You are on page 1of 11

BAHAGI

NG
PANANALI
TA
( Part of Speech )
1. Pangngalan (Noun)
2. Panghalip (Pronoun)
3. Pandiwa (Verb)
4. Pang-uri (Adjective)
5. Pang-abay (Adverb)
6. Pang-ukol (Preposition)
7. Pang-angkop
8. Pangatnig (Conjunction)
PANGNGALAN
(NOUN)
A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin,
kaisipan o ideya.

Uri ng Pangngalan
1.Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan
ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik
(capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
Hal: Tsina, Judy Ann, monggol
2.Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang
pangalan.
Hal: bansa, artista, lapis
Kayarian ng
Pangngalan
1.Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring
mapag-isa
Hal: lilo, lila, lambat, silo, ilog

2.Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na


nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.
Hal:
ganda - kagandahan
isda - palaisdaan
away - mag-away
sayaw - sumayaw
3.Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat
o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig
lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo
o higit pang pantig.
Hal: tatay-tatayan, sabi-sabi , biru-biruan

Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga


salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang
inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag
napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay
itinuturing na mga salitang ugat.
Hal: gamugamo, guniguni, alaala
Klase ng mga pangngalang inuulit

a.Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng


salitang-ugat ang inuulit.
Hal: ari-arian, tau-tauhan

b.Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong


salita
Hal: sabi-sabi, sari-sari
4. Tambalan - mga pangngalang
binubuo ng dalawang magkaibang
salita na ipinapalagay na isa na lamang.

Hal: hampaslupa, sampay-bakod


akyat-bahay, bahay-aliwan
kapit-tuko
Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)
1. Pambabae
Hal: ate, nanay, Gng. Cruz
2. Panlalaki
• Hal: kuya, tatay, G. Santos
3. di-tiyak
• Hal: doktor, titser, huwes, punong- guro,
4. walang kasarian
• Hal: silya, lobo, puno
Uri ng Pangngalan ayon sa
Gamit
1.Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan
ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan,
Hal: katalinuhan, pagmamahal, pagdurusa

2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan


Hal: pula, ulap

3.Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-


sama, kumpol, grupo o pangkat.
Hal: kawan, buwig, pulutong, batalyon

You might also like