mga ekspektasyon na nakakaapekto sa buong

komunidad, o sa mga tiyak na parte nito, kagaya ng presyon sa pag-aasawa

at pagkakaroon ng mga anak.

Sex-reassignment therapy ang layunin nito ay ang baguhin ang

pangunahing katangian ng isang babae at lalaki sa pamamagitan ng

pagpapalit ng reproductive organ nito. Ito rin ang mga pamamaraan upang

baguhin ang hitsura, kabilang na ang permanenteng pag-alis ng buhok para

sa transwoman.

Identity achievement Pagkatapos ng isang proseso ng aktibong

paggalugad, ang mga adolescents ay humahantong na sa isang desisyon

ukol sa kanyang pagkakakilanlan. Ito ay nailalarawan rin bilang isang

mataas na pangako at masugid na pagsaliksik sa sarili.

Gender dysphoria ito ay isang kondisyon kung saan nakakaramdam ang

indibidwal na ang emosyonal at sikolohikal niyang pagkakakilanlan bilang

babae man o lalaki ay taliwas sa kanyang bayolohikal na sex.

Pagkasiphayo ito ay tumutukoy sa estado ng pagkakaroon ng matinding

emosyon na maihahalintulad sa depresyon.

Pananaliksik isang sistematikong imbestigasyon at pag-aaral sa isang

particular na paksa. Pangongolekta ng kaalaman na makatutulong sa

pagsagot sa pangunahing problemang nais sagutin ng mga mananaliksik.


20

Mananaliksik ito ay tumutukoy sa mga taong nagsasagawa ng

pananaliksik at nangangalap ng impormasyon patungkol sa paksa at

suliranin ng pag-aaral.

Teorya magkakaugnay na grupo ng mga nasuring malawak na paksa na

kadalasang itinuturing na tama. Maaaring gamiting prinsipyong basehan sa

pagpapaliwanag ng paksa ng pananaliksik.


21

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa kabanatang ito ay tatalakayin ang mga kaugnay na literatura at

pag-aaral na makatutulong at mapagkukuhanan ng mga impormasyong

susuporta sa pananaliksik. Matatagpuan dito ang mga banyaga at lokal na

mga literatura na maaaring maiugnay sa isinasagawang pag-aaral.

Naghahanap ang mga mananaliksik ng mga manunulat at iba pang mga

mananaliksik na may isinagawang pag-aaral o may isinulat na aklat na

konektado at may mga nilalamang maihahambing sa isinagawang pag-aaral.

Sa banyagang literatura, matatagpuan ang mga isinulat na pahayag

mula sa aklat, pag-aaral, o artikulo ng mga banyaga na kaugnay sa pag-

aaral na ito. Aanalisahin ito ng mga mananaliksik at ilalahad ang mga

importanteng pahayag at koneksiyon nito sa pananaliksik. Kasunod ang mga

lokal na literatura na isinulat ng kapwa Pilipino na naglalaman din ng mga

pahayag na mahalaga sa pag-aaral. Sa pag-aanalisa ng mga ito, maaaring

makakuha ang mga mananaliksik ng mga panibagong ideya at kaalamang

susuporta sa pananaliksik upang makagawa ng malinaw at mabisang pag-

aaral. Ang kabanatang ito ay mahalaga dahil dito matatagpuan ang mga
22

impormasyon mula sa mga naisagawang pag-aaral na maaaring maging

basehan at gabay ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito

Banyagang Literatura

Sigmund Freuds theory of psychosexual development n

the idea that parents play a crucial role in managing their

childrens sexual and aggressive desires during the first few

years of life to foster their proper development. The 5

stages of Freuds psychosexual theory of development

include the oral, anal, phallic, latency and genital stages.

Ayon sa teoryang ito, mayroong krusyal at malaking gampanin o parte ang

mga magulang sa pamamatnugot sa sekswal at agresibong pagnanais ng

kanilang mga anak sa wastong pagalaki nito. Ang tamang paggabay ng mga

magulang ay labis na nakaka-apekto upang mapagtagumpayan ng mga

kabataan ang limang yugto ng personal na pag-unlad ng indibiwal. Sila ang

nagpapatnubay sa mga kabataan upang mapagdesisyunan ng mga ito kung

anong gampaning pangkasarian at pagkakakilanlan ang nararapat nilang

taglayin sa hinaharap. Ang mga magulang ay may kontribusyon rin sa kung

ano ang magiging karakter at personalidad ng kanilang mga anak. Sila rin ay
23

isa sa mga salik kung bakit ang kanilang anak ay humahantong sa desisyong

magpa-sex change at maging isang ganap ng transgender.

According to the sexual script theory, human sexuality is

largely determined by culturally-prescribed scripts, or

templates for behavior. Despite the 20 th Centurys

advances in gender roles, the stereotype that men are

generally sexually eager and women are coy, if not

repressed, is still a sexual norm. (Garcia, Reiber, Massey

& Merriwether, 2012) To further complicate matters,

adhering these traditional gender roles is associated with

societal rewards and punishments (Schneder, Gruman, &

Coutts, 2012)

Ayon sa pahayag na ito, ang lipunan at nagtatakda ng pamantayang

pangkasarian, iskrip, at nararapat na kilos para sa kapwa babae ta lalaki.

Itoy nakagawian na at kung hindi ito masusunod, maaring magdulot ito ng

komplikasyon na sa huli ay maaring mauwi sa diskriminasyon. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, lubos na maaunawaan ng mga

mambabasa kung bakit nakararanas ng verbal at di-verbal na

diskriminasyon ang mga transgender. Bukod pa rito, nakasaad rin sa

pahayag na ito na kaakibat ng mga tradisyunal na gampaning pangkasarian


24

ay ang panlipunang gantimpala at kaparusahang maaring matamo ng

indibidwal sa pag-ayon at di pag-ayon sa mga patakaran ng lipunan.

In the model of triadic reciprocal causation, personal

factors, in the form of cognitive, affective and biological

events, behavior patterns, and environmental events all

operate a interacting determinants that influence each

other bidirectionally (Bandura, 1986)

Ayon sa pahayag na ito, marayoong ibat ibang salik na nakaka-

impluwensiya sa pamamahala ng debelopmental na landas ng sarili. Sinasabi

rin dito na nakapaloob sa personal na kontribusyon ang biological

endowments, mga konsepsiyong pangkasarian, pag-uugali, personal na

pamantayan at mga paniniwala. Sakop naman ng behavior patterns ang

estilo ng pag-uugali na konektado sa kasarian. At and pangkapaligirang salik

naman ay ang malawak na lupon ng sosyal at institusyunal na impluwensiya

na gumagabay sa gawain ng indibidwal. Ang mga salik na nabanggit ang

nagbibigay kamalayan sa pagdedesisyon ng indibidwal.

