You are on page 1of 7

LYNDON C.

TANGGUID BSE – 2

PANUNURING PAMPELIKULA

Pamagat ng pelikula

Direktor Jerrold Tarog

Prinodyus Gerard Garcia

Sumulat E.A. Rocha


Henry Hunt Francia
Jerrold Tarog

Itinatampok sina John Arcilla


Mon Confiado
Arron Villaflor
Joem Bascon
Archie Alemania
Epy Quizon
Nonie Buencamino

Sinematograpiya Pong Ignacio

In-edit ni Jerrold Tarog

Produksiyon Artikulo Uno Productions

Tagapamahagi Quantum Films

Inilabas noong Setyembre 9, 2015

Bansa Pilipinas

Wika Filipino

Mga Gumanap
 John Arcilla Heneral Antonio Luna
 Mon Confiado  Presidente Emilio Aguinaldo
 Epy Quizon  Apolinario Mabini
 Archie Alemania  Kapitan Eduardo Rusca
 Joem Bascon Paco Roman
 Paulo Avelino  Heneral Gregorio del Pilar
 Alex Medina Kapitan Jose Bernal
 Ronnie Lazaro Tinyente Garcia
 Ketchup  Pedro Janolino
Eusebio 
 Bing Pimentel Laureana Luna
 Art Acuña Koronel Manuel Bernal
 Leo Martinez   Pedro Paterno
 Benjamin Alves  Tinyente Manuel Quezon
 Miguel Heneral Arthur MacArthur Jr.
Faustmann
 Marc Abaya young Antonio Luna
 Perla Bautista Trinidad Aguinaldo, nanay ni Emilio Aguinaldo
 Dido de la Paz Don Joaquín Luna de San Pedro, tatay ni
Antonio Luna
 Junjun Quintana José Rizal
 Nico Antonio Andrés Bonifacio
 Jake Feraren Procopio Bonifacio
 Carlo Aquino  Koronel Vicente Enriquez
 Arron Villaflor  Joven Hernando
 Mylene Dizon  Isabel

BUOD NG PELIKULA

Nagsimula ang pelikulang Heneral Luna sa pagdedebate nina Pangulong Emilio Aguinaldo
kasama ang kanyang Prime Minister na si Apolinario Mabini at ang kanyang gabinete na nag
dedebatihan tungkol sa isyung American presence sa Pilipinas. Sina Felipe Buencamino at Pedro
Paterno sumusuporta sa mga Amerikano, habang si Heneral Antonio Luna at General Jose
Alejandrino nais ng kalayaan para sa Pilipinas. Luna humihingi sa gabinete upang pahintulutan
nag isang pre-emptive strike habang patuloy parin ang pagdedeploy ng mga sundalong amerikano
sa ating lupa. Gayunpaman panatag si Aguinaldo na ang kaniyang gabinete na ang mga
Amerikano ay nangako na tulungan at makamit ang kalayaan mula sa kanilang Spanish overlords.
Sa kasamaangpalad, ang mga amerikano ay may planong sakupin ang lungsod ng Manila, na
nagpapahiwatig ng isang posibleng digmaan laban sa mga Pilipino. Luna kasama ang mga
pinagkakatiwalaang niyang tao na sina general Jose Alejandrino, colonel Francisco “Paco”
Roman, Captain Eduardo na magsimula sa isang delikadong kampanya laban sa panghihimasok
sa mga pwersang amerikano. Sa panahon ng isang matinding labanan laban sa hukbong
amerikano sa pamumunoni Heneral McArthur Jr. at General Otis, itatanong ni luna para sa mga
reinforcements mula sa kawit batalyon ngunit kumandernito ay ayaw sumunod dahilang order ay
hindi nagmula sa kanyang sariling president. Dahil sa galit ni luna ay pinahiya niya ito sa harap ng
mg atao at pinaalis ang batalyon. Pagkatapos ay pinagtipon niya ang 4,000 na sundalo sa
pamamagitan at pagpapahayag ng kanyang “Article One” na nagpapahayag na ang lahat ng
tumanggi na sundin ang kanyang mga utos ay pinaaandar nang walang pakinabang ng isang
pagsubog sa isang military na hukuman ay ipapapatay. Ipinahiwatig ninaBuencamino at paterno
ang kanilang suporta sa isang panukala sa pamamagitanng Amerikano sa pagsasariling Pilipinas.
Galit nag galit ito sa pamamagitan ,dahil utos ni luna na ipa-aresto sila. General Tomas Mascardo
na tinutulan ang utos ni luna para sa reinforcements na nagsasabi na siya ay susunod lamang
kapag galing sa pangulo ang mga utos na iyon. Tuloy padin ang mga ibang heneral tulad ni
Gregorio Del Pilar na umaatras sa hilaga. Pumunta si luna sa headquarters ng pangulo sa
Cabanatuan. Kahit ang mga opisyal ay kahina-hinala, Nagdadala lamang ay si Roman at Rusca
sa kanya. Karamihan sa mga sundalo ay natitira sa headquarters sa ilalim ng kautusan ni
pangulong Aguinaldo, na may pagbubukod sa ilang mga elementong kawit batalyon. Nadiskubreni
Luna ang pagkadating ni Aguinaldo ay natitira lamang ay si Buencamino na nasa opisina. Noong
sila ay nagbabatuhan ng mga salita biglaan nalang makakarinig ng isang putok ng baril sa labas
at inimbestigahan agad ito, Natagpuan niya si Captain Janolino at ang kanyang mga tao
napagatake sa kanya. Binaril, Sinaksak siyang paulit-ulit hanggang sa mamatay. Habang sila
Rusca ay sumuko sa Kawit Sundalo.

