You are on page 1of 4

HENERAL LUNA : Ang Dakilang Heneral

Ananda Wisely R01 BSITDA

Mga Karakter:

John Arcilla bilang Heneral Antonio Luna

Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo

Epi Quizon bilang Apolinario Mabini

Arron Villaflor bilang Joven Hernando

Archie Alemania bilang Kapitan Eduardo Rusca

Joem Bascon bilang Punong-Hukbo Paco Roman

Alvin Anson bilang Heneral Jose Alejandrino

Nonie Buencamino bilang Felipe Buencamino

Paulo Avelino bilang Heneral Gregorio "Goyong" Del Pilar

Alex Medina bilang Kapitan Jose Bernal

Ronnie Lazaro bilang Lt. Garcia

Mylene Dizon bilang Isabel

Ketchup Eusebio bilang Kapitan Janolino

Bing Pimentel bilang Doa Laureana Luna

Art Acua bilang Col. Manuel Bernal

Leo Martinez bilang Pedro Paterno

Lorenz Martinez bilang Heneral Tomas Mascardo

Benjamin Alves bilang Maj. Manuel L. Quezon

Romcel Musa bilang Heneral Arthur MacArthur Jr.

Direktor: Jerrold Tarog

Buod: Ginanap noong kasagsagan ng digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino, isang
heneral na may maikling pasensya, magagalitin, mahigpit ngunit magiting at tunay na makabayan ang
humarap sa kanyang mga kalabang mas matitindi pa kaysa mga Amerikanong dayuhan, ang kanyang
mga traydor na kababayan.

Matapos ang tatlong daang taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas, dumating ang mga
Amerikano at binili ang bansang Pilipinas, kasabay ng Cuba, mula sa Espanya sa halagang $20,000,000.
Noong mga panahong iyon, bumuo na ng isang rebolusyonaryong pamahalaan si Emilio Aguinaldo.
Nagkagulo ang kanyang mga gabinete kung makikipag-kumpromiso ba sila sa mga bagong dating na
dayuhan, o makikipagdigma. Pilit na itinulak ni Hen. Antonio Luna na makipagdigma laban sa mga
Amerikano. Subalit, marami sa mga negosyanteng Pilipino ay tumutol sa kadahilanang nais nilang
protektahan ang sari-sariling interes, dagdag pa ng mga negosyante, walang sapat na armas ang mga
Pilipino upang lumaban sa mga Amerikano.

Kahindik-hindik ang naging katapusan ni Heneral Luna. Ang kanyang maalamat na kakulangan sa
pasensya, pagiging sobrang mahigpit at pagiging sobrang agresibo ang nagtulak sa kanyang malagim na
kamatayan. May mga nagsasabing si Presidente Emilio Aguinaldo diumano ang nagpapatay sa heneral.
Subalit hanggang ngayon, nananatili pa ring misteryo kung sino talaga ang may pananagutan sa
pagkamatay ng heneral.

Review:

Magiting, matapang, tunay na makabayan, makata, henyo sa taktika pang-militar SUBALIT hindi
marunong magtimpi, ubod ng higpit, marahas at magaspang magsalitaIyan si Heneral Luna. Ipinakita
ang mga kahinaan ni Hen. Luna bilang tao. Hindi ginawang eksaherado o pinalabas na perpekto ang
karakter ng bida.

Masasabi ring nagpokus ang prodyuser sa emosyon ng mga karakter. Maraming eksena sa
palabas ang nagpapakita nito, tulad na lang ng tawagin ni Hen. Luna na duwag ang anak ni Beuncamino ;
bumuwelta naman si Buencamino na lunatiko ang mga Luna.

Pino ang pagkakagawa ng palabas na HENERAL LUNA . Malinaw, madaling maintindihan ng


mga pangkaraniwang mamamayan ang mga mensahe, maraming eksenang katawa-tawa, patok sa
takilya. Isa sa mga eksenang labis kong nagustuhan ay yaong sa tren. Nawalan ng upuan sa tren ang
mga sundalo ni Hen. Luna dahil inukupa ito ng mga magsasaka, tinderot tindera, useserot usesera.
Pinalayas sila ng heneral, Tonto ! Hindi tayo mamamasyal !

Ganun tayong mga Pilipino, hanggang ngayon. Marami na ngang problema ang bayan, masaya
pa rin. Tila mamamasyal na sumasakay sa tren ng kawalang hinagap.

Napatawa ako ng mga unang eksena (comedy), napatahimik at kinilig sa pakikipagromansa


(romance) ni Hen. Luna kay Isabella, labis na kumirot naman ang puso ko sa mga naging huling eksena
(horror at drama) sa buhay ng magiting na heneral. Punong-puno ng emosyon, halos tumulo na ang mga
luha at uhog mula sa matat ilong ko nang maganap ang asasinasyon ng heneral. Mamamatay tao!
Traydor! Pinatay siyang parang hayop. Pinahirapan ng husto, pinagtulungan, sinugod ng walang
kalaban-laban. Masyadong masama. Pilipino laban sa Pilipino.

Namuo sa puso ko ang matinding pagka-inis kay Emilio Aguinaldo. Ipinapatay niya na nga si
Andres Bonifacio dahil matinding kaagaw niya ito sa pagka-Presidente. Si Aguinaldo rin pala ang
nagpapatay kay Hen. Antonio Luna. Hindi naman direktang sinabi sa palabas na si Aguinaldo nga ang
nagpapatay kay Hen. Luna, subalit mahihinuha mo na ganoon na nga ang nangyari.

Pinadalhan ni Aguinaldo si Luna ng telegram na nag-uutos na pumunta siya sa isang simbahan


sa Nueva Ecija. Dumating sa nasabing lugar ang heneral, subalit wala roon ang presidente, ang naroroon
ay mga assasin.

Napakasakim. Napaka-gahaman pala talaga sa puwesto ni Aguinaldo. Parang bulag na


buwayang agad naniwala sa mga sabi-sabi ukol sa heneral. Nais niyang italaga ang kanyang sarili sa
pinakamataas na puwesto sa pamahalaan. Magtatayo siya ng diktatoryal na pamahalaan, at handa
niyang sagasaan maging kayo, Presidente Aguinaldo. Si Heneral Antonio Luna ay malupit, mayabang,
gahaman sa kapangyarihan..

Ang pagkakaganap ni John Arcilla bilang Heneral Luna ay tunay na kapuri-puri. Mababakas ang
buong pagkakaintindi ni Arcilla sa karakter na kanyang ginanap. Matagumpay niya ring naipakita ang
ibat-ibang mukha ng heneral. Bilang mabangis na pinuno sa tila wala nang pag-asang hukbo, siyay
istrikto at kapupulutan ng inspirasyon. Bilang kaibigan sa kanyang matapat na mga opisyal, siyay
mapagpatawa at mahusay na makata. Bilang anak sa kanyang mahal na ina, siyay buong pag-ibig. Inibig
niya ang kanyang bayan gaya ng kanyang pag-ibig sa kanyang ina.

Ayon nga sa aking pagsasaliksik, umabot sa mahigit P100 million ang nagastos sa
pagpoprodyus ng palabas. Hindi naman nasayang ang malaking halagang ginugol sa palabas na Heneral
Luna dahil napaganda naman ng kinalabasan.

You might also like