As children receptive language skills develop, by 18 months, infant girls

match the gender labels man and lady with male and female faces,

and both boy and girl infants match the gender label boy with male

faces (Pouline-Dubois et al., 1998). Because of the pervasiveness of


25

gender stereotyping, gender labels are among the first labels that

children understand. At this age, they also begin to match stereotypes,

gender- linked activities to male and female faces. However, boys do not

show any understanding to gender-stereotyping of activities, and girls

show gender-stereotypical understanding in some contexts and no in

others (Serbin, Poulin-Dubois, Colburne, Sen & Eichstedt, 2001)

Inilalarawan ng pahayag na ito ang pag-uuri ng kapwa babae at lalaki

sa kasarian base sa galaw at kilos ng lipunang kinagisnan o ang gender-

stereotyping. Sinasabi sa pahayag na ito na nagpapakita ng malawak na

pag-unawa ang mga kababaihan sa ilang konteksto tungkol gender-

stereotyping at taliwas naman ang ipinapakita ng mga kalalakihan. Bata pa

lamang, alam na ng mga lalaki at babae ang mga gampanin, identity,

kilos, piskal na kaanyuan, pamantayan at gawaing nararapat nilang tugunan

sapagkat ito ang pinaniniwalaang tama ng lipunan. Kayat kung itoy di

matugunan ng bawat isa, halimbawa nalang ay ang pagpapa-sex change ng

mga transgender, itoy hindi madaling natataggap ng bawat miyembro ng

lipunan at kalaunan ay nagreresulta sa diskriminasyon.

Modeling is one of the most pervasive and powerful means


of transmitting values, attitudes, patterns of thought and
behavior. (Bandura, 1986; Rosenthal & Zimmerman,
1978)

Sinasabi sa pahayag na ito na ang mga kilos, galaw, persepsiyon, at

paniniwala ng mga magulang, kapatid, kaibigan at ilang importanteng


26

personalidad sa buhay ng isang indibidwal ay may malaking bahagi sa

persepsiyong pangkasarian pangkasarian nito. Mayroon ring naidudulot na

pervasive modeling ng mga gampaning pangkasarian ang mass media. Sa

oras na ang isang tagapag-obserba ay nakakuha ng mga pamantayan at

palatuntunin sa pamamagitan ng modelong estraktura at activities, maaring

makalikha ng mga bagong estilo at patterns of behavior ang isang

indibidwal.

Lokal na Literatura

Discrimination is treating, or proposing to treat, someone


unfavorably because of a personal characteristic.

Ayon sa pahayag na ito, nagaganap daw ang diskriminasyon kapag

ang isang indibidwal ay tinatrato ng hindi patas dahil sa katangiang taglay

nito. Ito ang karaniwang nararanasan ng mga transgender dulot ng kanilang

pagkakaroon ng kasariang hindi tanggap ng karamihan.

According to Estoque, Dela Cruz, & Pichay (2006), children

who learn to behave in ways that are considered appropriate

for their sex are assured of social acceptance. By contrast,

children who fail to conform are subjected to criticism and

social exclusion.

Isinasaad sa pahayag na ito nina Estoque, Dela Cruz, at Pichay mula

sa aklat na College Psychology na ang pagkaranas ng diskriminasyon ng

mga taong hindi angkop ang kilos at pagkatao sa kanyang bayolohikal na


27

kasarian ay karaniwan at natural lamang. Natural sa ating specie ang

pagkakaroon ng ibang pagtrato sa indibidwal na may katangiang hindi

karaniwan. Ang mga taong nakaayon sa kanilang bayolohikal na kasarian ay

makasisiguradong matatanggap ng lipunan, sa kabilang banda, ang mga

indibidwal na yaong iba ang tunay na kasarian sa kung anong taglay nito

pagkapanganak ay tinitignan bilang kakaiba at hindi man tuwiran, ay

hinihiwalayan ng karamihan ng mga tao sa kanyang lipunang ginagalawan .

Interpersonal relation is an aspect of organized human

behavior which deals with developing harmonious work

relationships (De George,1982).

Personal frustration could come into play where the cause of

frustration might be the individual himself. Environmental

frustration denotes the conditions outside the person which

impedes an individual from fully satisfying his needs.

Ang mga pahayag na ito ay mula sa aklat na isinulat ni Jose P.

Leveriza. Ayon sa naunang pahayag na mula kay De George, ang relasyon

ng isang indibidwal sa mga tao sa paligid niya ay esensyal sapagkat ito ang

tutulong upang magkaroon ng pagkakaayos at pagkakaisa sa grupo na

kanilang ginagalawan. Subalit, base sa mga unang pahayag, ang mga taong

taliwas ang kasarian sa kanilang bayolohikal na kasarian o karaniwan ay ang

mga transgender ay madalas nakararanas ng diskriminasyon at hindi


28

maayos na pagtrato na sumasalungat sa pangangailangan upang magkaroon

ng pagkakaisa sa grupong ginagalawan nito. Ang pagranas ng pagiging

paksa ng diskriminasyon ay tiyak na may maidudulot na negatibo sa mga

transgender. Inilahad ni Leveriza sa pangalawang pahayag na ang

pagkasiphayo ng isang indibidwal ay dulot ng dalawang baryante, at sa kaso

ng mga transgender, marahil ay ang dalawang ito ay parehong nagdudulot

ng negatibong epekto sa mga ito. Dahil sa pagiging laging laman ng mga

diskriminatoring pag-uusap at sa pagiging sentro ng mga mapanghusgang

mga mata ng mga tao sa paligid nito, ang mga transgender ay tiyak na

nakararanas ng environmental frustration. Hindi nila naihahayag ng malaya

at maayos ang kanilang tunay na kasarian at pagkatao dahil sa mga

panghuhusgang nakahanda laban rito. Bukod pa rito, ang mga transgender,

hindi man lahat, marahil ay nakararanas rin ng personal frustration.

Maaaring matapos makaranas ng sunud-sunod na walang katapusang

diskriminasyon at ibang pagtrato, kanya nang kinukuwestiyon ang sariling

pagkatao, lalo na ang kanyang kasarian. Ang mga ito ay nagdudulot ng

masamang epekto sa transgender lalo na sa emosyonal at sikolohikal nitong

aspeto at ito ay tutungo sa depresiyon at mas labis na pagkasiphayo.


