You are on page 1of 2

Leah Jean L.

Gaba

2 BSA - 5

Nagtaka si Angel ng may makita siyang nakatuping papel sa ibabaw ng kaniyang lamesa.
Binuksan niya ito at binasa. "Ice cream gusto mo? Pwede mo ko maging kausap?" Nang
mabasa niya ang nakasulat sa papel ay nilibot niya ang kaniyang paningin upang hanapin
kung kanino ito galing. Hanggang sa magtama ang paningin nila ni Alice na nakangiti sa
kanya at tila ba nangungusap na sa akin galing iyan. Nang mapagtanto niya ito, biglang
kumunot ang kaniyang noo, tumaas ang kilay at ginasumot ang papel.

Nasa kolehiyo na si Angel, kasama ang mga kaibigang sina Sofia at Kyla. Matagal na silang
magkakaibigan mula pa nung high school. Parehas din sila ng kinuhang kurso dahil ayaw
nilang maghiwahiwalay. Pero hilig naman nilang tatlo ang pagtuturo kaya lahat sila ay
kumuha ng teaching profession.

Natapos ang buong maghapon ng klase na yun na hindi pumasok sina Sofia at Kyla kaya
naman naiwang magisa si Angel sa lahat ng klase. Dahil doon lungkot na lungkot si Angel
at ayaw niya makipagusap sa iba. Kaya nga ng may nakita siyang papel at nakita niya
kung kanino ito galing at nainis siya. Ayaw niya kay Alice simula pa nung unang araw ng
pasukan dahil alam niyang maraming bali balita na baliw daw ang babae. Nagsasalitang
magisa, o kaya tumatawa at minsan tila may kinakausap pero wala naman talaga. Iniisip
niyang creepy ang babae kaya ayaw niya dito.

Kinabukasan pumasok na ang dalawa niyang kaibigan at nakwento niya ang nangyari.
Inaasar siya ng dalawa at tinutuksong "hala ka susunod ka na" sabay tatawa ng malakas.
Buong maghapon lang silang nagkukulitan at nagaasaran. Matatalino ang tatlo at
madalas sila din ang naguunahan sa ranking pagdating sa grado noong nasa high school
pa sila. Madalas si Sofia ang una, sunod si Kyla at pangatlo si Angel. Masisipag silang
mag-aral at talagang competitive pagdatinf sa acads. Isang dahilan din kung bakit sila
nagkasundo sundo at naging magkakaibigan.
Minsan nagkaroon ng patimpalak sa paaralan at kailangang pumili ng magiging kalahok.
Sinabi ng propesor na magkakaroon ng pagsusulit para sa ilalaban sa patimpalak.
Tinutukso-tukso at sinasabihan na ng mga kaklase nila si Sofia na siya na daw ang
lumaban lara di na sila mahirapan sa exam. Pero gusto ng propesro na magkaroon ng
eliminasyon. Kinabukasan lumabas ang resulta at hindi si Sofia ang may pinakamataas na
marka kundi si Angel.

Mababakas ang pagkadismaya sa muka ni Sofia, pero binati niya ang kaibigan. Hindi
sumabay sa paguwi si Sofia sa kanilang dalawa ni Kyla na ipinagtaka nilang dalawa. Kaya
naman tinawagan niya ni Angel ng gabing iyon upang tanungin. Sabi lamang ni Sofia sy
masama ang kaniyang pakiramdam kaya nauna na siya. Sinabiham siya ni Angel na
magpagaling at pinatay na rin niya sng tawag. Ramdam niya ang coldness ng kaibigan sa
pakikipagusap sa kaniya.

Dahil doon tila ba bumalik sa kaniya ang ilang alaala nung high school pa sila. Hindi
kailanman niya natalo o naunahan si Sofia nung nasa high school pa sila. Madalas siyang
pangatlo o minsan ay pangalawa. Hindi dahil sa hindi siya magaling kundi dahil una
palang naramdaman na niya ang pagigig competitive ng kaibigan at dahil matalik niya
itong kaibigan at ayaw niya itong lumayo sa kaniya. Kaya sa halip na taasan niya ay lagi
syang nagpalaubaya sa kaibigan. Madalas niya rin itong tulungan sa mga proyekto lalo na
kapag nasstress na ang kaibigan.

Ganoon na lamang niya kamahal at pinapahalagahan ang kaibigan dahil isa ito sa mga
una niyang naging kaibigan lalo na ng mga panahong hindi siya marunong makihalubilo
sa iba. Nahihiya siya at si Sofia ang unang lumapit sa kaniya para makipagkaibigan.
Simula noon ay sinabi niya sa sarili niyang lagi niyang tutulungan at sasamahan si Sofia at
Kyla na una ng kaibigan ni Sofia at kalaunay naging kaibigan niya rin.

Kaya nga ngayon nasa kolehiyo na ay gusti na niyang galingan para sana sa mga magulang
niya din. Iniisip niya na dahil tunay naman silang magkakaibigan at matagal na rin silang
magakakasama ay magiging magkaibigan pa rin sila kahit ganoon ang mangyari. Sinadya
niyang

You might also like