Tema/PaksangDiwa:

1. Nasyonalismo. Sinalimin nito ang hangarin ni Luna bumuo ng isang matatag na bansa.
Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwentong nasyonalismo na natunghayan niya sa
kanyang mga paglalakbay.

2. Kasama na din ang disiplina na nakatatak sa karakter ng bayaning si luna. Pinakita rin sa
pelikula kung paano niya pinamahalaan ang mga pilipinong sundalo upang sugpuin ang
pwersa ng mga Amerikano sa Bansa at matupad ang kanilang hangaring makamit ang
pangmatagalang kalayaang hinangad ng sambayanan.
Pamagat ngKwento:
 Ang pamagat ng kwento ay nagbigay ng mapaglalang damdamin kung paano piñata si
heneral luna. Pinakita rin kung sino sino ang mga naiinis sa kanya dahil sa kanyang angas.
Genre: Aksyon, Kasaysayan
 Pagganap ng mga tauhan: Mahusay at naisabuhay nilang maayos ang mga tauhan sa
kwento. Makakakonekta ang lahat ng uring manonood ang mga linyang tumatak sa puso
natin.
Diyalogo:
 Tulad ng pagganap ng mga aktor, masasabing maganda ang pagbigkas ng mga actor sa
kanilang diyalogo at bawat diyalogo nila ay mayroong batid talaga sa damdamin ng
manonood. Ang diyalogo na ginamit ay lubhang nagpatingkad lalo ng mensahe ng pelikula.

Direksyon:
 Makatwiran na masasabing mahusay ang pagiging director ni Jerrold Tarog. Dahil napakita
niyang maayos ang mga pangyayari noong panahon ni Heneral Luna at pati narin ang mga
diyalogo at pagganap ng mga tauhan sa kwento.
Sinematograpiya:
 Maganda ang kanilang pagkakagawa ng pelikula, naipakita nila ang naging buhay at kung
paano nagsilbi si Heneral Luna sa ating pamahalaan.
Musika/ Paglalapat ng Tunog:
 Naayon ang tema ng musika sa gusto ng sambayanang Pilipino na makuha sa mga
Amerkano ang kanilang kalayaan.
LYNDON C. TANGGUID BSE – 2

PAGSUSURI NG TULA

Sa Aking mga kababata


Ni Jose Rizal
Nilalaman:
 Ang "Sa Aking Mga Kabata" ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa
pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito
ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869
sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal.
Sukat:
 Ang tulang ito ay binubuo ng lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod.
Tugma:
 Ito ay maiuwi sa tugmaang ganap sapagkat ito ay nagkapare-parehas ng tunog o titik sa
bawat taludtod ng saknong.
Kariktan:
 Ang kariktan na iniwan ni Jose Rizal ay ang kasabihang nanatili pa rin ngayon:
 “Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit pa sa hayop at malansang isda”
(Tungkol sa pagmamahal sa bayan at wika)
 “Ang hindi magmahal sa kanyang  salita mahigit sa hayop at malansang
isda”.Malilirip natin sa linyang ito na kung hindi ka  marunong magmahal sa sariling
wika ay higit pa na mababaw ka sa mga hayop at higit na malansa sa isang
isda.Kaya nararapaat na pagyamin natin an gating sariling wika.Nararapat  na hindi
ikahiya bagkus ito’y mahalin at ipagmalaki sa buong mundo.Nararapat rin na hindi
hanggang  sa salita lamang kundi pati sa gawa.
Talinghaga:
 Sa pamamagitan ng talinghaga ng sigwa, pinsaringan niya ang karanasan ng pananakop
sa Pilipinas na siyang dahilan ng di pagmahal sa sariling wika.