29

Kabanata III

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay tatalakay sa mga

pamamaraang ginamit, populasyon ng mga respondent, paraan ng pagpili

ng kalahok, deskripsyon ng mga kalahok, paraan ng pangangalap ng datos,

at ang instrumento at estadistikong gagamitin. Dito ilalahad ang mga

metodo at prosesong sinunod upang maisagawa ang pananaliksik na ito.

Pamamaraang Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang uri ng teksto upang

ipahayag ang pananaliksik na ito: ang tekstong deskriptibo at tekstong

impormatibo. Sa dalawang ito, mas Madalas na gagamitin ang tekstong

impormatibo upang mas mailahad ang mga impormasyong makakalap. Sa

ilang bahagi ng pananaliksik, ilalarawan ng mga mananaliksik ang mga

transgender, ang kanilang regular na pamumuhay, at ang natatamo nilang

diskriminasyon.
30

Populasyon

Upang makakalap ng katanggap-tanggap na mga datos mula sa ibat

ibang perspektibo, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey sa

dalawang set ng mga respondente. Una, ay ang labinlimang mga

transgender na magmumula sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan at

mga karatig-bayan nito na walang spesipikong edad. Ang ikalawa ay ang

tatlumput limang mga ordinaryong mamamayang respondent na pipiliin

gamit ang random sampling method.

Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante sa sistematikong

pamamaraan. Ang mga mananaliksik ay nagtanong-tanong tungkol sa mga

nakakakilala sa mga transgenders na maaaring maging respondente sa

pananaliksik. Purposive o judgmental sampling ang ginamit ng mga

mananaliksik sapagkat kinakailangang mga transgender mismo ang maging

respondente upang makakalap ng datos mula mismo sa mga nakararanas ng

diskriminasyon. Bukod pa rito, ang tatlumput limang mga ordinaryong

mamamayan mula sa San Jose del Monte at karatig-bayan nito ay pinili


31

gamit ang random sampling na pinili ng walang basehang kasarian, edad, o

katangian.

Deskripsyon ng mga Kalahok

Sa isasagawang sarbey, ang mga mananaliksik ay kukuha ng

kabuuang limampung mga respondente. Labinlima rito ay mga transgender

na mula sa *samahan* sa Dahlia, Quezon City. Ang mga transgender na ito

ay binubuo ng mga transmen at transwomen na walang spesipikong edad at

walang binasehang bilang ng proporsyon. Habang ang tatlumput limang

mga ordinaryong respondente ay random na pipiliin ng walang spesipikong

edad, kasarian, at basehang bilang ng proporsyon.

Instrumentong Gagamitin

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang set ng sarbey bilang

primary source upang makakalap ng mga kinakailangang datos at

impormasyon. Ang mga talatanungan para sa sarbey na ito ay ipapamahagi

ng mga mananaliksik sa mga napiling respondente. Ito ay pasasagutan sa

mga transgender upang malaman kung paano nakaaapekto ang

diskriminasyon sa kanila. Sa mga random na mamamayan naman ay upang

malaman ang paunang kabatiran at opinyon ng nakararaming ordinaryong

mamamayan patungkol sa usaping transgender. Ang instrumentong ito ay


32

inaasahang makatutulong sa pagtuklas at pag-alam ng mga kasagutan sa

mga katanungan ng pananaliksik na ito.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos sa pananaliksik

na ito ay sarbey at ito ay isasagawa sa sistematiko at detalyadong mga

hakbang. Una, bumalangkas ang mga mananaliksik ng mga katanungan na

maaaring sumagot sa mga katanungan sa pananaliksik na ito sa isang

burador. Matapos rebisahin at isaayon, ito ay inilapat sa isang talatanungan

at yumari ng maramihang kopya nito ayon sa bilang ng mga respondent.

Sumunod ay ang paghahanap ng mga posibleng respondente at pagtatala ng

napagkasunduang mga naka-iskedyul na lugar, araw, at oras kung kalian

gaganapin ang sarbey. Pagkatapos ay ipinamahagi na ng mga mananaliksik

ang mga talatanungan sa mga respondente sa mga nakatalang oras at

lugar. Pagkasagot ng mga napiling respondente ay tinipong muli ng mga

mananaliksik ang mga naipamahaging mga talatanungan. Ang mga natipong

talatanungan ay inalisa at ipinahayag ng mga mananaliksik gamit ang

prekwensi at bahagdan at isinalarawan sa anyo ng mga talaan at

talaguhitan.
33

Estadistikong Gagamitin

Dahil sarbey ang gagamiting instrument sa pangangalap ng datos sa

pananaliksik na ito, mas malinaw na maisasalarawan at maipapahayag ang

mga makakalap na datos kung malalaman ang bilang ng mga respondenteng

sumagot sa bawat particular na pagpipilian sa bawat katanungan. Gagamitin

ng mga mananaliksik ang prekwensi at bahagdan sa pag-aanalisa ng mga

datos na makakalap. Ang pormulang gagamitin ay isinalarawan sa ibaba:

Kung saan:

% ay nangangahulugang bahagdan

F ay nangangahulugang prekwensi

n ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga tumugon

100 ay constant value o hindi nababago


34

Kabanata IV

Presentasyon, Interpretasyon, at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pagsusuri at interpretasyon

sa mga nalikom na datos bilang tugon sa mga katanungan sa unang

kabanata. Ang mga datos ay binukod, binuo, at inilahad bilang pag-

alinsunod sa pagkakasunod-sunod ng mga katanungan sa unang kabanata.

Pagkatapos, ang mga ito ay itinala nang maingat at masinsinan, sinuri at

binigyan ng interpretasyon sang-ayon sa mga sinasaad ng mga ito.

Datos mula sa Random na mga Respondante

Ang sumusunod na mga interpretasyon, talahanayan at grap ay

magpapakita ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik gamit ang

talatanungan sa apatnapung mga random na respondante.


35

1. Sa iyong pangunahing kaalaman at pananaw, paano mo ilalarawan

ang mga transgender?

