You are on page 1of 4

Nilalaman at Daloy:

I. Buong pangalan ng tagapag-ulat


CABALLEJO, JOHN MICHAEL B.
PANELA, KURT WINSTON S.
BELITA, ARIANE GRACE R.
DAYAON, IRISH KEISHA E.
NUNEZ, MA. CRIZZY MAE D.
VILLEGAS, AISHA NICOLE I.
II. Tunguhin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng panghihiram ng salita sa pagbasa ng tekstong
siyentipiko;
2.Naisa-isa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagbasa ng teksto upang
maunawaan ang tekstongsiyentipiko
3.Napagyayaman ang bokabularyo sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa
mga salitang ginamit sa teksto

III. Pamagat
Pagsusuri ng anumang at isang Tekstong Siyentipiko
IV. Buod ng ulat
Ito ay magbibigay kaalaman sa mga estudyante kung ano ang kahulugan at ang
mga katangian ng tekstong siyentipiko

V. Panimula
Ano nga ba ang Tekstong Siyentipiko
-Ang Tekstong Siyentipiko ay mga tekstong nakabatay sa pag-aaral o pananaliksik sa
mga disiplinang pang-agham, ito ay maaaring maging Chemistry, Physics, Biology,
Medicine o etc. Kadalasan ang istilo ng pagtalakay ng tekstong siyentipiko ay ang
paglalahad, paglalarawan, at pangangatwiran.
-Ang Tekstong Siyentipiko ay tumutukoy sa mga tekstong nagpapahayag ng kaalaman
ukol sa mga konsepto, mga teorya, at iba’t-ibang paksa na nakabatay sa mga
kaalamang agham.

VI. Nilalaman
Katangian ng Tekstong Siyentipiko
-Ang Tekstong Siyentipiko ay nakapokus sa mga makatotohanang impormasyon, ito ay
nakabatay sa mga ebidensya na nakalap at na obserbahan ng manunulat.
-Sa kadahilanan impormatibo ng Tekstong Siyentipiko ang wika at pamamaraan ng
pagsulat ng teksto ay gumagamit ng Pormal na wika, makikita din ang mga salitang
teknikal at mga salitang pang-agham sa tekstong siyentipiko.
-Ang mga datos, impormasyon, at ebidensya nakasaad sa Tekstong Siyentipiko ay
maaaring mapatunayan ng mga mambabasa, sa pamamagitan ng paggamit ng
sanggunian upang masuri ang mga pinagmulan ng mga impormasyon na nakasaad sa
Tekstong Siyentipiko. (Life Persona, n.d.)
Layunin ng Tekstong Siyentipiko
-Ang layunin ng Tekstong Siyentipiko ay ipinahayag sa mga mambabasa ang mga
impormasyon nakalap mula sa pananaliksik ng mga paksa na ka pokus sa agham, na
maayos at malinaw upang maintindihan at maunawaan ng mga mambabasa ang laman
ng teksto. (Types of Art Style, 2021)
Halimbawa ng Tekstong Siyentipiko
-Ang mga halimbawa ng Tekstong Siyentipiko ay mga nakasulat na ulat, artikulo, tesis,
monograpiya, mga manual, tanyag na mga gawa ukol sa agham, at mga libro at
magasin sa pangkalahatan sa mga paksa ng kalusugan, sosyal, matematika, pisika,
kimika, biological, atbp.

VII. Konklusyon
Ito ay isang halimbawa ng tekstong Siyentipiko. Tungkol ito sa bagong COVID19
Vaccine na apprubado at sisimulan ang pagbabakuna. Makikita sa teksto na may
sapat at tiyak na siyentipikong eksplanasyon ang lahat ng mga nakasaad dito.
Mapapansin din na mayroon ditong mga scientific terms na ginamit upang maibigay
ang saktong impormasyon.

SANTA CLARA COUNTY, Calif.– Ang Centers for Disease Control and
Prevention (CDC) ay inaprubahan ang paggamit ng Novavax na bakuna sa
COVID-19 noong Hulyo 19, 2022, at ang County ng Santa Clara ay
magsisimulang magproseso ng pagkakaroon ng bakuna.

Ang bakunang Novavax ay magiging isang praktikal na unang serye ng


pagpipilian ng mga adult na nasa 18 taong gulang at pataas, sa Santa Clara
County, pero hindi ito magiging pagpipilian bilang booster sa ngayon ayon sa
pag-apruba ng FDA.

Hindi katulad ng kasalukuyang available na mga bakuna ng Pfizer at Moderna


na gumamit ng isang mRNA-based approach para bumuo ng immunity,
gumamit ang Novavax ng traditional protein-based technology. Parehong
paraan ay ligtas at napaka-epektibo sa pagpigil ng malubhang mga sakit at
pagkamatay mula sa COVID-19.