 Saknong 1: Kapagka ang baya’y sadyang umiibig, Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit, Katulad ng ibong nasa himpapawid. (simile o
pagtutulad)

Saknong 3: Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. (personification
o pagpapasatao)
Simbolismo:
 Gumamit ng mga simbolismo ang sumulat nito na siyang nagbibigay buhay at kulay sa tula.
Ito ang naiiwang imahe, larawan o simbolo sa mga nagbabasa.
 Ito ang mga ilang simbolismo sa tula:
 Lunday sa lawa (namatay sa lawa o inilibing sa limot ang isang wikang pambansa)
 Sanglay kalayaan (pag-aasam na makamit ang kalayaan)
 Ibong nas himpapawid ( Kalayaan)
 Kaharian (pamahalaan)
LYNDON C. TANGGUID BSE – 2

PAGSUSURI NG MAIKLING
KWENTO

SI TANYA, ANG UWAK NA GUSTONG PUMUTI


ni
German V. Gervacio

I. PANIMULA
 Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan
na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may
banghay, tauhan paksa at tagpuan.

II. PORMALISTIKO
A. Buod o Synopsis
 SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa
ring maging isang puting ibon. Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang
lumahok sa patimpalak na Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero
kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa kanya. Ang mga ito ay mga
hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting tagak. Pangalawa naman ay
ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang
kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw
ni Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano. Sinabi kasi nito na kung
bakit hindi nalang makuntento si Tanya sa kanyang kulay na ibinigay sa
kanya ng Panginoon.

 Sa huli ay natanggap rin ni Tanya ang kung anong mayroon siya. Naganap
ito noong bago magsimula ang patimpalak sa Little Princess Song Bird.
Nakuha kasi ni Andokito ang kaibigan ni Tanya na Si Bianca noong papalayo
itong lumilipad pagkatapos nilang mag-away. Iniligtas ni Tanya ang kaibigan
imbes na lumahok sa nasabing paligsahan.

B. MGA ELEMENTO
1. PAKSA
 Ang paksa ng kwento ay ang pagiging kuntento kung ano ang mayroon
ka at kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa iyo ay maging Masaya ka
sapagkat ang lahat ay may kanya-kanyang kagandahan sa kanilang mga
sarili.
2. TAGPUAN
 Ang tagpuan ng akda ay sa kagubatan ng Puerto Princesa. Doon rin
kabilang ang patimpalak na nais lahukan ni Tanya.
3. TAUHAN
 Si Tanya, ang uwak na nais pumuti, ang kanyang matalik na kaibigang si
Bianca at si Andokito na ninais kuhain si Bianca.

4. BANGHAY
a. PANIMULA
o Si Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam
niya pa ring maging isang puting ibon.

b. SAGLIT NA KAKINTALAN
o Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na
Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya
kapursigido ay may balakid sa kanya.

c. PAPATAAS NA AKSYON
o Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting
tagak. Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya
ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang kanyang problemang ayaw ng
kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni Bianca na tulungan
siya sa kanyang mga plano.

d. KASUKDULAN
o Nag-away sina Tanya at Bianca. Tinangka namang kunin ni Andokito
si Bianca.

e. PABABANG AKSYON
o Pinagpalit ni Tanya ang kanyang pagsali sa patimpalak upang
tulungan ang kanyang kaibigang si Bianca.

f. WAKAS
o Natutunang mahalin ni Tanya ang kanyang kulay at nakuntento na
siya sa kung anong mayroon siya.

g. TUNGGALIAN
o Tao laban sa kanyang sarili. Tao laban sa kanyang sarili sapagkat si
Tanya ay walang tiwala sa kanyang sarili. At hindi niya gusto kung ano
man ang mayroon siya, ni hindi nga siya makuntento sa kanyang sarili.

III. TEORYANG PAMPANITIKAN

A. IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga
manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1. Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.


2. Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan
nito.
3. Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.
4. Teoryang Feminismo - binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan
5. Teoryang Arkitaypal - Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang
akda.
6. Teoryang Pormalistiko - mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.
7. Teoryang Eksistensyalismo - layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang
pumili.
8. Teoryang Romantisismo - pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang
kanyang pagmamahal.
9. Teoryang Bayograpikal - mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.
10. Teoryang Saykoanalitiko - ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa
gawaing sekswal.

B. TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI


 Teoryang Realismo

C. PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI


 Sapagkat may mga ganitong tao rin. Hindi sila makuntento kung anong mayroon
sila. Kailangan pa nila ang ibang tao para magkaroon lang ng tiwala sa kanilang
sarili. Ang iba nga ay gumagamit, nagpapadagdag at nagpapabawas pa ng kung
anu-ano sa kanilang sarili para lamang makuntento.

IV. REAKSYON
 Ang kwento ay nakaeengganyo at ang kwento rin ay napapanahon. Ang kwento ay
nakaaakit at nakalilibang rin para sa mga bata.

You might also like