Matapos ang isinagawang pagsasarbey sa random o ordinaryong

mamamayan sa loob ng San Jose del Monte Bulacan, napag-alaman ng mga

mananaliksik na hindi sapat ang ideya ng karamihan ukol sa usaping

transgender. Sa katanungan patungkol sa paunang kaalaman ng mga

ordinaryong mamamayan, mayorya ng mga respondante ang nagsasabing

ang mga transgender ay yaong mga taong patuloy na nakararanas ng pisikal

at mental na pagbabago matapos sumailalim sa hormonal therapy at

surgery. Ang bilang nila ay 19. Mayroon ring isang respondante na

naniniwalang ang mga transgender, sa pangkalahatang basehan, ay

maituturing na bakla lamang. Lingid sa kaalaman ng dalawampung kalahok

na nabanggit, mayroong ibat ibang salik o uri ang transgdener. Hindi

lamang sila yaong mga bakla, tomboy o mga nagpapalit ng

kasarian/transexual ngunit maari rin sila i-uri bilang cross-dressers o

transvestite. Inilarawan naman ng 11 na respondante ang mga transgender

bilang mga tao rin na may pangarap, may pakinabang at tungkulin sa

lipunan, mga indibidwal na may damdamin at marunong din masaktan,

taong matatag at may karapatang taglay. Sila ay kalimitang tinatrato ng

hindi tama at madalas ay nakararanas ng diskriminasyon ngunit gaya ng


36

karamihan, sila ay tao rin na may pakiramdam at emosyon. Samantala, 3

ang may persepsiyon na ang mga transgender ay yaong mga taong

kumikilos ng di-ayon sa kanyang bayolohikal na kasarian. At may isang

nagsasaad na ang transgender ay isang kontrobersiyal na isyu o paksa.

Bagamat marami ang tumatanggap sa mga transgender, hindi parin

miaiwasan ang mga negatibong pananaw at opinyon mula sa ilang

respondante. Mayroon isang naninidigan na ang mga transgender ay mga

taong lumalabag sa moral, natural at sosyal na batas. Ayon naman sa isa

pa, ang pagiging transender ay labag sa utos ng Diyos o isang paraan ng

pagpapakita ng kawalan ng respeto sa Maykapal.

2. Tanggap mo ba ang mga transgender? Bakit?

Pigura 1

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Respondante Base


sa Pagtanggap nila sa mga Transgender

KATEGORYA PREKWENSI BAHAGDAN


Tanggap 30 75%
Hindi Tanggap 10 25%
KABUUAN n=40 100%
37

Pigura 2

Sa kabuuang apatnapung mga random na mamamayang sumailalim

sa sarbey ng pag-aaral na ito, mas mataas ang bilang ng mga nagsabing

tanggap nila ang mga transgender at iba pang mga taong kabilang sa

komunidad ng LGBT. Mayroong kabuuang bilang na tatlumpu ang mga

nagsabing tanggap nila ang mga ito at ito ay pitumput limang bahagdan

(75%) ng kabuuang apatnapung mga respondente.


38

Ang mga pinakaprominenteng dahilan ng hindi pagtanggap ng mga

respondente sa mga transgender ay dahil ang kanilang hindi pagtanggap sa

ibinigay na bayolohikal na kasarian kanila ay labag sa batas na natural at

moral. May ibang nagdahilang hindi nila sila tanggap sapagkat ayaw nila sa

mga bakla, at ang mga transgender daw, base sa kanilang perspektibo, ay

katulad nito. Bukod pa rito, malaking bahagi rin ng mga hindi tumanggap ay

nagdahilang ang pagiging transgender ay taliwas sa mga utos ng Diyos

sapagkat dalawa lamang ang kasariang nilikha Niya.

Sa kabilang banda, ang mga dahilan ng mga respondenteng

tumanggap sa mga transgender ay dahil naniniwala silang sila ay tao rin na

may mga karapatang kapantay ng kung ano ang taglay natin. Bukod pa rito,

may mga sumagot ding lahat tayo ay nilikha ng Diyos, lahat tayo ay mahal

Niya anupaman ang ating desisyon at kasarian. Pinakamaraming bahagi ang

nagdahilang ang mga transgender ay karapat-dapat ding tanggapin hanggat

sila ay walang inaapakang tao at hindi nananakit ng kapwa.

3. Minsan ka na bang nang-discriminate o nagkaroon ng ibang pagtrato sa


mga transgender?

Pigura 3

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Respondante Base


sa Kung Sila ay Nangdiskrimina ng Transgender o Hindi
39

KATEGORYA PREKWENSI BAHAGDAN


Oo 28 70%
Hindi 12 30%
KABUUAN n=40 100%

Pigura 4

Mula sa kabuuang apatnapung mga random na mamamayang

respondente, mas mataas ang bilang ng mga nagsabing nang-discriminate

sila ng mga transgender. Mayroong kabuuang bilang na dalawamput walo

ang mga nagsabing minsan silang nangdiskrimina at ito ay pitumpung

bahagdan (70%) ng kabuuang apatnapung mga respondente.


40

4. Ano sa tingin mo ang nagtutulak sa mga tao na diskriminahin ang mga


transgender?

Pigura 5

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Respondante Base


sa Kung Ano ang Tingin Nilang Nagtutulak sa mga Tao na
Mangdiskrimina ng mga Transgender

Prekwensi ng mga Nagtutulak

Mga Tugon Bahagdan


ng mga
Kategorya N Bahagdan Kategorya

Mga Nagtutulak pananamit 13 25.5% 32.5%


sa Tao na
Mangdiskrimina pagkilos 21 41.2% 52.5%

gender 14 27.5% 35.0%


stereotypes

iba pa 3 5.9% 7.5%

Kabuuan 51 100.0% 127.5%


41

Pigura 6

Sa tanong na ito ay maaaring pumili ng higit sa isang pagpipilian ang

mga respondent kung kayat nagkaroon ng kabuuang limamput isang mga

kasagutan sa tanong na ito. Sa apat na pagpipilian ng dahilan na nagdudulot

sa mga tao na diskriminahin ang mga transgender, may pinakamataas na

bilang ng sagot ang ibang pagkilos ng mga ito kumpara sa normal na tao na

may bilang na dalawamput isang mga kasagutan. Sumunod ay ang mga

gender stereotypes o ang panghuhusgang negatibo ng mga tao sa isang tao

dulot ng kanyang kasarian. Sumunod naman ang pagsusuot ng mga


42

kasuotang taliwas sa bayolohikal na kasarian ng isang tao, ito ay maaaring

ihanay sa mga cross-dressers at drag kings/queens.

5. Ano sa tingin mo ang posibleng solusyon upang maiwaksi o mabawasan


ang bilang ng diskriminasyon patungo sa mga transgender?

