You are on page 1of 2

Bernardo, Albert A.

Sulating Diwa # 7

BSAT 3-2 July 11,2017

Liham sa mga Kababaihan ng Malolos


Nagpadala si Rizal ng liham sa Pilipinas ng malaman niya na ang mga kababaihan ng
Malolos, Bulacan ay gumawa ng isang petisyon upang silay makapag-aral sa ilalim ng pagtuturo
ni Teodoro Sandiko. Inilapit nila ito sa gobernador-heneral ngunit hindi nilagdaan. Bigo man sila
sa hakbangin na ginawa nila ngunit nakita ni Rizal ang katapangan ng kababaihan, paggugumiit
nila para silay matuto at maging mataas sa lipunan.

Liham sa mga Kababaihan ng Malolos, kilalang liham ito ni Rizal na ibinigay sa dalagang
taga-Malolos. Ito ay nagpapayag ng kahalagan at responsibilidad ng mga babae o ina sa kanilang
pamilyang kinabibilangan. Sa una kasiy sunud-sunuran lamang ang mga babaeng Pilipino sa
kamay ng mga Espanyol at hindi marunong lumaban sa pang-aapi ng mga ito. Ang mga babae ay
nanahimik lamang at hindi ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Masasalamin na alam ni
Rizal ang mga kalalagayan at hinain ng mga kababihan dahil sa pakikisalamuha nya sa
kababaihan. Sa liham na ito inasabi ni Rizal na ang pakikipag-ugnayan at pananampalataya sa
Diyos ay hindi makikita sa matagal na pagluhod at paggamit ng kung ano-anong bagay masabi
lamang na ikaw ay makadiyos bagkos sa makikita ito sa pagtulong sa kapwa at mahihirap.
Binanggit niya sa kanyang liham na mahalaga ang papel o gampanin ng inasa kanilang pamilya.
At simula bata ay kailangan alagaan ang mga bata at pakitaaan ng mabubuting asal dahil sa
kanila nagmumula ang kilos ng isang bata ani niya. Kinukumbinse niya ang magulang na
kailangan maging malaya tayo sa pang-aalipin at mahalin ang bansa dahil kung mahal natin ang
ating bansa mahal din natin an gating pamilya.

Sa aking pag-babasa ng liham na sinulat ni Rizal masasabi ko na isang mapag-


alala/concern si Rizal sa bansang Pilipinas at sa kanyang kapwa Pilipino. Kahit nasa ibang bansa
si Rizal nagawa parin niyang sumulat sa kanyang mga kababayan para ipamahagi ang kagalakan
niya sa mga kilos na ginawa ng mga kababaihan. Lahat ng mga pahayag ni Rizal ay
makatotothanan at wala akong tinatanggihan. Dahil tunay nga na mahalaga ang ina sa pamilya
lalo na sa ating bayan. Hindin lamang niya isinulat ito particular sa mga kababaihan ng Malolos
kundi pati sa mga kababaihan sa buong Pilipinas. Malalalim ang mga salitang ginamit niya.
Makikita na siya ngay dalubhasa sa pagsusulat sa anu mang larangang pampanitikan.

Malaki ang naitulong ng liham na ito sa mga kababaihan at mga Pilipino dahil ito ay
nagpapakita ng suporta sa pamamalakad ng kalayaan sa ating bansa. Kahit bigo sila sa petisyong
ito binigyang halaga parin ni Rizal dahil nakita niya na may karamay siya sa pakikipaglaban sa
kalayaan ng bansa.

You might also like