You are on page 1of 33

USAPANG

Ponolohiya
Ponetiko – ang galaw at bahagi ng
katawan ng tao saklaw sa pag-aaral
kung saan isinagawa ng tunog sa
pagsasalita o wastong pagbigkas.

Ponema – ang tawag sa mga yunit ng


tunog ng isang wika
( Phoneme) phone -- tunog
eme -- makabuluhan
Ponema – -- tumutukoy ito sa
makabuluhang tunog – ang bawat
ponema ay maaaring
makapagbago ng kahulugan ng
isang salita
Hal. Nasa- pasa
-- Maari ring di makapagpabago –
Malayang nagpapalitan

Hal. Babae-babai; lalake-lalaki


2 uri ng ponema
► ponemang katinig – binubuo ng 16
na ponema– 16
► / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/,
/h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/,
/ng/, /w/,/y/, / ˆ/, /’/, /‛/

► ponemang patinig - ayon sa mga


linggwista at ilang mananaliksik,
tatatlo lamang ang patinig ng
Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay
Cubar (1994) ang fonemang /e/ at
/o/ ay hiram na salita sa kastila at
english.
► Allophone- ang tunog na /e/ at
/i/ o /o/ at /u/ ay malayang
nagkakapalitan na hindi
nagbabago ang kahulugan ng
mga salita

► HALIMBAWA:

► babai -- babae bukol -


bokol

► lalaki --- lalake tono ---


tuno
► ali --- ale

► Diptonggo/ Malapatinig –
tumutukoy ito sa
pinagsamang tunog ng isang
patinig /a,e,I,o,u / at tunog ng
isang malapatinig /w, y/ sa
iisang pantig. (aw, iw, ow,ay
ey,oy,uy)
► Hal. araw, ayaw, baboy,
aliw, sisiw, kahoy, tuloy,
sawsaw, kasuy, wow, bahay,
kalay, gulay

► Klaster o Kambal Katinig– ito ay


magkasamang tunog ng
dalawang ponemang katinig
sa iisang pantig; matatagpuan
ito sa– inisyal, sentral, pinal
► Hal. Blusa, kwento, hwag,
traysikel

► transportasyon,

Ponemang
Suprasegemental

► Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba


ng tinig.

-- nakukuha ang mensahe ng kausap–


nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong,
nakikiusap o nag-uutos.
► Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig
ng salita na may patinig o katinig.

► Diin - tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa


pantig na kailangang bigyang-diin.

► Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil


► Impit na tunog o Glotal sa
Pasara – ang ponemang ito ang bukod
tanging inirerepresinta ng titik o letra sa
halip ay tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa
salitang malumi, tuldik na ( ˆ ) para sa
salitang maragsa, kung ang tunog na ito ay
nasa pusisyong pinal ng salita at kung
minsan inireprisinta rin ito ng gitling kung
ang tunog na ito ay nasa gitna ng salita sa
pagitan ng panlapi o salitang nagtatapos sa
katinig at ang kasunod na salita ay
nagsisimula sa patinig.
Ang mga salitang natatapos sa tunog
na impit at tinatawag na malumi at
maragsa tulad ng mga halimbawa:
Salitang Malumi Salitang Maragsa
1. bata ΄ - child pipi ˆ - fattened
2. nasa ΄- desire, wish tala ˆ - list,note
Tsart ng Ponemang Segmental na
Katinig

► Punto ng Artikulasyon–
tumutukoy sa kung
anong bahagi ng bibig
naisasagawa ang
pagbigkas sa ponema
► Paraan ng Artikulasyon–
pagbigkas sa paraan
ng pagpapalabas ng
hangin sa bibig o ilong.

Tsart ng Segmental ng
Ponemang Patinig
Morpolohiya
► Ito ang tawag sa pag-aaral ng
mga morpema ng isang wika at ng
pagbubuo ng mga ito sa salita.
► Tinatawag din itong palabuuan.

Morpema
Ang tawag sa pinakamaliit na yunit
ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.

May tatlong uri ng morpema–


istem/salitang-ugat, panlapi at
morpemang binubuo ng isang
ponema.
► Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak
na salitang walang panlapi. Ang mga ito
ay maaring pangngalan, pang-uri at
pandiwa.

► Panlapi– tinatawag na di- malaya


sapagkat nalalaman lamang ang
kahulugan nito kapag naisama na ito sa
istem.