Sa 40 na respondanteng sumagot sa sarbey, ang nangungunang

solusyong ipinipresenta ng mga tao upang maiwaksi ang diskriminasyon

laban sa mga transgender ay ang pagtanggap sa mga ito, ilugar ang kilos o

ginagawa at maging open-minded. Mayrong 25 na respondante ang may

ganitong sagot. 5 naman ang nagsasabi na nararapat silang unawian at

respetuhin sapagkat gaya ng lahat, sila ay tao rin naman. At isa ang

nagpapayong umiwas na lamang sa pnghuhusga upang di magdulot ng gulo

o sakit para sa mga transgender. Samantala, 2 ang naniniwalang turo at

gabay ng mga magulang ang labis na makakatulong sa paghubog ng isang

mabuting indibidwal a hindi nanghuhusga o nang-aalipusta ng kapwa. Ayon

naman sa 2 pang respondante, ang Diyos ang pinakasandigan ng lahat

kayat nararapat na sundin Siya at isipin na ang lahat ng tao ay pantay

pantay sa Kaniyang mga mata. Isa ang nagmumungkahi na ang solusyon ay

gender equality o pagkakapantay-pantay. 3 naman ang walang

maimungkahing posibleng solusyon upang masugpo ang diskriminasyon

laban sa mga transgender. At nakakalungkot mang isipin, may isang


43

respondanteng nagmungkahi n solusyon na upang maiwasan ang

diskriminisyon, nararapat na kitilin ang buhay ng isang transgender.

Datos mula sa mga Transgender

Ang sumusunod na mga interpretasyon, talahanayan at grap ay

magpapakita ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik gamit ang

talatanungan sa sampung mga transgender na respondante.

1. Naranasan mo na bang maging biktima ng diskriminasyon o ibang

pagtrato dahil sa iyong pagbabago?

Pigura 4. Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Transgender Base

sa kung Naranasan na ba Nilang Madiskrimina

KATEGORYA PREKWENSI BAHAGDAN


Oo 10 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN n=10 100%
44

Mula sa sampung transgender na sinarbey kung naranasan na ba nilang

mahusgahan patungkol sa kasariang kanilang piniling panindigan, lahat ay

sumagot ng oo. Ito ay nagpapatunay na sa modernong panahon ngayon,

nagiging particular na paksa ng diskriminasyon o hindi mabuting pagtrato

ang mga transgender na iba ang ninanais na kasarian sa kung ano ang

ipinagkaloob sa kanya. Samakatuwid, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik

na itoy maaring maka-apekto sa sikolohikal na aspeto ng mga transgender.

Gayundin, pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na hindi lamang ang

sampung direktang respondante ang nakararanas ng pambabatikos o

diskriminasyon patungkol sa kanilang kasarian ngunit mayorya rin ng mga

transgender sa loob at labas ng Pilipinas.

2. Kung oo, anong klase ng diskriminasyon ang mas madalas mong


nararanasan?
45

Pigura 5

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Transgender Base sa Klase ng


Diskriminasyon na mas madalas nilang Maranasan

Prekwensi ng mga Klase

Mga Tugon Bahagdan


ng mga
Kategorya N Bahagdan Kategorya

Klase ng verbal 6 54.5% 60.0%


Diskriminasyon
na mas 'di verbal 3 27.3% 30.0%
Nararanasan
iba pa 2 18.2% 20.0%

Kabuuan 11 100.0% 110.0%


46

Sinasaad ng grap at talahanayan ng prekwensi na ito na mas malaki

ang populasyon ng mga transgender na nakararanas ng diskriminasyon sa

verbal na pamamaraan kumpara sa di-verbal. Anim sa mga repondante ang

tumutugon na sila ay nagtatamo ng verbal na diskriminasyon samantalang

tatlo naman ang sa di-verbal. Mayroon ding dalawang nagsasabing

nakararanas sila ng iba pang uri ng pangdidiskrimina ngunit di na nila ito in-

uri o ini-specify pa. Kalimitang verbal na pamamaraan ng diskriminasyon

ang napapansin ng mga transgender sapagkat laganap, partikular na sa

Pilipinas, ang pakikipag-tsismisan. Samantala, naipapakita naman ang di-

verbal sa papamagitan ng pagliban sa mga transgender sa ibat ibang

aktibidades o gawain at maging ang simpleng pag-irap o di- magandang

pagtingin sa mga ito.

3. Sino ang mga pinakanakatutulong sa iyo sa pagharap sa diskriminasyon?

Pigura 6

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Transgender Base sa


Pinakanakatutulong sa Kanila sa Pagharap ng Diskriminasyon

Prekwensi ng mga Pinakanakatutulong

Responses Bahagdan
ng mga
Kategorya N Bahagdan Kategorya

Diyos 6 35.3% 60.0%


47

Nakatutulong sa Kaibigan 3 17.6% 30.0%


Pagharap sa
Diskriminasyon Pamilya 8 47.1% 80.0%

Kabuuan 17 100.0% 170.0%

Sa tanong na ito ay maaring pumili ng higit sa isang sagot ang mga

respondente kung kayat nagkaroon ng labingpitong kasagutan sa tanong na

ito. Sa pagpipilian kung sino ang pinakanakatutulong sa mga transgender

upang malampasan ang mga pagsubok na kanilang kinahaharap dahil sa

diskriminasyon, umani ng pinakamaraming respondente ang sagot na

pamilya na mayroong walo. Sumunod naman ang Diyos na may anim na

tagatugon. At panghuli ang mga malalapit na kaibigan na mayroong

kabuuang bilang na tatlong taga-sagot. Pamilya ang naksungkit ng

pinakamaraming taga-tugon. Sila ang pinakasandigan at pinagkukunan ng

lakas ng mga transgender sapagkat sila yaong mga unang tumanggap at

yumapos sa mga ito matapos ang pagpapalit ng kasarian. Marahil, may mga

ibang dumaan sa mahabang proseso bago matanggap ng buong buo ng

kanilang mga pamilya ngunit sa pagtatapos ng bawat araw, ang pamilya ang

mananatiling kasangga ng lahat sa kung anumang hamon ng buhay ang

dumating.

4. Paano nakaapekto ang diskriminasyon sa iyo?

Hati sa apat ang pananaw at opinyon ng mga transgender patungkol

sa kung paano nakaka-apeko ang diskriminasyon sa emosyonal at


48

sikolohikal nilang aspeto. Apat ang nagpahayag na silay nasasaktan sa hindi

magandang mga sinasabi ng mga tao laban sa kanila. Talo naman ang

nagsasabing bumaba ang self-esteem o tiwala sa sarili matapos makaranas

ng diskriminasyon. Taliwas naman dito and dalawang nagsasabing silay

naging mas matatag at mas humaba ang presensiya nang silay

madiskrimina. Samantala, ang natitirang isang tagatugon ay naniniwalang

mas tumaas ang lebel ng kaniyang pasensya sa mga taong nanghuhusga sa

kanya.