“Ang pagdagdag ng bakuna sa COVID-19 na Novavax sa ating imbentaryo ay


nagdaragdag ng isa pang magagamit na pagpipilian upang mapanatili ang
mga indibidwal, pamilya, at ang buong publiko na maprotektahan laban sa
malubhang sakit mula sa COVID-19,” sabi ni Dr. Jennifer Tong, Associate
Chief Medical Officer ng Santa Clara Valley Medical Center. “Sa sandaling
matanggap at maipamahagi ng County ang mga bakuna sa ating mga
lokasyon, maaari na itong magamit.”

Ang bagong inaprubahan na bakunang Novavax ay maaaring itago sa


karaniwang mga temperatura sa pagpapalamig sa pagitan ng 36 hanggang
46 degrees Fahrenheit. Maaari din itong magsilbing alternatibo para sa maliit
na porsiyento ng mga taong hindi makatanggap ng paunang serye ng
bakunang mayroong mRNA dahil sa kasaysayan ng mga allergic na reaksiyon.

Ang mga kaso ng COVID-19 ay nananatiling nasa mataas na talampas sa


Santa Clara County at ang kasalukuyang mga bilang ay hindi kabilang ang
mga maraming taong nagpositibo ang resulta mula sa in-home tests. Ang
mga antas ng basurang tubig (wastewater) ay nananatiling makabuluhang
mas mataas kaysa sa panahon ng kasagsagan ng Delta sa puntong ito noong
nakaraang tag-init. Dagdag pa rito, mayroon pa ring pagkamatay kahit saan
mula anim hanggang siyam bawat linggo mula sa COVID-19 sa ating County.
Tekstong Humanidades VS Tekstong Siyentipiko
Tekstong Humanidades Tekstong Siyentipiko

Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay naka-pokus sa


nagmula sa isip ng tao, ito ay may mga pag-aaral at pananaliksik ukol sa
kinalaman sa kaisipan, damdamin at paksang agham.
pakiki ugnayan ng tao sa kapwa.

Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay gumagamit ng


gumagamit ng pormal at impormal na mga wikang pormal, at gumagamit ng
pamamaraan ng pagsulat. salitang pang-agham.

Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay naglalahad ng


ipinapakita sa mga nagbabasa ang mga mga datos, impormasyon, at mga
nararamdaman at iniisip ng manunulat obserbasyon na nakuha ng manunulat sa
pamamagitan ng masusing pananaliksik.

Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay naglalahad ng


maaaring maglaman ng makatotohanan mga datos, impormasyon, at mga
o hindi makatotohanan. obserbasyon na may ebidensya na
nagpapakita ng makatotohanan ang
tekstong.

Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay nagmula sa


nagmula sa mga guni-guni ng masusing pag-aaral at pananaliksik ng
manunulat. agham ng manunulat.
Ang Tekstong Humanidades ay Ang Tekstong Siyentipiko ay Objective
Subjective

VIII. Rekomendasyon
Sa Mga Mambabasa:
-Basahin muna ang buong teksto upan maka tiyak kung ito ay Siyentipiko
-Maghanap ng Reliable source para sa maayos at tiyak na impormasyon
-Sikaping mag “research” Kung hindi alam ang ibig sabihin ng salita

IX. Mga Sanggunian


Workbook in Filipino 3 (Canvas):
https://drive.google.com/file/d/1OqWBTJoEj6Kg60GFoADqSd3Qci7nXSA1/vie

Life Persona. (n.d.). What is a Scientific Text? Top Features. Life Persona. Retrieved
September 13, 2022, from https://www.lifepersona.com/what-is-a-scientific-text-top-
features

Mansor, N. B. (2021, Marso 26). Pagbasa ng Tekstong SIYENTIPIKO. Kahulugan ng


teksto ng siyentipiko (ano ito, konsepto at kahulugan) - Ciencia Y Salud 2022. Retrieved
September 13, 2022, from https://tl.ninanelsonbooks.com/significado-de-texto-cient-
fico

Types of Art Style. (2021, May 13). Scientific text: what it is, characteristics, structure,
types, and more 2022. types of art styles -. Retrieved September 13, 2022, From
https://typesofartstyles.com/scientific-text/

World Heath Organzation (2022, Hulyo 20), Ang Bagong Naaprubahan na Novavax na
Bakuna sa COVID-19 ay Ibibigay sa Santa Clara County sa Sandaling Dumating ang
mga Suplay. Retrieved September 12, 2022, from https://covid19.sccgov.org/news-
releases-tagalog/pr-07-20-2022-newly-approved-novavax-covid-19-vaccine-will-be-
administered-santa-clara-county-once

You might also like