Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Broken Hearted
Alamat NG Broken Hearted
Hingid sa kaalaman ng nakararami ang pagiging in love ay masaya, tulad na lamang ni Ace.
nagugustuhan niya. Palagi siyang lumiliban sa kaniyang klase kung kaya ang kaniyang grado sa
bawat asignatura ay kurbadong palakol, ngunit siya naman ay matalino. Sa paaralang kaniyang
pinapasukan kilala siya bilang matalino ngunit isang tamad na mag-aaral, sa tuwing
magkakaroon ng biglaang pagsusulit siya pumapasa yun nga lang siya ay palaabsent kung kaya
Huli nang pumasok si Ace sa paaralan at sa pagpasok niya sa silid aralan ay may nakabangga sa
kaniyang isang transferee, napatulala si Ace nang masilayan niya ang babaeng nakabangga sa
kaniya, may mahaba at itim na buhok ang dalaga, may katamtamang hubog na katawan na
aakalain mong isang modelo, at higit sa lahat may mala minatamis na amoy. Tila isang
estatuwang malalaglag ang mata kung siya ay titignan “In love na ata ako” bulong nito sa sarili.
Makalipas ang ilang segundo siya ay derederetsong naglakad patungo sa kaniyang silya na
parang walang guro sa harapan ng silid. Samantala, ang kaninang nakabangga sa kaniya ay
naupo naman sa kaniyang bandang harapan ng silid aralan. Maghapong naka-angat ang ulo ng
binatilyo kung kaya nagtataka ang bawat makakakita sa kaniya dahil hindi ito ang natural na
kilos ni Ace. Siya ay laging nakadukmo na tila laging pagod o puyat, halos dumikit ang pintura
ng silya sa kaniyang mga pisngi, ibang iba sa kilos niya ngayon. Akala ng lahat na siya ay
nakikinig dahil sa siya ay nakatingin sa harapan, ngunit hingid sa kaalaman ng nakararami siya
ay nakatitig sa mala artistang likod ng transferee. Hanggang sa matapos ang bawat asignatura
siya ay aktibo, nagpapapansin sa dalaga, akala yata ay matitipuhan siya. Magsisipaguwian na ang
lahat, ang binata ay nag-aabang sa labas ng gate ng paaralan kung saan dumadaan ang lahat ng
dalagang kaniyang natitipuhan, tila pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ng binata
nang makita niyang binitbit ng isa ring binata ang bitbitin ng dalaga. Nalumbay si Ace kung kaya
siya ay umuwi na lamang at nag-emote sa kaniyang silid. Kinabukasan, balik sa dating gawi si