5. Ano ang mga paraang iyong ginawa upang malagpasan o kaharapin ang
mga diskriminasyon patungo sa iyo at sa iyong kasarian?

Sa tanong na ito ay maaring pumili ng higit sa isang sagot ang mga

respondante kung kayat nagkaroon ng labing-isang kasagutan. Mayroong

ibat ibang kasagutan ang mga taga-tugon na transgender sa tanong kung

anong ginagawa nila sa tuwing sila ay madidiskrimina ngunit mayorya sa

mga ito ang nagsabing hindi nalang nila ito pinapansin na may kabuuang

anim na bilang ng taga-tugon. Mayroon naming tatlong nagsabing sila ay

nagdadasal at kumakapit sa Diyos sa mga panahong ganito upang kumuha

ng lakas at pag-asa. Isa ang sinikap na tumayo para sa sarili at ipagtanggol

ang sarili laban sa mga nanghuhusga. At isa ang nagsabi na siya ay

nanghingi ng suporta mula sa kaniyang pamilya upang maging mas matatag

sa pagharap ng diskriminasyon.
49

Pigura 7

Distribusyon ng Prekwensi at Bahagdan ng mga Transgender Base sa


kung Kanila bang Pinagsisisihan ang Pagyakap sa Tunay na Kasarian

KATEGORYA PREKWENSI BAHAGDAN


Oo 1 10%
Hindi 8 80%
Medyo 1 10%
KABUUAN n=10 100%

Mula sa kabuuang sampung mga transgender na respondente, mas mataas

ang bilang ng mga nagsabing hindi nila pinagsisisihan ang ginawang

desisyon na yakapin ang tunay na kasarian. Mayroong kabuuang bilang na


50

walo ang mga nagsabing hindi nila ito pinagsisisihan at ito ay walumpung

bahagdan (80%) ng kabuuang samppung mga respondente. Ang natirang

dalawang respondente naman ay nagsabing kaniyang pinagsisihan at

kaniyang medyo pinagsisisihan ang sinagawang desisyon ng pagbabago ng

pisikal na anyo.

7. Ano ang mga napansin mong pagbabago sa iyong pagkilos at

pakikipagkapwa matapos makaranas ng diskriminasyon o pagbabago ng

pakikitungo sa iyo?

Nagbigay ng ibat ibang sagot at hinuha ang mga taga-tugong

transgender sa tanong kung ano ang napansin nilang pagbabago sa kanilang

pgkilos pamuhat ng madiskrimina. Mayorya ng mga respondente na binubuo

ng apat ang nagsabing umiwas na sila sa mga tao at nagging mailap sa

pakikisalamuha sa iba matapos makaranas ng diskriminasyon. Sumunod

naman ang tatlo nagpahayag na mas tumaas ang kumpiyansa at tiwala nila

sa kanilang mga sarili, marahil ay dahil mas napatatag sila ng mga

diskriminasyong natamo at patuloy nilang natatamo. Isa ang mas lalong

tumibay ang loob at isa rin ang nagsabing walang pinagbago ang kaniyang

kilos o pakikisalamuha sa iba.

8. Gaano nakatutulong ang presensiya ng iyong pamilya/kaibigan sa

pagharap mo sa mga diskriminasyon?


51

Labis ngang nakatutulong ang presensiya ng pamilya at malalapit na

kaibigan sa mga transgender na humaharap sa diskriminasyon. Pito sa mga

respondanteng transgender ang nagsasabing nakatutulong ang pamilya sa

pamamagitan ng pagiging sandigan at pinagkukunan ng lakas ng mga ito sa

panahon na silay nalulumbay o nasasaktan. Dalawa naman ang nagsabing

ang pamilya at kabigan ang nagiging inspirasyon nila upang ipagpatuloy ang

buhay. Isa ang nagsabi na ang pagtanggap sa kanya ng kaniyang pamilya at

mga kaibigan ay lubos na nakatulong sa kanya.


52

Kabanata V

Buod, Konklusyon, Rekomendasyon

Sa kabanatang ito matatagpuan ang mga paglalahad ng lagom ng

kinalabasan ng pag-aaral na ito. Kasama rito ang mga naisagawang

konklusyon na nakabase sa lagom ng kinalabasan at alinsunod ang mga

mungkahi at rekomendasyon na mula naman sa kinalabasan ng pag-aaral na

ito.

Lagom ng Kinalabasan

Ang sumusunod na mga pahayag ang kabuuran ng pag-aaral na ito

patungkol sa mga diskriminasyon sa transgender:

1. Ang sampung transgender na sinarbey ay nakararanas ng

diskriminasyon patungkol sa kanilang kasarian;


53

2. Karamihan sa mga tagatugong transgender ang nagsabing sila ay

nadidiskrimina sa verbal na pamamaraan;


3. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pinakasandigan ng mga

transgender laban sa diskriminasyong kanilang natatamo ay ang

kanilang mga pamilya;


4. Mayroong ibat ibang pahayag ang mga transgender paukol sa kung

paano nakaka-apekto ang diskriminasyon sa kanila ngunit ang

nagkamit ng pinakamataas ng numero ng respondente ay ang sagot

na sila ay nasasaktan dahil dito;


5. Mayorya ng mga respondanteng transgender ang naniniwala na ang

pagsasawalang bahala o hindi pagpansin sa mga taong nang-aalipusta

sa kanila ang tanging paraang kanilang ginagawa upang makaiwas sa

gulo;
6. Halos lahat ng mga tagatugong transgender ay nagpahiwatig na wala

silang anumang pinagsisihan sa kanilang desisyon na magpabago ng

kasarian;
7. Maraming napansin ang sampung respondenteng transgender na

pagbabago sa kanilang pagkilos matapos makaranas ng

diskriminasyon ngunit ang nangungunang tugon ay ang tuluyan nilang

pag-iwas sa pakikisalamuha sa iba dulot ng pangambang sila ay

mahusgahan;
8. Lahat ng mga tagatugong transgender ay nagsasabing labis na

nakakatulong ang pamilya at malalapit na kaibigan sa kanila sapagkat

sila ang nagsisilbing sandigan at lakas nila sa mapanghusgang

lipunang kanilang ginagalawan;


54

9. Karamihan sa mga ordinaryong mamamayan na sumagot sa ipinakalat

na sarbey ang mayroong pangunahing kaalaman na ang mga

transgender ay yaong mga taong nagkaroon ng pisikal na pagbabago,

partikular na sa kanilang bayolohikal na pangkasarian;


10. Ayon sa mga nakalap na datos, mas marami ang porsyong

tumatanggap sa mga transgender kumpara sa mga hindi;


11. Mas marami ang nagsasabing hindi sila ni minsang nangdiskrimina

ng mga taong kabilang sa LGBT community;


12. Mayroong pinakamataas na bilang ang nagsasabing ang nagtutulak

sa kanila na diskriminahin ang mga transgender ay ang ibang

pagkilos nito; at
13. Ang sagot na nagtamo ng dominanteng bilang ng respondente sa

tanong kung ano ang nakikita nilang posibleng solusyon upang

maiwaksi ang diskriminasyon patungkol sa mga transgender ay ang

buong loob na pagtanggap sa mga ito.