► Tinatawag na panlaping makangalan,


kapag ang nabubuong salita ay
pangngalan; panlaping makauri, kapag
ang nabubuong salita ay pang-uri at
panlaping makadiwa, kapag ang
nabubuong salita’y pandiwa.
Pagbubuo ng mga
Salita
► Paglalapi – pagkakapit ng iba’t
ibang uri ng panlapi sa isang
salitang0ugat, nakabubuo ng iba’t
ibang salita na may kani-kaniyang
kahulugan.
hal. Tubig
ma-+tubig = matubig
(maraming tubig)
pa-+tubig = patubig (padaloy
ng tubig)
tubig+-an= tubigan (lagyan
ng tubig)
tubig+-in = tinubig
(pinarusahan sa tubig)

► Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng


salita mula sa morpemang salitang-
ugat.

Pag-uulit na ganap
hal. Taon taun-taon
bahay bahay-bahay
Pag-uulit na Parsyal
usok uusok
balita bali-balita
Pag-uulit na parsyal at ganap
sigla masigla-sigla
saya masaya-saya

► Pagtatambal ng salita -
pagbubuo ng salita na
pinagsasama ng dalawang
morpemang salitang-ugat.

a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang


salita

hal. Taong- bundok, kulay- dugo

b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa


ng unang salita

hal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw

c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng


unang salita

hal. Bahay-aliwan, silid- aralan


d. Isinasaad ng ikalawang salita ang
pinagmulan ng unang salita

hal. Batang-lansangan, kahoy- gubat

e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita


ang unang salita

hal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw

SINTAKSIS
-Tumutukoy sa estruktura ng mga
pangungusap.

- Ang mga tuntuning nagsisilbing


patnubay sa pagsasabi ng
kawastuhan ng isang
pangungusap.
- Nakatuon sa masistemang
pagsasama-sama o pag-uugnay ng
mga salita upang bumuo ng
pangungusap.

SUGNAY
Ang sugnay ay lipon ng mga
salita na may paksa at
panaguri na maaring buo o
di-buo ang diwang
ipinapahayag.
Uri ng Sugnay
Sugnay na
Makapag-iisa

May paksa at panguri na buo


ang diwang ipinapahayag.
Ito ay tinatawag ding
punong sugnay.
Sugnay na Makapag-iisa
Halimbawa :

► Nakasulat si Zanjoe ng isang


mainam na sulatin.
► Ang kaniyang ama ay isang
guro.
► Si Jane ay isang huwarang
asawa.
Sugnay na
Makapag-iisa

May paksa at panguri na buo


ang diwang ipinapahayag.
Ito ay tinatawag ding
punong sugnay.
Sugnay na
Di-Makapag-iisa
Halimbawa :

► Nang kami ay lumuwas ng


Maynila
► Kung darating sila
► Na umalis kami sa burol
► Nang nahulog ang bata sa puno
► Nang bumagtas kami sa liku-
likong daan
PANGUNGUSA
P
Isang salita o lipon ng mga salita
na nagtataglay ng buong diwa.
Nagsisimula ito sa malaking titik
at nagtatapos sa tamang bantas
gaya ng tuldok, tandang
pananong at tandang padamdam.
Ang mga bantas na nabanggit ay
nagpapahiwatig na tapos na ang
mensaheng nais ipaabot na
nagpapahayag.
Dalawang uri
ng Pangungusap
1. Di-Predikatibong
Pangungusap
2. Predikatibong
Pangungusap
Di-
Predikatibong
Pangungusap

Predikatibong
Pangungusap
Uri ng Di-
Predikatibong
Pangungusap
Uri ng
pangungusap
A. Ayon sa Gamit
B. Ayon sa kaayusan
C. Ayon sa kayarian
Pagpapahaba ng
Pangungusap
► Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
kataga- pa,ba,man,naman,nga,pala at iba pa.

► Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring

panuring = na at ng

► Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento

-- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui na


nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.

a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan ito


ng panandang ng at mga panghalili nito.

hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.

► Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang


makikinabang sa sinasabi ng pandiwa

Pananda– para sa, para kay, at para kina.

hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga


bisitang darating.

► Kumplementong Ganapan–

Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.


► Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang
kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa.

Pananda– dahil, sa, kay

hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.

► Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay.

Pananda – ng

hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.

► Kumplementong Kagamitan o instrumento--


tumutukoy ito sa kung anong instrumento o kagamitan
ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.

► Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal


-- maaaring magtambal ang dalawang batayan o
payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at iba
pa.

Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay


subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.

Pokus ng Pandiwa

► Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa


ng pangungusap.

► Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay


ang layon ng pandiwa.

Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in

Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.


► Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na
pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.

Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan.

► Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang


paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o
pinaglalaanan ng kilos.

Panlapi– I, ipang- , at ipag.

► Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang


paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos.

Panlapi– ipang-.

Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

► Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan


ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang sanhi o
dahilan.

Panlapi– ika-,

Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.


► Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap
ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos.

Panlapi-- mag-, at mag –an.

Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.

You might also like