You are on page 1of 2

Otero, Isaiah Christian R.

Y18

1. Paano piangtanggol ni Senator Recto ang Batas Rizal? Ano ang kanyang mga naging argumento o
dahilan upang isulong ang pagpasa ng batas na ito?

Hindi nagpatinag si Senator Recto sa mga kagustuhan at banta ng simbahang Katoliko.


Isang kongkretong halimbawa nito ay ang pagbibigay ng suhestiyon na tanggalin na
lamang ang mga sensitibong bahagi ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil para sa
simbahan, ito ay maaaring magdulot ng maagang pagkamulat ng mga walang
kamuwang-muwang na mag-aaral sa mga bagay na hindi kaaya-aya katulad ng
panggagahasa. Hindi rin pumayag si Senator Recto sa aksyong ito. Ikinatuwiran niya na
mawawalan ng halaga ang nilalaman at mensahe ng dalawang nobela. Dahil sa bawat
kwento ay masasalamin ang samu’t saring isyung ikinakaharap ng lipunan katulad ng
abuso sa kapangyarihan, diskriminasyon, illegal na mga gawain. Sa pamamagitan ng pag-
aaral ng buhay at mga gawa ni Rizal, mas matututo ang mga kabataan na mahalin ang
bansa at magkaroon ng pagsaalang-alang sa mga pangyayari ng lipunan.
Nanganaghulugang ang mga sensitibong bahagi ng dalawang nobela ay hindi
representasyon ng dalawang nobela. Sa pangkalahatan, masasabing matindi ang
pagnanais ni Senator Recto sa pagpapatupad ng Batas Rizal. Gusto niya lamang
patunayan na si Dr. Jose Rizal ay isang magandang halimbawa at isang kahanga-hangang
bayani na dapat tularan ng nakararami. Sa pamamagitan ng kanyang mga nagawa,
magiging mulat ang mga mambabasa, at magiging aktibo sa pagbibigay-solusyon sa mga
suliranin ng ating bansa.

2. Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik ng isang batas o pinapanukalang batas na tinutulan o


tinututulan ng mga relihiyosong grupo. Sino ang mga mambabatas na nagsulong o nag-susulong
ng batas na ito? Sino naman ang mga tutol dito?

Ang isyu sa War on Drugs na ipinapanukala ni Pangulo Duterte ay patuloy na kumikitil sa


buhay ng nakararami. Ito ay dahil agarang pinapatay ang isang indibidwal na
pinaghihinalaang gumagamit ng droga nang walang proseso. Ayon kina Cornelio at
Medina (2019), labis na tinututulan ito ng mga pangkat ng mga Kristayano, at umabot na
sa libo ang namatay dahil sa batas na ito. Ito ay paglabag sa simbahan at sa kautusan ng
Diyos dahil hindi kalianman magiging tama ang pagkitil sa buhay ng isang tao, lalo na
kung hindi ito dumaan sa tamang proseso. Karagdagan pa rito, ayon kay Williams (2018),
maging si Bishop Virgilio David ay naglabas ng kanyang kritisismo ukol sa batas, lalo na
nang mabalitaan na napatay si Kian delos Santos na isang mag-aaral. Ang mga
pagtututol laban sa batas na ito ay makatarungang tugon ng simbahan dahil paglabag sa
ito sa isa sa sampung utos na Diyos, huwag papatay ng kapwa. Ang batas na ito ay hindi
lamang tungkol sa relihiyon, patungkol din ito sa karapatan ng mga mamamayan na
mabuhay nang malaya at mapayapa, kaya nararapat lamang na matutulan ito, at hindi
na ipatupad.

Mga Sanggunian:

Cornelio & Medina (2019) Christianity and Duterte’s War on Drugs in the Philippines, Politics,


Religion & Ideology, 20:2, 151-169, DOI: 10.1080/21567689.2019.1617135
Williams, S. (2018). How the Catholic Church is fighting the drug war in the Philippines. America
Magazine. Retrieved October 27, 2021, from https://www.americamagazine.org/politics-
society/2018/01/25/how-catholic-church-fighting-drug-war-philippines

You might also like