Konklusyon

Base sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik sa pag-aaral na

ito, naibalangkas ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Napagtanto ng mga mananaliksik na hindi sapat ang pangunahing

kaalaman at nagkakaroon ng miskonsepsiyon ang mga tao patungkol

sa paksang transgender sapagkat hindi lamang sila yaong mga

nagpapalit ng kasarian sa pamamagitan ng surgery, maari rin silang


55

iuri bilang taong nagpa-hormonal therapy, cross-dresser o

transvestite;
2. Napag-alaman ng mga mananaliksik na mas kaunti na ang bilang ng

mga taong hindi pa rin lubusang kumbinsido at patuloy pa ring

nandidiskrimina ng mga transgender kumpara sa mga may malawak

na pang-unawa na mga mamamayang tumatanggap sa mga

transgender at hindi nanghuhusga;


3. Sinasabing ang pinakarason sa likod ng panghuhusga ng mga tao sa

transgender ay ang kakaibang pagkilos o paggalaw ng mga ito na

nagiging pokus ng pandidiskrimina;


4. Ang bukal sa loob na pagtanggap sa mga transgender ang naiisip na

paraan ng mga tao upang matigil ang diskriminasyon laban sa mga

transgender;
5. Batay sa mga nakalap na pangunahing datos, tunay na marami sa

mga transgender ang nadidiskrimina dahil sa kanilang napiling

kasarian at kalimitan itong ginagawa sa pamamaraang verbal o oral;


6. Base sa mga sagot na nakuha, ang pamilya at malalapit na kaibigan

ay may malaking gampanin sa pagharap ng mga transgender sa

diskriminasyon laban sa kanilang kasarian;


7. Malaki ang nagiging epekto ng diskriminasyon sa sikolohikal na aspeto

ng mga transgender, ito ay nagdudulot sa kanila ng sakit, depresyon,

at pagbaba ng tingin sa sarili;


8. Napag-alamang hindi na lamang pinapansin ng mga transgender ang

mga taong nandidiskrimina sa kanila upang hindi gaanong mabalisa;


9. Naging mailap ang mga transgender sa mga tao matapos silang

madiskrimina; at
56

10. Napag-alaman ng mga mananaliksik na sa kabila ng mga

diskriminasyon ibinabato laban sa mga transgender, nanatili silang

matatag, may tiwala sa sarili at hindi nila kailanmang pinagsisihan

ang pagpapalit ng kasarian.

Rekomendasyon

Base sa konklusyon ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

pahayag ay inirerekomenda ng mga mananaliksik:

1. Dapat magkaroon ng mas malalim at malawakang pag-aaral patungkol

sa diskriminasyon sa mga transgender at iba pang bahagi ng

komunidad LGBT sa iba pang mga lugar sa bansa;


2. Dapat mapalawak ang kabatiran ng mga tao patungkol sa tunay na

depinisyon ng ibat ibang kasarian sa pamamagitan ng edukasyon;


3. Kailangang humanap ng mga transgender ng masasandalan kapag

nakararanas ng diskriminasyon upang mailayo sa posibleng masamang

epekto sa sikolohikal nitong aspeto;


4. Mas mainam na unang tumanggap sa mga transgender ay ang pamilya

nito dahil sila ang pangunahing pinagkukuhaan ng lakas ng mga

transgender;
5. Nararapat na bigyang konsiderasyon ng mga transgender ang kanilang

kasuotan at pagkilos lalo na sa pampublikong lugar upang maiwasang

magkaroon ng negatibong pagtingin patungo rito;


6. Intindihin ng mga transgender na hindi lahat ng tao ay may malawak

na pang-unawa at hindi maaalis na mayroon pa ring bilang ng mga tao

ang huhusga at mangdidiskrimina rito;


57

7. Dapat maging handa sa sikolohikal at emosyonal na aspeto ang taong

magdedesisyong yakapin ang kanyang tunay na kasarian sa

pamamagitan ng pagsasailalim sa mga operasyon at/o hormonal

therapy sapagkat hindi maiiwasang magkakaroon ito ng ibang pagtrato

mula sa malaking bahagi ng lipunan;


8. Mas maigi kung matututo ang bawat isa na tanggapin ang kasarian at

oryentasyon ng bawat isa;


9. Ipinapayong dapat ay maging tiyak at pihado ang isang tao na siya ay

may ibang kasarian taliwas sa kanyang bayolohikal na kasarian bago

sumailalim sa mga operasyon at therapy ng pagbabago sapagkat ito

ay mahirap nang maibalik; at


10. Maiiwasan ang mga kumplikasyon at hindi pagkakaunawaan kung

magkakaroon ng malawak na pang-unawa ang bawat isa at

mapagtanto na ang mga transgender ay tao rin at may kapantay na

karapatan sa ating taglay kung kayat dapat silang tratuhin ng pantay

lalo nat kung sila ay walang tinatapakang tao o ginagawang masama.

TALASANGGUNIAN

Cherry, K. Could You Be Experiencing an Identity Crisis?. (2016). Verywell.


Retrieved 16 February 2017, from http://www.verywell.com/what-is-
an-identity-crisis-2795948.

Eagly, A.H., Beall, A.E., & Sternberg, R.J. (2004). The Psychology of Gender.
New York: The Guildford Press.

Estoque, R., Dela Cruz, R., & Pichay, M. (2006). College psychology. Makati
City: Mindshapers.
58

Freud's Psychosexual Theory of Development. (n.d.). Boundless. Retrieved


15 February 2017, from
http://www.boundless.com/psychology/textbooks/boundless-
psychology-textbook/human-development-14/theories-of-human-
development-70/freud-s-psychosexual-theory-of-development-267-
12802/.

Gender Stereotypes: Definition & Examples - Video & Lesson Transcript |


Study.com. (n.d.). Study.com. Retrieved 16 February 2017, from
http://www.study.com/academy/lesson/gender-stereotypes-definition-
examples-quiz.html.

Leveriza, J. (1993). Human behavior in organizations. Manila: National Book


Store.

Rationalizing Emotions: A Look At Rational Emotive Therapy (RET). (n.d.).


Psychologistworld.com. Retrieved 16 February 2017, from
http://www.psychologistworld.com/treatments/rational-emotive-
therapy.php.

Sexual Orientation | Apa.org. (n.d.). Retrieved 17 February 2017, from


http://www.apa.org/helpcenter/sexual-orientation.aspx.

Sexual Script Theory | Applied Social Psychology (ASP). (n.d.).


Sites.psu.edu. Retrieved 15 February 2017, from
http://sites.psu.edu/aspsy/tag/sexual-script-theory/.

What's the difference between being transgender or transsexual and having


an intersex condition? | Intersex Society of North America. Isna.org.
(n.d.).Retrieved 15 February 2017, from
http://www.isna.org/faq/transgender.
59

DAHONG DAGDAG

Liham Pahintulot
60
61

Sarbey

Pigura 8. Halimbawa ng Talatanungan para sa


Random na mga Respondente

Sarbey sa Pananaliksik

Panuto: Punan ang mga patlang at markahan ang bilog bago ang iyong
sagot. Mangyaring sagutan ang mga katanungan ng tamang impormasyon.
Ang inyong mga impormasyon ay mananatiling kumpidensyal.

1. Sa iyong pangunahing kaalaman at pananaw, paano mo ilalarawan ang


mga transgender?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Tanggap mo ba ang mga transgender at mga taong kabilang sa LGBT
community? Bakit?

Oo Hindi
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Minsan ka na bang nang-discriminate o nagkaroon ng ibang pagtrato sa


mga transgender at taong kabilang sa LGBT community?

Oo Hindi

4. Ano sa tingin mo ang nagtutulak sa mga tao na diskriminahin o tratuhin


ng iba ang mga transgender at iba pang kabilang sa LGBT community?

ibang pananamit gender stereotrypes


ng mga transgender
ibang pagkilos ng Iba pa:____________
mga transgender

5. Ano sa tingin mo ang maging posibleng solusyon upang maiwaksi o


mabawasan ang bilang ng diskriminasyon patungo sa mga transgender?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________________________

Salamat sa iyong oras at kooperasyon. Pagpalain ka ng Diyos!


62

Pigura 9. Halimbawa ng Talatanungan para sa mga Transgender


Sarbey sa Pananaliksik
Para sa mga Transgender

Panuto: Punan ang mga patlang at markahan ang bilog bago ang iyong sagot. Mangyaring
sagutan ang mga katanungan ng tamang impormasyon. Ang inyong mga impormasyon ay
mananatiling kumpidensyal.

1. Naranasan mo na bang maging biktima ng dikriminasyon o ibang pagtrato dahil sa iyong


pagbabago?
Oo Hindi

2. Kung oo, anong klase ng diskriminasyon ang mas madalas mong nararanasan? (Markahan
lahat ng naaangkop)
Verbal Di Verbal Iba pa:________

3. Sino ang mga pinakanakatutulong sa iyo sa pagharap sa diskriminasyon?


Diyos pamilya
kaibigan Iba pa:______________

4. Paano nakaapekto ang diskriminasyon sa iyo? (sa emosyonal at sikolohikal na aspeto)


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Ano ang mga paraang iyong ginawa upang malagpasan o kaharapin ang mga
diskriminasyon patungo sa iyo at sa iyong kasarian?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6. Dulot ng mga diskriminasyong iyong natatamo, pinagsisisihan mo ba ang desisyong iyong


ginawa na yakapin ang tunay mong kasarian?
Oo Hindi Medyo

7. Ano ang mga napansin mong pagbabago sa iyong pagkilos at pakikipagkapwa matapos
makaranas ng diskriminasyon o pagbabago ng pakikitungo sa iyo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

8. Gaano nakatutulong ang presensiya ng iyong pamilya/kaibigan sa pagharap mo sa mga


diskriminasyon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Salamat sa iyong oras at kooperasyon. Pagpalain ka ng Diyos!


PANSARILING TALA
63

Griffin Garrette S. Bautista

Grade 11 Accountancy, Business and Management Strand

PERSONAL NA IMPORMASYON

Tirahan: Lot 20 Blk 8 Phase K., Francisco Homes, City of San Jose Del
Monte, Bulacan

Kaarawan: Abril 9, 2000

Edad: 16

EDUKASYON

Elementarya: First City Providential College; Lord Jesus Blessed Academy

Sekondaryang Edukasyon: Village Montessori School

Senior High School: College of St. Anthony

PANSARILING TALA
64

Anne Nicole V. Carig

Grade 11 Humanities and Social Sciences Strand

PERSONAL NA IMPORMASYON

Tirahan: Lot 11 Blk 2 La Poblacion Subd., Brgy. Muzon, City of San Jose del
Monte, Bulacan

Kaarawan: Disyembre 13, 1999

Edad: 17

EDUKASYON

Elementarya: Mater Carmeli School, D. Tuazon

Sekondaryang Edukasyon: Mater Carmeli School, Novaliches

Senior High School: College of St. Anthony

PANSARILING TALA
65

Franmhel Aaron A. Doringo

Grade 11 Accountancy, Business and Management Strand

PERSONAL NA IMPORMASYON

Tirahan: L9 Blk 3 North Diamond 1 Subd., Brgy. Maharlika, City of San Jose
del Monte, Bulacan

Kaarawan: Marso 16, 2000

Edad: 17

EDUKASYON

Elementarya: Academia Learning Center, Inc.

Sekondaryang Edukasyon: Academia Learning Center, Inc.

Senior High School: College of St. Anthony

PANSARILING TALA
66

Ma. Chris Paula D. Homeres

Grade 11 Humanities and Social Sciences Strand

PERSONAL NA IMPORMASYON

Tirahan: Lot 22-23 Blk 10, Palmera Homes, San Jose del Monte, Bulacan

Kaarawan: Setyembre 28, 1999

Edad: 17

EDUKASYON

Elementarya: La Concepcion College, Immaculada Concepcion School, First


City Providential College

Sekondaryang Edukasyon: College of St. Anthony

Senior High School: College of St. Anthony

Dokumentasyon
67

Quezon City Public Library

Pangangalap ng mga Datos - Sarbey


68

You might also like